Centro National Christian Spiritualist Church of the Kim

Centro National Christian Spiritualist Church of the Kim Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Centro National Christian Spiritualist Church of the Kim, South Port District.

Kristyano Espiritualista/Espiritista na tumutukoy sa Pagtuklas ng Karunungan sa pamamagitan ng Agham/Siyensiya, gamit ang tatlong aspeto ng kaalaman ang Pilisopiya, Agham at Moral na paturuan na nag-uugnay sa buhay. Lunduyan/Centro na ang tanging Layunin ay Maipalaganap ang pagtuturo at pag-aaral ng siyensiya ayon sa karunungang espiritismo/espiritualismo.Sa kasalukuyan, ang espiritismo/espiritual

ismo sa pilipinas ay isinasabuhay ng bawa't mananampalataya sa Diyos, na ang natatanging aral na pinanghahawakan ay yaong itinuro ng Dakilang G**o at Maestro sa Juan 4:23-24 na PAGSAMBA SA DIOS SA ESPIRITU AT KATOTOHANAN. Sa isang espiritista/espiritualista, dapat niyang malaman na ang katuruang espiritismo/espiritualismo ay PAGSUSURI at PAGTUKLAS ng siyensiya bilang bahagi ng malalim na pag-aaral at pagkilala sa Dios ( RELIGIOUS SCIENCE ).

Pagbabalik-aral:Walang sinuman ang makapagsasabing alam na niya ang buong katotohanan. Mayroon lamang tayong pinanghahaw...
12/06/2019

Pagbabalik-aral:

Walang sinuman ang makapagsasabing alam na niya ang buong katotohanan. Mayroon lamang tayong pinanghahawakan na mga pira-pirasong katotohanan na nanggaling mula sa ating kinagisnan, narinig, nabasa, karanasan at sa kung ano ang interpretasyon o kaunawaan natin sa mga bagay at pangyayaring ito.

Samakatuwid, maaaring sabihin na kahibangan at kamangmangan ang paghatol na mali ang pananaw ng iba dahil sa paniniwalang sa iyo lamang ang tama. Nagsisimula ang pagsulong ng isang espiritu sa pagiging mapagpakumbaba, sa pag-amin na kulang na kulang pa ang kanyang nalalaman, at sa paggalang at pakikinig sa kuru-kuro ng iba.

"Guerra La Ignorancia y El Fanatismo!"
by: JC Casillan

A Meditational Reflection in this observance of month of Nisan starting March 17- 31 2018
15/03/2018

A Meditational Reflection in this observance of month of Nisan starting March 17- 31 2018

Unang Linggo ng bagong taon Enero 7, 2018 bilang Gampaning NCSCPian at Bagong Taong Pagdiriwang! Masaya at Mabiyayang na...
11/01/2018

Unang Linggo ng bagong taon Enero 7, 2018 bilang Gampaning NCSCPian at Bagong Taong Pagdiriwang! Masaya at Mabiyayang naipagdiwang nagbalik sa pagkabata sa masasayang palaro. [ I CORINTO 12:13-31 ] " IBA'T-IBANG SANGKAP NG KATAWAN DATAPUWAT IISANG KATAWAN KAY CRISTO "

Araw ng Pasasalamat at Pagpupuri sa Dios Ama at sa Panginoong Jesus ang Cristo sa ika-34 taong Anibersaryo noong ika-27 ...
05/01/2018

Araw ng Pasasalamat at Pagpupuri sa Dios Ama at sa Panginoong Jesus ang Cristo sa ika-34 taong Anibersaryo noong ika-27 ng Disyembre 2017 may Paksa/Tema: ISANG PANANAW, ISANG ADHIKAIN PARA SA PAGSULONG NG KATURUANG IGLESIA CRISTIANA ESPIRITISTA teksto: JUAN 6:53-58 at GALACIA 3: 15-29 na dinaluhan ng 16 na Lunduyan .

