04/10/2026
KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO NG ASISI
“Panginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng Iyong kapayapaan.” — Pananalangin ni San Francisco
Sa araw na ito, buong galak at pananalig nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Francisco ng Asisi, isang huwaran ng kababaang-loob, kapayapaan, pag-ibig sa kapwa, at malasakit sa buong sangnilikha. 🌿🕊️
Nawa’y matularan natin ang kanyang simpleng pamumuhay at pusong laging handang maglingkod sa Diyos at sa kapwa.
San Francisco ng Asisi, ipanalangin mo kami! 🙏🤎