29/10/2024
Maligayang kaarawan sa minamahal naming Pastor Samelind Mista!
Maraming salamat po sa pagiging instrumento ng pag-ibig ng Diyos sa aming buhay. Isa pong pagpapala sa bawat isa ang iyong buhay, pastor.😊
Labis po kaming nagpapasalamat sa Panginoon na kayo ang siyang pastor na inilaan Niya para sa amin. Isang lingkod ng Diyos na parating ang isipan ay nakatuon sa kung paano maluluwalhati ang Panginoon,parating iniisip kung paano mapapalawig ang gawain ng Panginoon at kung paano mapapalaganap ang salita Niya, isang mangangaral ng Diyos na hindi humihinto sa pag-aaral at paglalim sa pananampalataya nang sa gayon kami ay maturuan at mapakain ng purong salita ng Diyos, isang pastor na sadyang napakalaki ng pag-ibig at pang-unawa sa bawat miyembro, at isang pastor na labis na nagmamahal sa mga kaluluwa. Labis po kaming nahahamon at napagpapala sa buhay nyo pastor. Ang buhay nyo po ay buhay na patotoo para sa mga taong nakapaligid sa iyo kung paano mamuhay ng may pananampalataya sa Diyos