Diocesan Commission on Vocations - Diocese of Sorsogon

Diocesan Commission on Vocations - Diocese of Sorsogon This is the Official Page of the Commission on Vocations of the Roman Catholic Diocese of Sorsogon

28/04/2026
Let us celebrate God’s call!πŸ˜‡
01/11/2025

Let us celebrate God’s call!
πŸ˜‡

10/10/2024

Mga ka-journey… πŸ‘€β‰οΈ

09/10/2024

HINDI MASAYA SA LOOB NG SEMINARYO

"'Di ko na kaya academic standards.
'Di ako makapasok sa community.
Madami akong 'di makasundo.
Ang tamlay na ng dasal ko.

Hindi na yata ako pinapakinggan ng Diyos.
Masyado akong maraming kahinaan.
May problema pamilya ko sa labas.
Ayokong maging sugat ng simbahan sa hinaharap.
Pagod na ko."

Masaya ba sa loob ng seminaryo?
Depende sa kahulugan mo ng saya.
Masaya ba dahil marami kang magiging kaibigan? Oo.
Masaya ba dahil marami ka matututuhan? Oo rin.
Masaya ba na araw-araw ay nakakapaglaro kayo tuwing hapon? Oo rin.
Masaya ba dahil alam mong nasa bahay ka ng Panginoon at kahit anong oras ay maibubulong mo sa kanya ang iyong mga panalangin sa loob ng kapilya? Oo.

Pero masaya ba lagi? Hindi.
Wala bang hirap? Hindi.
Masarap ba lagi ang buhay? Hindi.
Mawawala ba kahinaan mo? Hindi.
Lahat ba lagi mong makakasundo? Hindi.
Mawawala ba ang mga tukso? Hindi.

'Di masaya sa loob ng seminaryo
kung ang hahanapin mo ay saya lang.
'Di masaya sa loob kung iisipin mong langit sa loob
at anghel ang mga seminarista't pari.
'Di masaya sa loob kung ang hanap mo'y magliwaliw
at magsaya lang.

Totoo nga. Hindi saya ang pinapangako ng pagsunod kay Kristo. Hindi rin saya ang pangako ng pagpasok sa seminaryo.

Sa kabila ng lahat, may saya pa rin.
Hindi yung nasusukat sa ngiti o lakas ng halakhak,
ngunit sa pusong nagpupuri sa Panginoon.

'DI MASAYA SA LOOB NG SEMINARYO
dahil hindi naman talaga madali ang pagsunod,
PERO MASAYA PA RIN
'Pag alam mo ang dahilan kung bakit ka nagpapatuloy.

Sa madaling salita, h'wag lang yung saya ang hanapin mo,
Sa halip, YUNG DIYOS NA NAGBIBIGAY NG SAYA.

Ipanalangin po natin ang mga pari't seminarista,
relihiyoso't relihiyosang tumugon sa tawag ng Panginoon. Kailangan po namin ang dasal ng bawat isa.πŸ™
_______________________________________________________________
𝑨𝒏𝒐 𝒃𝒂 π’‚π’π’ˆ π’ˆπ’Šπ’π’‚π’ˆπ’‚π’˜π’‚ π’π’Šπ’šπ’ 𝒔𝒂 𝒍𝒐𝒐𝒃 π’π’ˆ π’”π’†π’Žπ’Šπ’π’‚π’“π’š 𝒃𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓? π‘Ύπ’‰π’š 𝒏𝒐𝒕 π’„π’π’Žπ’† 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒆𝒆?

If you're a Grade 12 student, college student, or a young professional, aspiring to become a priest or brother involved in the apostolate of social communications, you may want to join us. Message us so we could connect you with our Vocations Office. (Tag your friends who might be interested)

Saint Paul Seminary
Come on, it's 2024. Let's communicate Christ!
Be a !

Address

Our Lady Of PeΓ±afrancia Minor Seminary
Sorsogon
4700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocesan Commission on Vocations - Diocese of Sorsogon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share