11/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ข๐ ๐
๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ | ๐๐๐ฒ ๐
Ang mabuting komunikasyon ay hindi lamang natututuhan, ito'y patuloy na hinuhubog. Sa layuning mas mapalalim ang kaalaman at paglilingkod ng mga miyembro, sinimulan ng ๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐ o ๐ ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐บ๐๐ป๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ang unang araw ng ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ ๐๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ต๐ผ๐ฝ noong Hulyo 11 sa Good Shepherd Hall.
Naging tagapagsalita sa unang araw ng workshop si Ate ๐๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐ฒ๐ฟ, isang Multimedia Arts student mula sa DLSU-Dasmariรฑas, miyembro ng Parish Youth Ministry at Evangelization Ministry, at Editor-in-Chief ng Kwento Niรฑo Publication ng Sto. Niรฑo de Molino Parish.
Binuksan ang programa sa pagtalakay sa mga ๐ค๐ฐ๐ณ๐ฆ ๐ท๐ข๐ญ๐ถ๐ฆ๐ด na nararapat taglayin ng bawat miyembro ng isang social communications ministry. Sinundan ito ng session para sa ๐จ๐ณ๐ข๐ฑ๐ฉ๐ช๐ค ๐ฅ๐ฆ๐ด๐ช๐จ๐ฏ, kung saan ibinahagi ang mahahalagang elements at principles of design bilang gabay sa paglikha ng mga publication materials na malinaw, organisado, at epektibong naipahahatid ang mensahe.
Tinalakay rin ang ๐ฑ๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฑ๐ฉ๐บ, kabilang ang mga pangunahing teknik at iba't ibang uri ng shots na makatutulong sa mas maayos at makabuluhang dokumentasyon ng mga gawain ng Simbahan. Kasunod nito ang ๐ค๐ข๐ฑ๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ธ๐ณ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐จ, kung saan ibinahagi ang mga paraan sa pagsulat ng mga caption na malinaw, makahulugan, at nakahihikayat sa mga mambabasa. Bahagi rin ng unang araw ang talakayan tungkol sa newsletter production, kabilang ang mahahalagang tungkulin ng bawat miyembro sa pagbuo ng isang organisado at de-kalidad na parish newsletter.
Bilang pagtatapos ng unang araw ng formation, nagbigay si Ate Aya ng isang pangkatang gawain kung saan hinati ang mga kalahok sa tig-apat na miyembro mula sa ibaโt ibang committee upang maisabuhay ang mga aral na kanilang natutuhan at maging paghahanda sa susunod na sesyon ng workshop.
Magpapatuloy ang ikalawang araw ng Media Formation Workshop sa susunod na sabado, Hulyo 18, kung saan inaasahang higit pang mapalalawak ang kaalaman at praktikal na kasanayan ng mga kalahok bilang paghahanda sa kanilang nalalapit na Renewal and Installation. Sama-sama nating ipanalangin ang mga kasapi ng CREARE habang patuloy silang hinuhubog upang maging mga lingkod na mahusay, responsable, at tapat sa misyon ng pagpapahayag ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng makabuluhang komunikasyon.