23/11/2025
๐๐ช๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐ค๐จ๐ฅ๐๐ก ๐๐๐๐ก๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ
๐ฆ๐ผ๐น๐ฒ๐บ๐ป๐ถ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ถ๐ป๐ด
November 23, 2025
Luke 23:35-43
Ipinagdiriwang ngayon ng Simbahan sa buong mundo ang Solemneng Kapistahan ni Kristong Hari (๐๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ข๐ง๐ ), hudyat na ito ang huling linggo at simula ng kalendaryo ng Simbahan, at ito rin ang nagpapaalala sa atin na si Hesus, na ating Hari, ang Simula at ang Wakas, ang Alpha at ang Omega.
Ngayong Kapistahan ng Kristong Hari, bigla kong naalala ang motto ng ating Obispo-Emerito, ang Lub. Kgg. Buenaventura Famadico, sinasabi sa kanyang motto ang katagang "Maghari Ka sa Amin".
Oo, kilala nga natin si Hesus bilang Hari, ngunit hinahayaan ba natin Siya na Maghari sa atin?
May tatlong bagay akong nais ibahagi sa pagninilay na ito:
1. ๐ฆ๐ถ ๐๐ฒ๐๐๐, ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด (๐ผ ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ค ๐๐ค๐ซ๐๐จ ๐๐ซ๐๐ง๐ฎ๐ค๐ฃ๐)
Ang ebanghelyo ngayong linggo ay nagpapaalala sa atin na maging katulad tayo ni Hesus na puno ng pag-ibig sa kapwa. Bilang isang g**o, sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga estudyante ng buong puso, sa pagbabahagi ng mga kaalaman, at sa pagpupunla ng kabutihan ay ibinabahagi na rin natin sa kanila ang pag-ibig ni Hesus. Isang hamon sa akin o sa atin na ibigin ang ating mga estudyante katulad ng pag-ibig ni Hesus sa lahat ng tao, walang itinatangi, lahat pantay-pantay. Pag-ibig na handang ibigay ang buong sarili, buong buhay, para sa kapakanan ng kapwa, dahil ito rin ang mismong ginawa ng ating Panginoong Hesus, ibinigay Niya ang Kanyang Sarili para sa kaligtasan ng lahat. Bagamat hindi natin matutumbasan ang ginawa Niyang pag-aalay ng buhay sa Krus, tayo nama'y maaaring makibahagi sa Pag-ibig ni Kristo sa Krus.
2. ๐ฆ๐ถ ๐๐ฒ๐๐๐, ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ (๐ผ ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ค ๐๐๐ซ๐๐จ ๐๐ค๐ฅ๐)
Katulad ng ginawa ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayon, nagbigay Siya ng Pag-asa sa tulisang ipinakong kasama Niya. Bilang isang g**o, tayo rin ay ipinapakong kasama ni Hesus, ating Hari at dakilang G**o, upang maging simbolo ng pag-asa sa mga mag-aaral. Isang paalala at hamon ito sa atin na maging tunay na pag-asa sa mga kabataang pinanghihinaan ng loob. Panindigan natin ang bokasyon ng pagtuturo upang maging mitsa tayo ng pag-asa sa bawat estudyante na ating matuturuan. Katulad ni Kristong Hari na patuloy na nagbibigay ng Pag-asa sa ating buhay mula sa Kanyang Krus na trono ng Pag-asa.
3. ๐ฆ๐ถ ๐๐ฒ๐๐๐, ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ (๐ผ ๐๐๐ง๐๐๐๐ช๐ก ๐๐๐ฃ๐)
Ang ganda ng ebanghelyo natin ngayon, makikita natin ang pagiging maawain ng ating Haring nakapako sa Krus, kinaawaan Niya ang tulisang ipinakong kasama Niya. Kinaawaan ng ating Panginoon ang isang tulisang nagpakumbabang nagsisi at humiling na alalahanin siya kapag naghahari na ang ating Panginoong Hesus, bilang ganti, tinignan Siya ng Panginoong Hesus sa mata na puno ng Awa at sinabi "Ngayon di'y isasama kita sa paraiso." Sinasabing ang tulisang ito ang unang nakapasok sa Kaharian ng Diyos, isang tulisang nagsisi ng may kababaang-loob, isang makasalanan, ang isinama ni Hesus na ating Hari sa paraiso. Bilang isang Kristiyano, pinapaalalahanan tayo na maging maawain sa ating kapwa, dahil tayo ay patuloy na kinaaawaan ng Diyos sa araw-araw, isang hamon ito at paanyaya ng ating Hari na magsisi at magbalik-loob sa Kanya bilang panibagong simula ng buhay kasama Niya. Magbigay din tayo ng awa sa bawat isa, sa ating kapwa, sa ating estudyante, sa ating katrabaho, at maging sa ating mga itinuturing kaaway. Ang Krus ni Kristong ating Hari ay isang matibay na paalala na tayo ay patuloy na kinaaawaan ng Diyos.
Patuloy tayong inaanyayahan ng ating Hari sa Kanyang Kaharian sa Langit, at makiisa sa pagbabahagi ng ๐ฃ๐๐-๐๐๐๐, ๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐, at ๐๐ช๐ sa ating kapwa.
Huwag nating kalimutan ang ebanghelyo natin ngayon kung saan, isang tulisan ang unang isinama ni Hesus at ang unang nakapasok sa Kaharian ng Diyos, isang makasalanan na nagsisi ng buong kababaang-loob, isang paalala ito na tayo, bilang mga makasalanan, ay makakapasok rin sa Kaharian ng Diyos kung tayo ay magsisisi at magbabalik-loob sa Kanya at hahayaang ๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก. Amen.