26/05/2026
Minsan napapansin mo ba na ang dami nating gustong mangyari sa buhay — sa studies, sa ministry, sa future, pero parang laging may struggle?
Sabi sa verse natin, kaya daw may conflicts, inggitan, at frustration ay dahil we want things our way and for ourselves. Hindi dahil masama ang mangarap, pero minsan, ang laman ng puso natin yung nagiging problema.
Hindi natin nakuha kasi hindi natin hinihingi kay Lord or kung humihingi man tayo, self-centered yung motive. Parang “Lord, bless me,” pero sa loob-loob natin, gusto natin yung blessing para umangat, magpasikat, o para lang ma-satisfy kung ano yung gusto natin.
Pero ang sabi sa verse 4 — "kayong mga hindi tapat sa Diyos, hindi ba ninyo alam na kaaway ng Diyos ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Diyos ang sarili niya.” Ibig sabihin, kapag ganun yung puso natin, parang nakikipag-flirt na tayo sa mundo. Kaya walang peace, walang progress, at walang answered prayers kasi hindi aligned sa heart ni Lord.
This is a good reminder na ang lahat ng 'good desire' ay God-approved. Pero ang Panginoon hindi lang nakatingin sa request, nakatingin din Siya sa motibo.
And the moment we surrender our hearts and ask with the right reasons, yung para sa will Niya, hindi sa ego natin, doon Siya nagbubukas ng doors.
Kaya friend, check your desires. Check your motives. Baka hindi ka pinipigilan ni Lord — baka inaayos Niya lang yung puso mo para mas maging ready ka sa blessings na ibibigay Niya.
Santiago 4:2-3 ASD
“May mga ninanais kayo ngunit hindi ninyo makamtan, kaya handa kayong pumatay makuha lamang ang mga ito. May mga gusto kayong makuha at kapag hindi ito nangyari, nag-aaway-away kayo. Hindi ninyo nakakamtan ang mga ninanais ninyo dahil hindi kayo humihingi sa Diyos. At kung humihingi naman kayo, wala kayong natatanggap dahil humihingi kayo nang may masamang motibo para mapagbigyan ang sarili ninyong kasiyahan.”
Hindi masama ang humingi sa Panginoon. Hindi masama ang mag hangad. But before that, ayusin muna natin ang motibo ng puso natin. Para handa tayong tumanggap sa paraan at timing ng Panginoon.