26/07/2026
📍 Sunday Service Recap | July 26, 2026
✍️ Tinawag ka, Binago ka, at may Layunin ang Diyos sa Buhay Mo
Tinatawag tayo ng Diyos kung ano man tayo ngayon, pero dahil mahal Niya tayo, hindi Niya tayo hahayaang manatili sa dati nating kalagayan. 🤍
Isang makapangyarihang paalala ngayong Linggo na hindi ang nakaraan natin ang nagtatakda sa atin—kundi ang tawag ng Diyos sa ating buhay. Tinawag ka Niya, binago ang puso mo, at binigyan ka ng malinaw na direksyon. Ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, hawakan mo ang katotohanang ito: May magandang layunin ang Diyos na ginagawa sa buhay mo.