Live Meaningfull

Live Meaningfull Let's seek more truth my dearest friend

25/11/2022

Mga kapatid Ang pag-imbita sa inyo ay Hindi pagsasayang ng oras, dahil nais namin ipaalam sa inyo ang magandang balita.

📖Sabi ng Makapangyarihang Diyos."🌿

Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa” (“Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Kataw

14/07/2022

Sinasadya ng Diyos na gamitin ang isang bahagi ng gawain ng masasamang espiritu upang perpektuhin ang isang bahagi ng sangkatauhan, binibigyang-kakayahan ang mga taong ito na lubusang makita ang mga kasamaan ng demonyo, upang ang buong sangkatauhan ay maaaring tunay na makilala ang kanilang ‘mga ninuno’. Tanging sa ganitong paraan ganap na makakalaya ang mga tao, na hindi lamang tinatalikdan ang pamana ng mga diyablo, kundi pati ang mga ninuno ng mga diyablo. Ito ang tunay na hangarin ng Diyos sa ganap na paggapi ng malaking pulang dragon, upang makilala ng buong sangkatauhan ang tunay na anyo ng malaking pulang dragon, upang lubusang mapunit ang maskara nito at makita ang tunay nitong anyo. Ito ang ninanais ng Diyos na makamit, ito ang huling layunin ng lahat ng gawain Niya sa lupa, at ito ang hinahangad Niyang maisakatuparan sa buong sangkatauhan. Ito ay tinatawag na pagpapakilos sa lahat ng bagay para mapagsilbihan ang layunin ng Diyos” (“Kabanata 41” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

mula sa Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Address

Highway Disud
Sindangan
7112

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Live Meaningfull posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Live Meaningfull:

Share