Ano nga ito, mga kapatid? Pagka kayo'y nangagkakatipon ang bawa't isa sa inyo'y may isang awit, may isang aral, may isan...
08/11/2017

Ano nga ito, mga kapatid? Pagka kayo'y nangagkakatipon ang bawa't isa sa inyo'y may isang awit, may isang aral, may isang pahayag, may wika, may isang pagpapaliwanag. GAWIN NINYO ANG LAHAT NG MGA BAGAY SA IKATITIBAY. [ I CORINTO 14: 26 ]

842. All doctrines claiming to be the sole expression of the truth, by what signs can we recognise the one which has the...
23/09/2017

842. All doctrines claiming to be the sole expression of the truth, by what signs can we recognise the one which has the best right to call itself such?

"The truest doctrine will be the one which makes the fewest hypocrites and the greatest number of really virtuous people-that is to say, of people practising the law of charity in its greatest purity and in its widest application ( I Corinthian 13: 13 ). It is by this sign that you may recognise a doctrine as true; for no doctrine, of which the tendency to make divisions and demarcations among the children of God, can be anything but false and pernicious."

Freedom of Conscience
(The Spirits' Book, Allan Kardec)

842. Sapagka't lahat nang doctrina ay nagpapanggap na sila lamang ang tangi na kinalalagdaan nang katotohanan, anong mga tanda ang pagkakakilanlan na may katuwiran na magbansag nang gayon?
..Yaong mga nakagagawa nang lalong maraming taong mabubuti at hindi sinungaling, samakatuwid ay yaong mga gumaganap nang batas o ley ng PAG-IBIG at PAGKAKAWANGGAWA SA KAPUWA ( I Corinto 13:13 ), sa kaniyang lalong kadalisayan. Dito ay inyong makikilala ANG ISANG DOKTRINA KUNG MABUTI; PAGKAT LAHAT NANG DOKTRINANG NAKAPAGTATANIM NG MGA PAGHIHIWALAY AT PAGLALAYO-LAYO AT NAGLALAGAY NG MGA HANGGANAN SA MGA ANAK NG DIOS AY MANGYAYARING MAY KATOTOHANAN AT YAO'Y MAKASISIRA.

Kalayaan ng Conciencia
( Aklat ng mga espiritu ni Allan Kardec isinalin sa tagalog ni Gregorio Adrana )

21/07/2017
πŸ”₯ AKO'Y ESPIRITISTA πŸ”₯Pahayag ni Apostol PedroTatlong bagay ang kinakailangang pagtagumpayan ng isang tao sa kanyang pagk...
09/07/2017

πŸ”₯ AKO'Y ESPIRITISTA πŸ”₯
Pahayag ni Apostol Pedro

Tatlong bagay ang kinakailangang pagtagumpayan ng isang tao sa kanyang pagka-Espiritista:

PAGKAGALIT ( Mga Awit 25:19; 109:3,5, 139:22 ; Kawikaan 10:12,18 ; 15:17 ; 26:26 ;Galacia 5:20 )

PAGKALUNGKOT ( Ang Mangangaral o Eclesiastes 7: 3 ) at

PAGKATAKOT ( Mateo 10:26-31 ; Hebreo 4: 1; 12:28 ; 13:6 ).

Samakatuwid: Ako'y espiritista- hindi ako magagalit. Ako'y espiritista- hindi ako matatakot. Ako'y espiritista- hindi ako malulungkot. Ang mga alitigtiging iya'y karaniwang nalalaman ng mga tao na nakapipinsala sa kanilang sarili sapagka't nakahahalina sa mga pintiging mababa, nakauubos ng lakas at nakapagbibigay ng kagulumihanan sa kanilang kaluluwa, datapuwa't karaniwang hindi napaglalabanan.

ANO ANG SIKOLIHIYA NG GALIT? Ang galit ay bunga ng maling pagkakilala sa mga bagay, sapagkat ang akala ng isang tao ay may ginagawang masama ang kanyang kapwa na iniuukol sa kanya kaya siya'y nagagalit. Datapuwat kung nalalaman lamang ng isang tao na walang ginagawa at ginagawa ang kanyang kapwa na hindi niya ginawa at gagawin, wala siyang sukat ikagalit.

ANO ANG IKATATAKOT NG ISANG TAO? Ang siya'y madala sa hindi niya ibig? Datapuwat ano ang hindi ibig ng isang tao? Ang mga pangyayari ay nangaghihiwatig na marami ang hindi nakaiibig sa kamatayan. Natatakot ang mga tao sa kamatayan, sa hirap, at sa sakit. Natatakot ang isang tao na siya'y mahakbangan o maunahan ng kanyang kapuwa sa dako na ibig niyang siya ang dapat mauna. Bakit natatakot ang isang tao sa kamatayan? Sapagka't ninanais niyang pagtamasahan ang mga bagay na kasalukuyan niyang tinatangkilik, sapagkat siya ay materyalista. Nguni't sa sandali na ang isang tao'y makakilala at makaunawa, na " WALA SIYANG TUTUNGUHIN NA DI IIWAN AT WALANG IIWAN NA DI TUTUNGUHIN, SAPAGKAT ANG BUHAY AY GINAGAWA LAMANG SIRKULO; SA IBANG SALITA'Y PILOSOPIYANG NAGBUBUHOL AT NAGKAKALAG NG MGA KARUNUNGANG NAPAPALOOB SA KALIKASANG ITO." ( Job 1: 21; I Timoteo 6: 7 ) Walang dapat ikatakot kung gayon, ang isang tao anoman ang mangyari o anoman ang dumating.

TUNGKOL SA KALUNGKUTAN. ANG UGAT NITO AY PAGKAAWA SA SARILI. BAKIT KAYO MAAAWA SA IBA? Marunong pa baga kayo kaysa Ama na siyang gumagawa ng mga pangyayari at nagpapapangyari sa mga bagay? ( Mateo 6: 24- 34 ) Ano ang inyong ikaliligalig kung nabibigo, kung naghihirap, nagugulumihanan, naaapi at naaaglahi? Ito ang mga bagay o pangyayari na nagiging sanhi ng kalungkutan ng karaniwang mga tao. May hinahangad kayong hindi natatamo, at ito'y inyong ikinalulungkot at itinatangis. Ngunit kung tinatanggap ninyo na hindi ang inyong pagnanais ang nagpapasiya sa mga dapat mangyari, wala kayong sukat ikalungkot at ikahapis. Dahil diyan, kung umiibig ang isang tao ay hindi nararapat maawa sa sinomang tumatanggap ng katarungan ng Kalikasan. Hindi dapat malungkot at walang dapat ikalungkot ang isang tao, sapagkat ito' y pag-aaksaya lamang ng lakas.

Ang mga salitang " AKO AY ESPIRITISTA " AY DURUGTUNGAN NINYO SA LAHAT NG SANDALI NG " HINDI NAGAGALIT, HINDI NATATAKOT AT HINDI NALULUNGKOT ", SAPAGKAT ANG PAGKAGALIT AY PAGHIHIMAGSIK, ANG PAGKATAKOT AY KARUWAGAN AT ANG PAGKALUNGKOT AY PANUNUMBAT.

ANG ISANG ESPIRITISTA'Y HINDI NAGHIHIMAGSIK, HINDI DUWAG AT HINDI NANUNUMBAT.

Ang Pahayay/Abot-sabi ay tinanggap sa Lunduyan El Amor del SeΓ±or sa Tundo, Maynila noong Disyembre 1, 1941 ganap na ika- 6:15 ng gabi. Talaytayang ginamit hma. TRINIDAD B. ESTRADAπŸ˜‡β˜πŸ½πŸ™πŸ½πŸŒˆπŸŒˆπŸŒˆ

Mga kapatid handugan natin ng ating panalangin ang ating kapatid na si DIOSDADA RABACIO na ngayo'y may karamdaman.πŸŒˆπŸ™ŒπŸ½πŸ™πŸ½P...
24/06/2017

Mga kapatid handugan natin ng ating panalangin ang ating kapatid na si DIOSDADA RABACIO na ngayo'y may karamdaman.

πŸŒˆπŸ™ŒπŸ½πŸ™πŸ½PANALANGIN SA ISANG MAY SAKIT NA PAHAHATDAN NG LUNAS (FLUIDOS) SA PAMAMAGITAN NG PAG-IISIPπŸŒˆπŸ™ŒπŸ½πŸ™πŸ½

Dios na Makapangyarihan, ipahintulot Mo po na makarating sa aming kapatid na DIOSDADA RABACIO na may sakit, ang lakas ng aming mga pag-iisip bunga ng isang tapat na hangaring mabigyang lunas ang kaniyang karamdaman. Mahal na Ama YHWH , aming Maestro at Mananakop, Mahal na Ina ng Sangkatauhan, Mga Kabatlayaan at Protektores at ipa pang mga mabubuting espiritung alagad ng Dios, tulungan po ninyo kami sa aming adhikaing ito at inyong bigyan ng maliwanag na pag-iisip at payapang damdamin ang aming kapatid na ito upang kaniyang matanggap na walang sagabal ang aming ipinahahatid na tulong sa kaniya.

Aming minamahal na kapatid na DIOSDADA RABACIO , sa mga sandaling ito inihahatid namin sa iyo ang makapangyarihang lakas (fluidos) na buhat sa Ama at sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, ng Mahal na Ina ng Sangkatauhan, ng Mga Kabatlayaan at mga Protektores at ng iba pang mga mabubuting espiritu na alagad ng ating DIOS. Ang lakas na ito'y maglalagos sa iyo upang lunasan ang iyong karamdaman, kung ito'y loloobin ng Ama.

Kapatid na DIOSDADA RABACIO, ibinibigay namin sa iyo ang banal na bisa ng aming kaisipan.

Kapatid na DIOSDADA RABACIO, ipinalalagos namin sa iyo ang banal na bisa ng aming kaisipan.

Sa pangalan ng ating Mananakop at Tagapagligtas na si Jesucristong Anak ng Makapangyarihang DIOS. AMEN

GROUP CHAT : πŸ‡΅πŸ‡­πŸŒ AKO'Y ESPIRITISTA TAAS NOO KAHIT KANINO 🌈 STAND AND PROUD TO BE SPIRITISTS' πŸŒ πŸ‡΅πŸ‡­PM po lamang kayo kung na...
15/06/2017

GROUP CHAT : πŸ‡΅πŸ‡­πŸŒ AKO'Y ESPIRITISTA TAAS NOO KAHIT KANINO 🌈 STAND AND PROUD TO BE SPIRITISTS' πŸŒ πŸ‡΅πŸ‡­

PM po lamang kayo kung nais ninyong makilahok sa mga talakayan at pag-aaral PATUNGKOL SA PAGTUTURO NG ESPIRITISMO.

" SIC TRANSIT GLORIA MUNDI "- THUS PASSES THE GLORY OF THE WORLD. ENTER THE GLORY OF THE NEXT.

Worshipping God in spirit and truth is our vows as an oath to bind ourselves unto the Lord. ( Numbers 30: 1-5 )( Isaias ...
27/02/2017

Worshipping God in spirit and truth is our vows as an oath to bind ourselves unto the Lord. ( Numbers 30: 1-5 )( Isaias 19: 20-21 )
Initial survey event last February 25-26, 2017 @ Susan Omaga Manzano place in Brgy Arawan, Antipolo City thank you sister for letting us used your place and during the up-coming Retreat on April 11-15, 2017 more Blessings to you!!! Thanks also to my pamangkin Miracle Gatchalian for letting us used the vehicle to accomodate the brothers and sisters in Christ...Kudos!!! To us and for participaring in the team building and brain storming more to come :) kya be prepare mga hermanos at hermanas.

Address

South Port District

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Centro National Christian Spiritualist Church of the Kim posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share