25/08/2024
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐ธ๐ฑ๐ท 11:1-11
Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok sa buhay. Minsan, napapaisip tayo kung bakit may mga bagay na hindi agad natutupad, o kung bakit may mga pagsubok na dumarating. Ngunit sa bawat sitwasyon, may mas malalim na dahilan ang Diyos. Ang kwento ni Lazaro sa John 11 ay nagpapakita ng katotohanan na may mga bagay na dumarating sa tamang panahon, ayon sa plano ng Diyos. Ito ang ating magiging gabay sa buhay habang tayo ay naghihintay sa mga biyaya at sagot mula sa Kanya.
๐๐๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ก๐๐ข๐ช๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ก ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ค๐ค๐ฃ.
In good and in bad times, always put in your mind that God loves you. Sa verse 3 ng John 11, makikita natin na si Lazaro, kahit may sakit, ay mahal pa rin ni Jesus. Ganon din tayoโkahit sa gitna ng problema o pagsubok, hindi nagbabago ang pagmamahal ng Diyos para sa atin. Sa hirap man o sa ginhawa, ang pagmamahal Niya ay palaging nariyan, kaya't wag nating kalilimutan ito.
๐๐ซ๐๐ง๐ฎ๐ฉ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ๐จ ๐๐ค๐ง ๐ ๐๐ค๐ค๐ ๐ง๐๐๐จ๐ค๐ฃ.
Sa John 11:4, makikita natin na hindi nag-panic si Jesus nung nalaman Niyang may sakit si Lazaro. Alam Niya na may plano ang Diyos at may mas malalim na dahilan sa likod ng mga pangyayari. Ganito rin sa buhay natin, may mga bagay na hindi natin gusto pero hinahayaan ng Diyos na mangyari dahil may magandang layunin Siya para dito. When the time is right, the Lord will make it happen because God is in control in everything.
๐๐ฃ๐ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฉ๐๐จ๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ค๐ ๐ง๐๐๐จ๐ค๐ฃ๐จ ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐ฉ๐๐๐ฃ๐๐จ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ ๐๐จ ๐๐ค๐ง ๐ฉ๐๐ ๐๐ก๐ค๐ง๐ฎ ๐ค๐ ๐๐ค๐.
Minsan, kailangan nating dumaan sa mga pagsubok para makita natin kung gaano kadakila ang Diyos sa ating mga buhay. The joy of the Lord is our strength, kayaโt kahit anong mangyari, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya. Magtiwala tayo na ang lahat ng ito ay para makita natin ang kapangyarihan ng Diyos sa ating mga buhay.
๐๐ค๐ค๐ ๐ฉ๐๐๐ฃ๐๐จ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐ฉ๐๐ข๐.
Madalas, yung mga delays na nararanasan natin ay exact time para sa Diyos. Baka hindi pa dumarating yung sagot sa mga panalangin mo dahil may mas magandang plano ang Diyos para saโyo. Minsan kailangan lang nating maging patient at maghintay, dahil siguradong the best ang ibibigay ng Diyos sa tamang panahon. Wag kang magmadali; ang timing ni Lord ay laging perfect.
๐๐ค๐โ๐จ ๐ฅ๐ก๐๐ฃ ๐ฌ๐๐ก๐ก ๐๐ก๐ฌ๐๐ฎ๐จ ๐ฅ๐ง๐๐ซ๐๐๐ก ๐๐ซ๐๐ฃ ๐๐ฃ ๐ฉ๐๐ ๐ข๐๐๐จ๐ฉ ๐ค๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐๐๐จ.
Sa John 11:8, alam ni Jesus ang panganib na dala ng pagbabalik sa Judea, pero hindi Siya nagdalawang-isip dahil alam Niya na may plano ang Diyos. Sa Romans 8:28, sinasabi na everything works together for good. Kayaโt sa gitna ng mga pagsubok, manalig tayo na may magandang plano ang Diyos at lahat ng ito ay para sa ating ikabubuti.
Sa buhay natin, importante ang maging mapagpasensya at magtiwala sa plano ng Diyos. Ang mga pagsubok at delay ay bahagi ng mas malaking plano na hindi natin agad nakikita, pero laging tandaan na ang Diyos ay nagmamalasakit sa atin. Sa tamang panahon, lahat ng bagay ay magiging maayos at ang plano ng Diyos ay magtatagumpay. Huwag tayong mawalan ng pag-asa, dahil ang mga magagandang bagay ay talagang tumatagal at darating sa tamang oras.