St. Anthony of Padua Youth Ministry

St. Anthony of Padua Youth Ministry Together, To Gather , To Get There

Sa paglipas ng panahon, maraming alaala, sakripisyo, at kwento ng pananampalataya ang nabuo sa ating parokya. Mula sa si...
02/05/2026

Sa paglipas ng panahon, maraming alaala, sakripisyo, at kwento ng pananampalataya ang nabuo sa ating parokya. Mula sa simpleng pagtitipon ng komunidad hanggang sa matibay na samahang pinagbuklod ng pananampalataya, patuloy nating pinanghahawakan ang mga tradisyong humubog sa atin bilang isang pamilya ni Kristo.

Sa taong ito, buong puso naming inihahandog ang St. Anthony of Padua Parish Variety Show 2026 na may temang
“Honoring the Past, Embracing the Future.”

Ang temang ito ay paalala na habang ating pinapahalagahan ang mayamang kasaysayan, kultura, at pananampalatayang ipinasa sa atin ng mga naunang henerasyon, patuloy din tayong humahakbang tungo sa mas maliwanag at mas matatag na kinabukasan bilang isang komunidad.

Sa pamamagitan ng musika, sayaw, dula, at iba’t ibang pagtatanghal, ating ipagdiriwang ang kagandahan ng kulturang Pilipino at ang pananampalatayang patuloy na nagbibigay-liwanag sa bawat isa sa atin. Bawat palakpak, bawat ngiti, at bawat suportang inyong ibibigay ay magiging bahagi ng isang mas malaking misyon — ang pagpapatuloy ng pagpapatayo ng ating simbahan, ang tahanan ng ating pananampalataya at pagkakaisa.

Hindi lang ito isang simpleng variety show. Isa itong gabi ng pag-asa, pagmamahalan, at pagbubuklod ng komunidad. Isang gabing nagpapaalala na kapag tayo’y nagkakaisa para sa Diyos at para sa kapwa, walang imposible. 💖

📍 St. Anthony of Padua Parish
📅 May 17, 2026
🕕 6:00 PM
🎟️ Ticket Price: ₱200.00

Tara na at sama-sama nating parangalan ang nakaraan habang buong tapang na niyayakap ang kinabukasan.

Sa krus, hindi lang sakit ang isinabit kundi ang pag-ibig na walang kapalit at sa bawat paghihirap, may pag-asang patulo...
31/03/2026

Sa krus, hindi lang sakit ang isinabit kundi ang pag-ibig na walang kapalit at sa bawat paghihirap, may pag-asang patuloy na ibinibigay para sa atin.

Ngayong darating na SENAKULO 2026, tunghayan natin ang kwento ng sakripisyo at pagtubos na patuloy na nagbibigay liwanag sa ating buhay.

📅 Abril 3, 2026 (Biyernes Santo)
⏰ 4:00 ng umaga
📍 Sto. Thomas Covered Court

Makiisa. Magnilay. Manampalataya.

08/03/2026

Mukha ng Kuwaresma IV #2

Isa ako sa mga kabataang sumigaw ng “Ipako Siya sa Krus!”

Nadala ako ng sigawan ng karamihan. Hindi ko naman Siya kilala. Pero sumigaw ako.
“Ipako Siya!”

Nakikiisa lang naman ako.
Pero bakit parang hanggang ngayon, nadadala pa rin ako ng opinyon ng iba?

Pagninilay: Madali tayong madala ng karamihan. Pero may sariling konsensya ang bawat isa.

(Ang tagpong ito ay ang pananaw ng isang kabataang nadala lamang ng emosyon at nakisabay sa karamihan)

Ito ay binigyang buhay ng mga kabataan ng San Antonio ng Padua

Sa bawat ensayo ng aming Senakulo, kaakibat ang pagod, sakripisyo, at taimtim na panalangin. Hindi lamang ito isang pagt...
01/03/2026

Sa bawat ensayo ng aming Senakulo, kaakibat ang pagod, sakripisyo, at taimtim na panalangin. Hindi lamang ito isang pagtatanghal, kundi isang paglalakbay ng pananampalataya at paalala ng dakilang pagmamahal ng Diyos.

Sa patuloy naming paghahanda, buong puso kaming kumakatok sa inyong kabutihang-loob para sa sponsorship ng pagkain tuwing rehearsal at mga materyales na gagamitin sa paggawa ng props at kasuotan.

Ang inyong munting tulong ay magiging malaking ambag upang maisabuhay namin nang maayos at makabuluhan ang kwento ng paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Kristo.

Makiisa sa aming misyon. Maging bahagi ng isang makabuluhang gawain.
Be a sponsor, be a blessing. Sama-sama nating gawin itong posible.

