23/05/2026
YOUTH FELLOWSHIP (THURSDAY 14,2025)โค๏ธโ๐ฅ
๐Capitol,Park Sor,City
๐ฃ๏ธBro Johndel Giba
TOPIC:BALIK KANA
Nasusulat:
Lucas 15:20
[20]At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.โMalayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan.
Katulad ng Alibughang anak!
Kahit na lumayo ka, God is always looking out for you,
Alam mo,
Kahit sobrang tagal mong nawala ,
Kahit sobrang tagal mong nagrebelde.
Kahit sobrang tagal mong
Hindi nagbasa ng Bible, Hindi nagpray, Hindi nagsimba.
Inaantay ka parin ng Diyos.
Tama ka sa nabasa mo, inaantay ka niya.
Kailan ka babalik, grabe ang ipaghahanda niya kapag nagbalik.
Lucas 15:22-24
[22]Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, โMadali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya. Suotan ninyo siya ng singsing at bigyan ninyo siya ng sandalyas.
[23]Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y magdiwang.
[24]Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.โ At sila nga'y nagdiwang.โ
God is always looking out for you.
At Alam ng Diyos na hirap na hirap kana simula noong umalis ka sa kanya.
Laging nakatingin ang Diyos sa iyo, like the father who is always looking out for his child.
Kahit lumayo ka ang Lord hindi ka kailan man nilayuan, kahit nakalimutan mo ang Lord, hindi niya ikaw nakalimutan.
Kahit noong mga panahong hindi mo siya naaalala, ang Lord lagi kang naaalala.
His always waiting for you to comeback into His arms.
Laging naghihintay ang Lord sa iyo, kahit sobrang layo na natin sa kanya. Nanndyan parin siya para sa atin kapag bumalik ka.
Isaias 30:18
[18]Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.
Huwag mong isiping galit ang Diyos, Ang totoo nasasaktan siya palagi kapag lumalayo ka lalo. Kapag pinipili mo ang Mundo, masakit sa Diyos, kasi sobrang mahal ka niya.
Tulad ng Ama ng alibughang anak, na kahit lumayo ang anak niya, nagkasala ang anak niya, nilustay niya lahat ng pamana ng kanyang ama, Lagi parin nag hihintay ang kanyang ama sa pagbabalik ng kanyang anak.
At nung bumalik na ang kanyang anak napuno ng awa ang ama hindi galit, at ang salubong nito ay matinding yakap hindi panunumbat.
Lucas 15:20
"Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama,at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong ,niyakap at hinalikan".
Hindi kasalanan ang nakita, ang nakita ay Ang Anak niya mismo.
At ikaw iyon kapag nagdecide kang
BUMALIK SA DIYOS.
Huwag mong pakinggan ang Sinasabi ng Kaaway na Hindi ka tatanggapin kasi ang totoo.
the moment na nagsisi ka ng tunay, Tatanggapin ka ng Diyos at masayang masaya ang mga tunay na lingkod ng Diyos sa iyong pagbabalik at PINAKAmasaya ang Diyos.
Dahil sa Sa wakas "Nagbalik kana"
1 Juan 1:9
[9]Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
Hindi tumitingin ang Lord sa mistake at pagkakasala mo. Balik kana sa Lord mahal na mahal ka ng Lord kapatid.
Magbalik ka sa Lord, hindi sa tao, at kung may mga tao mang Hindi ka maintindihan, at Hindi ka maunawaan, Hayaan mo sila ang Importante bumalik ka sa Diyos dahil siya lang ang magliligtas sa ating lahat sa Dulo at Siya parin ang magdedecide hindi ang tao.
Kahit noong bumalik ang Alibughang anak, mayroong Hindi natuwa.
Lucas 15:27-28
[27]โDumating po ang inyong kapatid!โ sagot ng alila. โIpinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buhรกy at walang sakit.โ
[28]Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapan.
Kaya Balik kana! Dahil inaantay ka na ng Tatay natin sa Langit.
To God All Be The Gloryโค๏ธโ๐ฅ๐๐ป
#๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
#๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
#๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
#๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