Diocese of Iba - St. Therese of the Child Jesus Diocesan Shrine

Diocese of Iba - St. Therese of the Child Jesus Diocesan Shrine FR. JAIME ESCURZON
Shrine Rector

MASS SCHEDULES:

Monday - Tuesday | 6:30 am

Wednesday | 4:30pm Novena
5:00pm Mass

Thursday- Saturday: 6:30am

Saturday (Sunday Liturgy) | 7:00 pm

Sunday Masses: 6:30 am | 8:00 am | 5:00 pm

REV.

16/09/2026
SOLEMNITY OF OUR LADY OF SORROWS O Most Sorrowful Mother Mary, we come before you with humble and prayerful hearts. You ...
15/09/2026

SOLEMNITY OF OUR LADY OF SORROWS

O Most Sorrowful Mother Mary, we come before you with humble and prayerful hearts. You who stood faithfully beside the Cross of your Son, Jesus, teach us to remain steadfast in faith even in times of suffering and trials. Help us to imitate your courage, patience, and complete trust in God’s will. Mary, our loving Mother, pray for our families, our loved ones, and all those who are suffering. May your compassionate heart remind us to be more understanding And loving to those who are in need. O Our Lady of Sorrows, accompany us throughout our journey and help us carry our crosses with faith, knowing that God’s love is always with us. Lead us always to your Son, Jesus Christ, and help us remain faithful to Him until the end. Amen.

Our Lady of Sorrows, pray for us.



Stay Connected with our Shrine Community!
Follow our Official page for Mass Schedule, Homily Reflection, Shrine Announcement, and Upcoming Activities.
https://www.facebook.com/p/Diocese-of-Iba-St-Therese-of-the-Child-Jesus-Diocesan-Shrine-61579285718153/

September 15 | Solemnity of Our Lady of Sorrows Ang pagmamahal sa isang ina ay isa sa pinakamagandang halimbbawa ng pagm...
15/09/2026

September 15 | Solemnity of Our Lady of Sorrows

Ang pagmamahal sa isang ina ay isa sa pinakamagandang halimbbawa ng pagmamahal ng Diyos saatin. Ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang nasusukat sa saya at masasayang karanasan. Kasama rin dito ang pagtitiis, sakripisyo, pananampalataya, at pananatili sa tabi ng taong minamahal kahit sa gitna ng pinakamabigat na pagsubok.
-Rev. Fr. Jimboy Escurzon

Stay Connected with our Shrine Community!
Follow our Official page for Mass Schedule, Homily Reflection, Shrine Announcement, and Upcoming Activities.
https://www.facebook.com/p/Diocese-of-Iba-St-Therese-of-the-Child-Jesus-Diocesan-Shrine-61579285718153/

Seytembre 13 | Lectors & Commentators Seminar Workshop Day 3 Sa loob ng tatlong araw, naging pagkakataon ito upang higit...
14/09/2026

Seytembre 13 | Lectors & Commentators Seminar Workshop Day 3

Sa loob ng tatlong araw, naging pagkakataon ito upang higit na maunawaan ng lahat ang kanilang tungkulin bilang Lectors at Commentators, gayundin ang kahalagahan ng paghahanda, wastong pagpapahayag, at higit sa lahat, ang pagsasabuhay ng Salitang ipinahahayag.

Ang pagtatapos ng seminar ay hindi pagtatapos ng pagkatuto, kundi simula ng mas malalim at mas tapat na paglilingkod sa Panginoon at sa Kanyang Sambayanan.

Lubos ang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng seminar mga tagapagsanay, organizers, volunteers, at lahat ng nakiisa ng buong puso at sipag na nakibahagi sa tatlong araw na pagsasanay.

Nawa’y ang bawat salitang ating ipinahahayag ay maging instrumento upang maghatid ng liwanag, magpalalim ng pananampalataya, at maglapit ng mga puso sa Diyos.

Soli Deo Gloria! 🌹📖




Stay Connected with our Shrine Community!
Follow our Official page for Mass Schedule, Homily Reflection, Shrine Announcement, and Upcoming Activities.
https://www.facebook.com/p/Diocese-of-Iba-St-Therese-of-the-Child-Jesus-Diocesan-Shrine-61579285718153/

Setyembre 14 | KAPISTAHAN NG PAGDAKILA SA BANAL NA KRUSKapag natutuhan mong makita ang krus sa paraang nakikita ni Krist...
14/09/2026

Setyembre 14 | KAPISTAHAN NG PAGDAKILA SA BANAL NA KRUS

Kapag natutuhan mong makita ang krus sa paraang nakikita ni Kristo, saka mo higit na mauunawaan kung gaano ito kahalaga sa iyong buhay at pananampalataya. Ang krus ay hindi lamang simbolo ng paghihirap, kundi simbolo ng pag-ibig, pagpapatawad, kaligtasan, at tagumpay ni Kristo.
-Rev. Fr. Jimboy Escurzon

Stay connected with our Shrine community!
Follow our Official page for Mass Schedule, Homily Reflection, Shrine Announcement, and Upcoming Activities.

https://www.facebook.com/p/Diocese-of-Iba-St-Therese-of-the-Child-Jesus-Diocesan-Shrine-61579285718153/

FEAST OF THE EXALTATION OF THE HOLY CROSS Buong pananampalataya nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Pagdakila sa Ban...
14/09/2026

FEAST OF THE EXALTATION OF THE HOLY CROSS

Buong pananampalataya nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Pagdakila sa Banal na Krus. Ang Krus ay hindi lamang tanda ng paghihirap, kundi tanda ng dakilang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng Krus ni Kristo, ipinakita Niya ang lalim ng Kanyang awa at ang Kanyang walang hanggang pagnanais na ilapit tayo sa kaligtasan.

