Christ is the Truth

Call Directions Contact the place of worship

Christ is the Truth The true essence of Love is only found in God above

( PAHAYAG 15 : 8 ) Ang templo ay napuno ng usok na nagmumula sa kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos at walang makapa...
22/04/2026

( PAHAYAG 15 : 8 ) Ang templo ay napuno ng usok na nagmumula sa kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos at walang makapasok sa templo hangga't hindi natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Lahat ng hindi tumatayo at nagpapatotoo ay ang mga ninuno ng mga bulag at ang mga hari ng kamangmangan. Sila ang magiging mangmang magpakailanman, ang walang-hanggang mga hangal: ang patay magpakailanman na bulag. Para sa kadahilanang ito kaya dapat gumising ang ating mga espiritu! Dapat bumangon ang lahat ng tao! Ipagbunyi, purihin, at dakilain nang walang katapusan ang Hari ng kaluwalhatian, ang Ama ng awa, ang Anak ng pagtubos, ang masaganang pitong Espiritu, ang Makapangyarihang Diyos na nagdadala ng maringal na nagngangalit na apoy at matuwid na paghuhukom, at Siyang lubos na sapat, masagana, makapangyarihan sa lahat, at kumpleto. Dadakilain magpakailanman ang Kanyang trono! Dapat makita ng lahat ng tao na ito ay ang karunungan ng Diyos; ito ang Kanyang kamangha-manghang landas tungo sa kaligtasan, at ang katuparan ng Kanyang maluwalhating kalooban. Kung hindi tayo babangon at magpapatotoo, kapag ang sandali ay lumipas na, wala nang balikan. Nakasalalay sa kasalukuyang yugtong ito ng ating paglalakbay kung pagpapala o kamalasan man ang ating makakamit, batay sa kung ano ang ating ginagawa, kung ano ang ating iniisip, at kung ano ang isinasabuhay natin ngayon. Paano kayo dapat kumilos? Magpatotoo at dakilain ang Diyos magpakailanman, dakilain ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw—ang walang hanggan, natatangi, at totoong Diyos!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume I

゚

( PAHAYAG 15 : 7 ) Ibinigay sa kanila ng isa sa apat na nilalang na buháy ang pitong mangkok na ginto na punung-puno ng ...
22/04/2026

( PAHAYAG 15 : 7 ) Ibinigay sa kanila ng isa sa apat na nilalang na buháy ang pitong mangkok na ginto na punung-puno ng p**t ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

,"Inihanda na Niya ang pitong mangkok ng mga salot, nakapuntirya sa Kaniyang mga kaaway, at ang mga ito ay pinakakawalan sa isang matinding agos, at ang mga kaaway na iyon ay masusunog sa liyab ng Kanyang nagngangalit na mga apoy. Ipinakikita ng Makapangyarihang Diyos ang kapangyarihan ng Kanyang awtoridad, at nalilipol ang lahat ng Kanyang mga kaaway. Hindi na sasarhan sa harap ng Makapangyarihang Diyos ang pangwakas na pitong kulog; lahat ng iyon ay nabunyag! Lahat ng ito ay nabunyag! Pinapatay Niya ang Kanyang mga kaaway gamit ang pitong kulog, pinatitibay ang mundo at ito ay pinaglilingkod Niya sa Kanya, at hindi na kailanman wawasakin!

mula sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos.

゚

( PAHAYAG 15 : 6 ) Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na malini...
22/04/2026

( PAHAYAG 15 : 6 ) Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na malinis at nakakasilaw sa kaputian at may gintong pamigkis sa dibdib.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Ang isang aspeto ng gawain ng Diyos ay lupigin ang buong sangkatauhan at maangkin ang mga taong hinirang sa pamamagitan ng Kanyang mga salita; ang isa pa ay lupigin ang lahat ng anak na suwail sa pamamagitan ng iba’t ibang sakuna. Isang bahagi ito ng malawakang gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang lubusang makakamtan ang kaharian sa lupa na nais ng Diyos, at ito ang bahagi ng Kanyang gawain na lantay na ginto”

( Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 17 ).

mula sa Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

゚

( PAHAYAG 15 : 5 ) Pagkatapos nito'y nakita ko ring bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan.Sabi Ng Makapangya...
21/04/2026

( PAHAYAG 15 : 5 ) Pagkatapos nito'y nakita ko ring bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong maging ING sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob”

( “Kabanata 19” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ).

mula sa Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo ( Volume VIII )

Address

Mauboy
Sipalay
6113

Telephone

+639105354429

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ is the Truth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Christ is the Truth:

Shortcuts

Share

Category