08/09/2026
Kung tutuusin, hindi madaling maglingkod.
Madalas, ikaw ang iintindi sa mga hindi nakakaintindi.
Ikaw ang magmamahal sa mga taong hindi ka rin minamahal pabalik.
Ikaw ang magsasakripisyo kahit pagod ka na,
kahit ikaw na ang laging nagbibigay.
Pero doon sinusukat ang tunay na puso ng paglilingkod.
Hindi kung kaya mong magmahal sa madaling mahalin,
kundi kung kaya mong magpatawad kahit mahirap,
magmahal kahit hindi ka minamahal,
at maglingkod kahit walang kapalit.
Isipin mo si Jesus.
Siya ang pinaka-dapat paglingkuran,
pero Siya mismo ang nag-adjust para sa atin.
Hindi Siya naghintay na tayo ang lumapit
Siya ang bumaba, nagpakumbaba,
at nagbigay ng buhay para sa atin.
Kaya kung Siya nga nag-adjust para sa atin,
paano pa kaya tayo na mga lingkod Niya?
REMEMBER THIS:
Ang tunay na paglilingkod ay hindi nakabase sa convenience,
kundi sa sacrifice.
Hindi sa approval ng tao,
kundi sa approval ng Diyos.
Kaya kapatid, huwag kang mapagod magmahal.
Huwag ka magsawang umintindi.
Huwag kang titigil magsakripisyo.
Dahil bawat pagod, bawat luha, bawat sakripisyo mo para kay Lord,
hindi mawawalan ng kabuluhan.