Sa pagdakila natin sa Banal na Krus, nawa’y matutuhan nating yakapin ang ating mga sariling krus nang may pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos. Sa bawat pagsubok at paghihirap, nawa’y manatili tayong nakatuon kay Kristo, sapagkat sa Krus ay natagpuan natin ang pag-asa, at sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli, ang pangako ng buhay na walang hanggan.

“We adore You, O Christ, and we praise You, because by Your Holy Cross You have redeemed the world.”

Panginoong Hesukristo, sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, palakasin Mo ang aming pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Turuan Mo kaming maging tapat sa aming mga tungkulin at manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok. Mahal na Krus ni Kristo, maging aming pag-asa at kaligtasan.

Maligayang Kapistahan ng Pagdakila sa Banal na Krus!

AVE CRUX, SPES UNICA 🌹✝️




Stay connected with our Shrine Community!
Follow our Official page for Mass Schedule, Homily Reflection, Shrine Announcement, and Upcoming Activities.
https://www.facebook.com/p/Diocese-of-Iba-St-Therese-of-the-Child-Jesus-Diocesan-Shrine-61579285718153/

September 13 | Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon Tayong mga tao ay mahina at hindi perpekto. Napagtanto ko na ang p...
13/09/2026

September 13 | Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Tayong mga tao ay mahina at hindi perpekto. Napagtanto ko na ang pagtuturo ni Hesus tungkol sa pagpapatawad ay hindi lamang tungkol sa simpleng pagsasabi ng “pinapatawad kita.” Ito ay isang paraan upang maibalik at mapanumbalik ang mga relasyon na nasira dahil sa pagkakamali at pagkakasala. Kung nais kong maranasan ang awa at pagpapatawad ng Diyos, kailangan ko ring matutong magpatawad sa iba nang buong puso.
-Rev. Fr. Jimboy Escurzon

Stay connected with our Shrine Community!
Follow our Official page for Mass Schedule, Homily Reflection, Shrine Announcement, and Upcoming Activities.
https://www.facebook.com/p/Diocese-of-Iba-St-Therese-of-the-Child-Jesus-Diocesan-Shrine-61579285718153/

Ipinababatid po sa lahat na ang Banal na Misa ngayong araw ng MIYERKULES, SEPTEMBER 9, 2026 sa ika-5:00 ng hapon, kansel...
09/09/2026

Ipinababatid po sa lahat na ang Banal na Misa ngayong araw ng MIYERKULES, SEPTEMBER 9, 2026 sa ika-5:00 ng hapon, kanselado po.

Nawa’y patuloy tayong ingatan ng Panginoon at ni Santa Teresita ng Niño Hesus.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

SEPTEMBER 8, 2026Kasabay ng maringal na pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, buong kagalaka...
09/09/2026

SEPTEMBER 8, 2026

Kasabay ng maringal na pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, buong kagalakan nating ipinagdiwang ang ika-31 taon ng pagkapari ni Rev. Fr. Jimboy Escurzon, sa pamamagitan ng isang Banal na Misa ng Pasasalamat na kanyang pinangunahan.

Sa loob ng tatlumpu’t isang taon, buong kababaang-loob at katapatan niyang inialay ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang bayan. Ang kanyang buhay-pagkapari ay patuloy na nagiging paalala ng isang bokasyong hinubog ng pananampalataya, paglilingkod, sakripisyo, at pagmamahal sa Simbahan.

Sa espesyal na araw na ito, nakikiisa ang buong pamayanan ng Dambana Kasama Ang mga Malalapit na Kaibigan sa pasasalamat sa Panginoon para sa biyaya ng kanyang bokasyon. Sa pamamagitan ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria, nawa’y patuloy siyang pagkalooban ng kalakasan, karunungan, mabuting kalusugan, at pusong laging handang maglingkod.

Mula sa Dambana Ng Santa Teresita ng Niño Hesus,
HAPPY 31st PRESBYTERAL ANNIVERSARY
Rev. Fr. Jimboy Escurzon!

Nawa’y patuloy kayong maging instrumento ng Diyos ng Kanyang pagmamahal, awa, at pag-asa sa Kanyang bayan.

Address

Purok 1
Subic
2209

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
Sunday 9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocese of Iba - St. Therese of the Child Jesus Diocesan Shrine posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share