St. Paul's Episcopal Parish

St. Paul's Episcopal Parish This page feature every significant events of the church- Saint Paul's Episcopal Parish.

7th death anniversary of  Chloue M. Kaso #๐—ฅ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ๐—บ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜€
05/06/2026

7th death anniversary of Chloue M. Kaso
#๐—ฅ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ๐—บ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜€

Ang SPEP sa pangunguna ni Rev. Dennis Mgno , Vestry, BSA, SKEP, at ECW ay masayang nakiisa  sa Brigada Kick off program ...
01/06/2026

Ang SPEP sa pangunguna ni Rev. Dennis Mgno , Vestry, BSA, SKEP, at ECW ay masayang nakiisa sa Brigada Kick off program ng Mataas na paaralang Pandan ng Nasyonal ngayong araw.

31/05/2026
31/05/2026


"The Church therefore calls upon all public officials and political leaders to act with wisdom, restraint, and moral cou...
31/05/2026

"The Church therefore calls upon all public officials and political leaders to act with wisdom, restraint, and moral courage. We urge them to place the welfare of the nation above personal ambition or partisan advantage, and to preserve the integrity of our constitutional processes. Genuine leadership is measured not by political power, but by faithfulness to justice, accountability, and service to the common good."

"We likewise encourage all our faithful members and our fellow citizens to remain vigilant, prayerful, and actively engaged in the democratic life of the nation. In moments of political uncertainty, we must stand firmly for truth, justice, and righteousness while rejecting actions that sow division and weaken public institutions."

31/05/2026

MEMORY VERSE FOR SUNDAY, MAY 31, 2026
"Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa" (Mateo 28:18)/"All authority in heaven and on earth has been given to me." (Matthew 28:18)

Panalangin: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. O, Diyos ng kasaysayan, kami nagpupuri at nagpapasalamat sa Inyong walang hanggang kadakilaan, pagkalinga, at pagmamahal sa amin. Sa banal na misteryo ng Trinidad, patuloy po kayong nangungusap at nananawagan sa kahalagahan ng pagkakaisa, respeto, katarungan at hustisya, sa pagpapanibagong-hubog at tunay na pagbabago, at laloโ€™t higit sa Dakilang Misyon ng paglilingkod lalo sa mga api at pinagsasamantalahan. Kaya naman, dalangin namin na gabayan kami sa pagtugon at pagsasabuhay ng lahat ng iyon. Sa ngalan ni Hesus, Amen.

Sa pagninilay na ito ng Dakilang Komisyon (Great Commission), ibinabalik ako sa panahon kung kailan ko naisip na pasukin ang buhay ng paglilingkod at serbisyo. Mula pa sa panahon na nabigyan kami ng pagkakataong maglingkod bilang mga g**o sa Sunday School at Vacation Church School, kung saan hindi bababa sa singkuwentang mga bata ng komunidad ang naabot at natuturuan. Hanggang sa maagang sinanay sa ibaโ€™t ibang gawain ng simbahan, partikular sa gawain ng mga kabataan. Hanggang sa paglilingkod sa mas malawak na pamayanan ng mananampalataya sa Ecumenical Movement, at laloโ€™t higit, ng piliin kong manirahan at magpatuloy sa paglilingkod sa mga abang pamayanan ng timog-silangang Mindanao. Sa munting simbahan na aking pinanggalingan, na una kong naging training ground, lumago at nahubog ang aking pananampalataya at kamalayang naglilingkod at nagsasabuhay sa dakilang Pagkabuhay-na Muli (resurrection).

Sa kabuuang teksto ng dakilang Komisyon, ipinakita ang isang larawan ng Kristong buhay (Anak), isinugo ng Ama (magulang), kasama ng Ama ang Anak na nagsugo sa Espirito Santo, ang katotohanang patuloy na kumikilos ang Banal na Trinidad (Holy Trinity), at ngayon Siyang nagbibigay sa atin ng isang malaki at mabigat na misyon โ€“ ang maglingkod sa Kanyang bayan.

Ang Dakilang Misyon ay ang nagpapatuloy na paalala sa atin bilang mga mananampalataya at tagasunod ni Kristo, na hindi natatapos sa pagsisimba at pagbabasa ng Bibliya, ang ating tungkulin para maabot ang kaharian ng Diyos. Panawagan ito ng pagkilos, ng pagsasabuhay, ng paglilingkod. Sadlak pa rin sa dusa at hirap ang mamamayang Pilipino. Walang kahihiyang niyuyurakan pa rin ng maraming sobrang-yaman at nang mga nasa kapangyarihan ang dangal at dignidad ng mga tao. Laganap pa rin at patuloy ang paggrabe ng kawalan ng trabaho at lupa, kumersiyal na edukasyon, limitado at kapos na serbisyo medikal, โ€˜di makatarungang buhis na harapang ibinubulsa ng iilan, nagpapatuloy na political unrest and dissatisfaction. Kasama na rin ang mabilis na pagkasira ng Inang kalikasan bunga ng kasakiman at pagsasawalang bahala.

Isinusugo tayo (misyon) at binibigyang kapangyarihan (empowering) na saan mang dako ng daigdig isapamuhay ang ating pananampalataya, tulad ng pagsugo ni Hesus sa kanyang mga disipulo. Buhay na halimbawa ang buhay ng nabuhay-na-muli na si Hesus na marapat nating tularan โ€“ nagtuturo, nagpapagaling, nagbibigay buhay, kritikal sa mga kaganapan ilalim sa imperyong Romano maging sa pagmamalabis ng mga may kapangyarihan (sa loob at labas ng Templo), at kailanman laging isinasaalang-alang ang mga dukha at mahihirap, mga bata at matatanda, ang mga kababaihan, ang mga inaapi at pinagsasamantalahan.

Kaya, tayo ay sama-samang humayo at maglingkod sa Diyos!

A reflection on Matthew 28:16-20 by Ms. Benny F. Mendoza (Episcopal Diocese of Central Philippines)

Image: "Scutum Fidei" (Shield of the Faith/Shield of the Trinity) stained window at Trinity Episcopal Church on the Green (Diocese of Connecticut, The Episcopal Church, Anglican Communion)

ECP.Official

What places do you go to meet the Lord?In Matthew 28:16, the disciples went to the mountain where Jesus had told them to...
30/05/2026

What places do you go to meet the Lord?

In Matthew 28:16, the disciples went to the mountain where Jesus had told them to go, and there they encountered the risen Lord. The mountain became a place of meeting, worship, and commissioning.

For us today, the question is: Where do we go to meet the Lord?

Many of us immediately think of the church, and rightly so. In worship, prayer, the Holy Eucharist, and fellowship with other believers, we encounter God's presence in a special way. Yet the Lord is not confined to church buildings.

We may meet Him in the quiet of our prayer room, in the pages of Scripture, in moments of silence and reflection, or in the beauty of creation. We encounter Him in acts of service, in the faces of those in need, and in the gathered community of faith. Sometimes we even meet Him in unexpected placesโ€”during times of struggle, grief, or uncertainty.

The disciples did not simply stumble upon Jesus; they went where He directed them. Likewise, meeting the Lord often requires intentionality. We must set aside time and make space for Him in our lives.

Perhaps the deeper question is not only where we meet the Lord, but whether we are willing to go where He calls us. The disciples met Jesus on the mountain and received a mission. Every genuine encounter with Christ changes us and sends us out to serve.

ctto

Address

Pandan
South Upi
9603

Telephone

09176328837

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Paul's Episcopal Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share