Calvary Chapel Solano Philippines

Directions

Calvary Chapel Solano Philippines Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Calvary Chapel Solano Philippines, Religious organisation, Purok 4, Baranggay Agubb Solano Nueva Vizcaya, Solano.

Calvary chapel solano philippines can be your partner in your spiritual growth by providing you with Bible studies in verse by verse and topical form in the tagalog language.

20/08/2026

ANO ANG SPIRITUAL NA KATAYUAN MO? --- Part 9

Ito ang tunay na paliwanag sa maraming bagay na pumipiga sa puso ng isang tapat na ministro.

Maraming tao sa kanyang paligid ang hindi nagsisimba.

Marami ang paminsan-minsan na nagsisimba kung saan pinapakita nila na hindi mahalaga ang magsimba.

Bakit nangyayari ito?

Iisa lang ang sagot; sila ay patay sa spiritual.

Nakikita natin na kailangan na suriin ng bawat nagsasabi na sila ay kristiano ang kanilang spiritual na estado.

Hindi lang natin nakikita ang mga patay sa kampo santo;

nakikita din natin sila sa loob ng simbahan.

May mga patay na kaluluwa sa lahat ng ating barangay o sa lahat ng ating mga kalye.

Bihira tayo makakakita ng isang pamilya kung saan lahat sila ay namumuhay para sa Diyos.

Bihira ang tahanan kung saan lahat sila ay hindi patay.

Tignan natin ang mga tahanan at sabihin sa ating sarili;

tayo ba ay patay o buhay sa spiritual.

19/08/2026

ANO ANG SPIRITUAL NA KATAYUAN MO? --- Part 8

Bakit nangyayari ito sa tao?

Simple lang ang sagot, sila ay patay sa spiritual.

Ito ang tunay na pinagmumulan ng napakaraming dahilan ng mga tao kung bakit hindi sila maka-commit ng buo sa Panginoon.

May nagsasabi na wala syang pinag-aralan;

may iba naman na nagsasabi na wala syang panahon;

may iba naman ang busy sa Negosyo, sa pera, sa trabaho, sa kahirapan.

May nagsasabi naman na may pagsubok sa kanilang pamilya, o sa kalusugan, o kanyang pagtawag;

ngunit may mas-maikling salita ang Diyos para sa mga taong ito:

sinasabi ng Diyos sa Biblia na sila ay patay sa spiritual.

Kapag nagsisimula na ang spiritual na buhay sa puso ng mga taong ito, mawawala ang kanilang dahilan

19/08/2026

ANO ANG SPIRITUAL NA KATAYUAN MO? --- Part 7

Habang hindi pinaglilingkuran ng tao ang Diyos sa katawan, kaluluwa, at spiritu; hindi sya tunay na buhay.

Habang tinatago nya ang kanyang talento at hindi sya nagdadala ng karangalan sa Diyos; sya ay patay.

Hindi nya tinutupad ang lugar nya sa sanilikha.

Hindi nya ginagamit ang kanyang lakas at katawan para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Ang taong tunay na namumuhay ay namumuhay para sa Diyos at kung hindi ikaw ito; ikaw ay patay.

Ito ang tunay na paliwanag kung bakit hindi nararamdaman ang kasalanan;

kung bakit hindi pinapakinggan at pinaniniwalaan ang mga tunay na pangangaral;

kung bakit hindi niyayakap ang Ebanghelyo;

kung bakit hindi iniiwan ang mundo;

kung bakit hindi pinapasan ang krus;

kung bakit bihira lang magbasa ng Biblia at manalangin;

kung bakit hindi o bihira lang nagsisimba.

19/08/2026

ANO ANG SPIRITUAL NA KATAYUAN MO? --- Part 6

Kapag malamig ang puso ng tao at walang paki-alam patungkol sa relihiyon;

kapag hindi sya sangkot sa pag-gawa ng anumang trabaho ng Diyos;

kapag bihira na nagagamit ang kanyang bibig sa panalangin at papuri sa Diyos;

kapag bingi sya sa boses ni Cristo sa Ebanghelyo;

kapag bulag sya sa kagandahan ng langit;

kapag puno ng kamunduhan ang kanyang kaisipan at walang lugar para sa mga spiritual na bagay;

kapag ang mga marka na ito ay nakikita sa tao,

ang salita sa Biblia ay ang wastong salita para sa kanya:

SYA AY PATAY SA SPIRITUAL.

Maari na hindi natin nagugustuhan ang ating naririnig.

Maari na isara natin ang ating mga mata sa mga katotohanan na nakikita sa Biblia at sa mundo.

Nararapat parin na ipagsabi ang katotohanan ng Diyos at kung hindi natin ito sasabihin, ito ay maglilikha ng kasiraan at pinsala.

Nararapat na sabihin ang katotohanan, maski ito ay mahirap at masakit.

19/08/2026

ANO ANG SPIRITUAL NA KATAYUAN MO? --- Part 5

Iniyakan sila, Pinaki-usapan sila, nagpadala ng mga imbitasyon,

kumatok sa pintuan ng kanilang puso ngunit hindi nila ito pinapansin.

Ang kanilang kaluluwa na hindi mamamatay ay nahuli, ninakawan at nawala;

at ang nakakalungkot, wala silang paki-alam rito.

Hinihila ng mga demonyo ang mga tao, araw-araw, sa malapad na daan na humahantong sa kapahamakan.

Pinapahintulutan ng mga tao na ibilanggo sila ng demonyo na hindi man lang lumalaban.

Ito ay nangyayari sa lahat ng lugar at sa lahat ng uri ng tao.

Alam mo ito at hindi mo pwedeng tanggihan ang katotohanan na ito.

Kaya tayong lahat, by nature, ay patay sa spiritual.

19/08/2026

ANO ANG SPIRITUAL NA KATAYUAN MO? --- Part 4

Ano ang masasabi mo kung nakita mo si Jose na iniiyakan nya ang kanyang tatay na si Jacob?

Niyakap nya ang kanyang ama at umiiyak na hinagkan;

ngunit walang pagtugon sa kanyang pagmamahal dahil patay na si Jacob (Genesis 50:1).

Ngayon; sasabihin ko, na ito ay ang kondisyon ng bawat tao, by nature, pagdating sa kanyang kaluluwa.

Ito ang estado ng karamihan sa tao sa ating paligid pagdating sa mga spiritual na bagay.

Lagi silang tinatawag ng Diyos sa pamamagitan ng habag, pagsubok, mga ministro at sa Kanyang salita

ngunit hindi nila pinapakinggan ang Kanyang boses.

19/08/2026

ANO ANG SPIRITUAL NA KATAYUAN MO? --- Part 3

Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nagiging maayos sapagkat hindi alam ng tao ang kanilang sakit at hindi nila alam kung gaano tayo kasama.

Hindi mahalaga kung ano ang sinasabi ng ating relihiyon patungkol sa kung ano tayo.

Bagkus, ang tanging tanong ay kung ano ang sinasabi ng Panginoon.

At ang sinasabi ng Diyos ay:

Ang bawat tao na hindi isang tunay, ganap, totoo, at committed na kristiano;

sya man ay mataas o mababa, mayaman o mahirap, matanda o bata;

sya ay spiritual na patay. Dito at sa lahat ng bagay, ang Salita ng Diyos ay tama.

Walang ibang bagay ang mas-tama, mas-tumpak, mas-totoo at mas-tapat kaysa sa Biblia;

kaya tignan natin ang paksang ito.

19/08/2026

ANO ANG SPIRITUAL NA KATAYUAN MO? --- Part 2

I. TAYO AY PATAY SA SPIRITUAL.

By nature, tayo ay patay sa spiritual.

Ang salitang “patay” ay isang malakas na salita;

ngunit hindi ko ito naimbento.

Tinuruan ng Banal na Spiritu si pablo na isulat ito sa efeso 2:1-5.

Ginamit ito ng Panginoon Jesu-Cristo sa talinghaga ng alibughang anak sa lucas 15:24.

Makikita rin natin ito sa 1 timoteo 5:6.

Masmatalino ba ang isang mortal na tao kaysa sa nakasulat sa Biblia.

Hindi ba natin papansinin ang nakasulat sa Biblia?

Ang kamatayan ay isang nakakatakot na ideya at isa na ayaw tanggapin ng tao.

Pinipikit nya ang kanyang mata sa tunay na sukat ng kanyang panganib.

Ayaw ng tao na banggitin mo na naturally, patay sa spiritual ang tao.

19/08/2026

ANO ANG SPIRITUAL NA KATAYUAN MO? --- Part 1

Efeso 2:1-5] Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. 2 Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa pinuno ng mga kapangyarihan sa himpapawid, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. 3 Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa pagnanasa ng ating laman, at sumusunod sa mga hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapop**tan ng Diyos. 4 Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin. 5 Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob.

Hayaan ninyo na tulungan ko kayo sa pagsagot sa katanungan na ito.

Hayaan ninyo na ipakita ko sa inyo kung ano ang sinabi ng Diyos patungkol rito.

Kung mahirap man o masakit ang aking sasabihin;

hindi ito dahil sa hindi ko kayo mahal;

bagkus, nais ko ang iyong kaligtasan.

Ang nagsasabi sa iyo ng katotohanan ay ang iyong matalik at tunay na kaibigan.

19/08/2026

PAGSISISI --- part 120

6. Ang pagsisisi ay sinasamahan ng isang tunay na p**t at lungkot para sa kasalanan.

7. Ang pagsisisi ay pinapatunayan ng isang pagtakuwil sa kasalanan.

8. Kilala ang pagsisisi dahil ito ay permanente; nararapat na meron isang nagpapatuloy na pagtalikod sa kasalanan at isang nagpapatuloy na pagluluksa kapag nahulog sila rito.

9. Ang pagsisisi, maski ito ay permanente, ay hindi kailanman magiging kumpleto o perpekto sa buhay na ito.

10. Ang pagsisisi ay nararapat na hanapin bilang isang regalo mula kay Cristo.

Address

Purok 4, Baranggay Agubb Solano Nueva Vizcaya
Solano
3709

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calvary Chapel Solano Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share