11/08/2026
"EVERY MOVE I MAKE, I MAKE IT FOR YOU" 🙌
Ang sarap pakinggan ang kantang yan 🙂
Every move I make, I make it for You
Every breath I take, I breathe it for You
Every step I take, I take it for You
Cause You are my life, Lord ♥️
Ibig sabihin lang niyan: Lahat ng ginagawa natin, para kay Lord.
Colosas 3:23 - "Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong puso na parang sa Panginoon at hindi sa tao."
Kumilos para kay Lord.
Kahit sa pag-aaral, paglalaro, pagtulong sa bahay — gawin natin para masaya si Lord!
Gawa 17:28 - "Sapagkat sa Kanya tayo nabubuhay, gumagalaw at umiiral."
Huminga at mabuhay para kay Lord.
Yung paghinga natin ngayon? Regalo yan ni Lord. Kaya gamitin natin para purihin Siya. 🙂
Awit 100:2 - "Maglingkod kayo sa Panginoon nang may kagalakan; lumapit kayo sa Kanya nang may awitan."
Tumakbo at tumalon para kay Lord.
Kaya okay lang mag-jump, pumalakpak, sumayaw habang nagpupuri! Masaya si Lord pag masaya tayo sa pagsamba. 😄
🌸Para sa mga Batang Mananamba,💛
Mga bata, ang boses niyo ang pinaka-nakaka-touch sa puso ni Lord.
Hindi kailangan maganda boses. Hindi kailangan perfect yung steps.
Ang gusto lang ni Lord: totoong puso.❤️
Tulad ni David nung sumayaw siya para kay Lord, kahit tawanan siya.
Tulad ng mga bata sa templo na sumisigaw ng "Hosanna!"
Kaya sige, itaas ang kamay! 🙌
Sige, ngumiti habang kumakanta!😁
Every move I make, gagawin ko para sa’Yo, Jesus!😘
Alam niyo? Pag nagpupuri ang mga bata, natutuwa si Lord. ☺️
At pag masaya si Lord, pagpapala ang ibubuhos Niya sa pamilya natin!
Sino dito ang gagamit ng buhay niya para kay Lord? Itaas ang kamay! 🙋♀️🙋♂️