Isang pagbabalik-tanaw sa makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya. 🎞️✨ Sa bawat eksena ng Senakulo, hindi lang namin...
20/02/2026

Isang pagbabalik-tanaw sa makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya. 🎞️✨

Sa bawat eksena ng Senakulo, hindi lang namin isinabuhay ang kuwento, isinapuso namin ang bawat sakit, sakripisyo, at pag-asa. Habang pinapanood ko ang mga larawang ito, pinapaalala nito na ang bawat paghihirap ay may dahilan, at ang bawat luha ay may kapalit na muling pagkabuhay.

Throwback sa mga araw na pawis, pagod, at emosyon ang puhunan pero kapalit naman ay mas malalim na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng pagmamahal at sakripisyo.

Hindi lang ito pagtatanghal. Isa itong paalala na sa likod ng bawat krus na pasan natin, may liwanag na naghihintay.

At ngayon, bukas ang paanyaya sa lahat. Kayo ay aming iniimbitahan na maging bahagi ng workshop isang pagkakataon upang mas mapalalim ang talento, dedikasyon, at higit sa lahat, ang puso sa paglilingkod.

Sama-sama sa muling paglalakbay ng pananampalataya.

BUKAS NA ‼️ KITAKITS KABATAAN
20/02/2026

BUKAS NA ‼️ KITAKITS KABATAAN

Buhayin natin ang Pasyon ni Kristo at makibahagi sa isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa Senakulo 2026 Workshop na gaganapin sa February 21.

Bukas para sa lahat—bago man o may karanasan sa entablado.

Maraming papel ang maaaring gampanan, sa harap man o likod ng tanghalan. Ang bawat talento ay maaaring ialay bilang panalangin at handog sa Diyos.

Sabay-sabay nating palalimin ang pananampalataya, disiplina, at pagkakaisa bilang isang komunidad.

Maging bahagi ng isang tradisyong humihipo sa puso at nagpapalakas ng debosyon.
Halina’t tahakin ang paglalakbay at buhayin ang Pasyon ni Kristo. ✝️🎭

20/02/2026

Mukha ng Kuwaresma IV #1

ISA AKO SA NANONOOD HABANG PASAN NIYA ANG KRUS

Nakatayo lang ako sa gilid ng daan.
Pinapanood ko Siya habang pinapasan ang krus.
Hindi ko Siya tinulungan.
Hindi ko rin Siya pinigilan.

Tahimik lang ako.

At ngayon ko lang naisip…
Ilang beses na rin ba akong nanatiling tahimik habang may taong nahihirapan sa harap ko?

Pagninilay: Minsan hindi natin kailangang manakit para magkasala. Minsan sapat na ang pananahimik.

Binigyang buhay ng mga Mag-aaral ng St. Anthony's School of Matain, Inc.

17/02/2026

Makiisa sa ating mga pagdiriwang sa Miyerkules ng Abo. Tanda ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Magnilay, mag-ayuno, at magkawang-gawa ngayong panahon ng Kuwaresma.

17/02/2026

Narito ang mga gawain sa darating na Kuwaresma at mga Mahal na Araw.

May ka-date ka na ba sa Araw ng mga Puso?Kung wala, halika—may pag-ibig na tahimik na naghihintay, tapat, at hindi kaila...
05/02/2026

May ka-date ka na ba sa Araw ng mga Puso?

Kung wala, halika—may pag-ibig na tahimik na naghihintay, tapat, at hindi kailanman napapagod magmahal.

Kung meron man, hindi hadlang ’yan—
isama mo siya at maupo kayo sa iisang liwanag.

Isang oras ng panalangin. Isang gabi ng katahimikan sa piling ng Panginoon.

Isang paalala na ikaw ay kamahal-mahal—
minamahal, tinatawag, at niyayakap ng Diyos,anumang yugto ng iyong buhay.

Sama-sama tayong tahimik na manalangin
sa Parokya ng San Antonio De Padua sa ganap na ika-6 ng gabi.

Buhayin natin ang Pasyon ni Kristo at makibahagi sa isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya.Inaanyayahan ang l...
05/02/2026

Buhayin natin ang Pasyon ni Kristo at makibahagi sa isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa Senakulo 2026 Workshop na gaganapin sa February 21.

Bukas para sa lahat—bago man o may karanasan sa entablado.

Maraming papel ang maaaring gampanan, sa harap man o likod ng tanghalan. Ang bawat talento ay maaaring ialay bilang panalangin at handog sa Diyos.

Sabay-sabay nating palalimin ang pananampalataya, disiplina, at pagkakaisa bilang isang komunidad.

Maging bahagi ng isang tradisyong humihipo sa puso at nagpapalakas ng debosyon.
Halina’t tahakin ang paglalakbay at buhayin ang Pasyon ni Kristo. ✝️🎭

Address

Subic
2209

Telephone

+639123236165

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Anthony of Padua Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share