24/05/2026
โ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ค๐๐ฉ, ๐๐๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌโ
"๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐."
โ ๐ช๐๐๐๐๐๐ 3:23
Malugod naming binabati ang lahat ng mga estudyante ng Church of Christ at Pamatawan sa inyong tagumpay sa pag-aaral. Ang inyong pagtatapos, mga natamong karangalan, achievements, at walang sawang pagsisikap ay patunay ng inyong tiyaga, determinasyon, at pananampalataya sa Diyos.
Sa bawat puyat, sakripisyo, at hamon na inyong hinarap, ipinakita ninyo na ang edukasyon ay isang mahalagang hakbang tungo sa magandang kinabukasan at sa pagiging pagpapala sa inyong pamilya at komunidad. Nawaโy magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang kabataan upang magpatuloy sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga magulang na naging sandigan, gabay, at lakas ng ating mga kabataan. Ang inyong pagmamahal, pagtitiis, at suporta ay malaking bahagi ng kanilang tagumpay. Gayundin sa mga g**o na naging katuwang sa paghubog ng kanilang kaalaman, kakayahan, at mabuting pag-uugaliโmaraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit.
Dalangin namin na patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng karunungan, lakas, at tagumpay sa bawat hakbang ng inyong buhay. Nawaโy gamitin ninyo ang inyong mga natutunan upang maging ilaw at pagpapala sa komunidad na inyong kinabibilangan.
๐ ๐๐น๐ถ, ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐! ๐ฃ๐๐ฟ๐ถ๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐!