13/01/2025
"Ang Tunay at Fake na Paniniwala ng Tao sa Dios"
Madali magsabi ng "Naniniwala ako Dios" subalit hindi lahat ng nagsasabi nito ay TUTOONG may pananalig sa Dios.
Alalahanin natin ang sinabi ni Hesus, "Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng "Panginoon, Panginoon" ay makakapasok sa kaharian ng Dios".
Sa katunayan, marami ang magsasabi na, "Panginoon sa iyong Ngalan ay nagsigawa kami ng mga himala, nagpalayas ng mga demonyo" ngunit ang tugon ng Panginoon sa kanila ay ito: "HINDI KO KAYO NAKIKILALA, LUMAYO KAYO SA AKIN, mga manggagawa ng kasamaan!"
Tanong: Paano malalaman kung TUNAY ang aking paniniwala sa Dios?
Kung naitatanong mo ito sa iyong sarili, ating alamin ang kasagutan sa Bible at suriin ang ating paniniwala sa Dios kung fake ba o tutoo ito.
1- Ang Paniniwala sa Dios ay may STRUGGLE.
Kapag sinasabi mo na may paniniwala ka sa Dios at wala kang struggle o conflict sa buhay mo, fake yan.
Ang kalikasan ng tao ay ang gumawa ng masama, Kristiano man o hindi basta tao ka ha.. π
Ang tendency ay laging kasamaan.
"Then the Lord saw that the wickedness of man was great on the earth, and that EVERY INTENT OF THE THOUGHT OF HIS HEART WAS ONLY EVIL CONTINUALLY"
at kapag sinabi mo na ikaw ay may pananalig sa Dios, THAT IS ALREADY A STRUGGLE.
Conflict na yan sa sinful nature mo dahil kapag sinabi mo na ikaw ay nananalig sa Dios at patuloy kang GUMAGAWA NG MASAMA ibig sabihin hindi tutuo ang pananalig mo sa Dios dahil ang lahat ng nananalig sa Dios ay:
"But God's firm foundation stands, bearing this seal: βThe Lord knows those who are his,β and, βLet everyone who names the name of the Lord DEPART from iniquity.β
In other words those who believe in God are to DEPART from iniquity.
Kaya struggle yan. Conflict. An inward battle between doing what is good and evil.
Evil - because that is our human nature. Madali at natural sa atin ang manlibak ng kapuwa, magsinungling, magnakaw, mandaya, kayabangan, mapang mata ng kapwa, katamaran, lapastangan sa magulang, manloko, magrebelde, pumatay, at lahat ng iba pang mga kasamaan.
Good - dahil na once na nagpahayag ka ng pananalig mo sa Dios, ikaw ay nararapat lumayo sa lahat ng kasamaan.
Kaya ang paggawa ng mabuti ay NAKAKAPAGOD at NAKAKASAWA:
"Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti" - Apostol Pablo
At bakit? Because IT GOES AGAINST OUR HUMAN NATURE.
Nakakapagod at nakakasawa ang magpatawad ng magpatawad. Sa tuwing may gagawa sa iyo ng masama, KAILANGAN MONG MAGPATAWAD dahil iyon ang MABUTI.
Nakakapagod maging tapat. Mahirap maging consistent. Nakakasawa gumawa ng mabuti.
Nakikita mo na ang struggle? Kaya sa sandaling nagpahayag ka ng pananalig mo sa Dios at WALA KANG STRUGGLE sa buhay, fake yan.
Personal Testimony:
Ako ay Cellphone/Computer Tech by profession. One time, may nagpagawa sa akin na magkaibang customer na pareho ang model ng unit. Ang isa, No Power at ang isa naman ay Not Charging.
Ang No Power na unit ay hindi na magagawa. Ang Not Charging ay pwedeng pwedeng magawa. Ang kailangan lamang ay palitan ng Set Charging Board.
Pwede kong pagpalitin na lang ng pyesa ang dalawa tutal No Power naman ang isa pero maling gawain iyon.
Walang kapuhupuhunan at instant na cash.
Sabi ng Sinfu Nature ko: "Wow Jackpot!
But my Faith in the Lord said: "Do NOT do it, it is a sin"
Nakita nyo ang conflict? At halos ganyan ang encounter ko sa trabaho ko at lahat yan ay pinalampas ko dahil:
"Choosing rather to suffer affliction with the people of God, than to enjoy the pleasures of sin for a season"
Masarap ang kasalanan pero short term lang. Sa ibang translation ang nakasulat ay:
"kaysa magtamasa ng panandaliang ligaya na dulot ng kasalanan"
Tutoo naman, instant ligaya, instant cash ang kasalanan pero kapag nag expire na, ang kasunod naman ay guilt, regret at condemnation.
Ikalawa:
"There will be trouble and distress for every human being who does evil: first for the Jew, then for the Gentile"
Walang pinipili yan. Kristiano o hindi, Jews or Gentile: Trouble and Distress are the consequence kapag gumawa ka ng masama.
"Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama"
Kaya sa bawat araw sa aking trabaho, ito ang practice ko, pinipili ko ang paggawa ng mabuti kaysa sa masama na panandalian lamang na ang dulot sa buhay ay paghihirap at kapighatian.
π€