KUE Templo Central

KUE Templo Central Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KUE Templo Central, Religious organisation, Pansol, Brgy Toledo,, Silang.

📖KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH – KUE NATIONAL📖✨ Christmas Conference 2025 | IGNITE ✨🔥 Ningas ng Pananampalataya, Nam...
30/12/2025

📖KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH – KUE NATIONAL📖

✨ Christmas Conference 2025 | IGNITE ✨
🔥 Ningas ng Pananampalataya, Namumuhay sa Salita🔥

Papuri at pasasalamat sa Diyos sa isang makabuluhan, masigla, at pinagpalang Christmas Conference ng KUE National. Tunay na nag-alab ang aming pananampalataya habang pinagtitibay tayo ng Salita ng Diyos at ng pagkakaisang Kristiyano.

Lubos ang kagalakan ng aming iglesia sa pagpapadala ng 4 na delegado na buong tapang na nakiisa, natuto, at nagbahagi ng pananampalataya kasama ang iba’t ibang kabataang lingkod ng Diyos.

Nawa’y patuloy nating dalhin ang apoy ng pananampalataya at isabuhay ang Salita ng Diyos sa araw-araw. Sama-sama tayong maglingkod at magpuri sa Kanya! 🙏✨

Mga Delegado:
Matmat Bocut
Dren Mañozca
Rhian Grace Cabajar
Zion Ingreso




📖KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH - BMFBMC 📖✨Nobyembre 30, 2025 | KUE Manila- Rizal District Sportsfest 2025✨Matagumpay...
30/11/2025

📖KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH - BMFBMC 📖

✨Nobyembre 30, 2025 | KUE Manila- Rizal District Sportsfest 2025✨

Matagumpay na naidaos ang KUE Manila–Rizal District Sportsfest na may temang Palarong Pinoy: “Pagkakaisa, Saya, at Paglilingkod kay Kristo.” Masaya at aktibong nakilahok ang bawat kabataan mula sa BMFBMC at SPCCC.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Kapisanan ng Kabataan sa lahat ng nagbigay ng suporta at gabay upang maisakatuparan ang kaganapang ito nang matagumpay.

Kay Kristo ang Papuri!

Psalm 133:1 — Behold, how good and how pleasant it is for brethren to dwell together in unity!

25/11/2025

📖KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH – BMFBMC📖
✨Nobyembre 23, 2025 | 93rd Anniversary of BMFBMC Templo Central✨

Taos-pusong bumabati ang buong kapisanan ng kabataan sa aming minamahal na Bishop Moises F. Buzon Memorial Church sa pagdiriwang ng ika-93 anibersaryo. Patuloy po kaming lalago, magmamahalan, at magpupuri sa ating Diyos. Nawa’y manatili ang pagkakaisa, katapatan, at sigla ng paglilingkod habang tayo'y sama-samang nagpapatuloy sa ministeryong ipinagkatiwala ng Panginoon. Sa tulong at biyaya ng Diyos, ipagpapatuloy namin ang layunin at misyon ng ating iglesia para sa mga susunod pang henerasyon.

KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH - BMFBMC Oktubre 19, 2025 | YOUTH SUNDAY Masayang nakibahagi ang mga kabataan sa pagsa...
25/11/2025

KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH - BMFBMC
Oktubre 19, 2025 | YOUTH SUNDAY

Masayang nakibahagi ang mga kabataan sa pagsamba noong Oktubre 19 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan. Nagbigay ng Salita ng Buhay si Pangulong Irish Fernando, at ang mga kabataan ang nagsilbing ushers sa buong pagsamba. Ipinamalas nila ang sigla, talento, at dedikasyon sa paglilingkod, na nagbigay kulay at inspirasyon sa buong kongregasyon.

P.S. Late post

📖KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH - BMFBMC 📖✨Oktubre 12, 2025 | Paradigm Shift✨Papuri sa Diyos sa ating Manunubos at Ma...
13/10/2025

📖KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH - BMFBMC 📖

✨Oktubre 12, 2025 | Paradigm Shift✨

Papuri sa Diyos sa ating Manunubos at Mang-aaliw para sa isang makabuluhan at pinagpalang pagtitipon ng kabataan sa naganap na gawain. Lubos ang pasasalamat sa paghahatid ng makabuluhang mensahe ng ating KUE Officers.

Patuloy tayong magpuri at maglingkod sa ating Diyos!

📖 KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH - BMFBMC 📖 Hunyo 15, 2025 | Father's Day ProgramPapuri sa Diyos sa ating Manunubos a...
16/06/2025

📖 KABATAANG UNIDA ECUMENICAL CHURCH - BMFBMC 📖

Hunyo 15, 2025 | Father's Day Program

Papuri sa Diyos sa ating Manunubos at Mang-aaliw para sa isang makabuluhan at pinagpalang pagtitipon ng kabataan sa pagdiriwang ng Father's Day!

Lubos ang pasasalamat sa paghahatid ng makabuluhang mensahe ni Pastor Ervin A. Toledo, kung saan tatlong mahahalagang aral mula sa aklat ng Lucas ang naibahagi at natutunan ng mga kabataan:

✨ 3 Takeaways:

✨A Father Who Recognizes Freedom
✨A Father Who Offers Forgiveness
✨Restoration, Healing, and Reconciliation

Salamat din sa pangunguna ng programa nina Kptd. Irish Fernando at Kptd. Jabez Sayo. Maraming salamat din po sa lahat ng aktibong kabataang nakiisa at dumalo.

Patuloy tayong magpuri at maglingkod sa ating Diyos! 🙌💖

KUENTUHAN (KUWENTUHAN)SESSION 1: FRIENDSHIP"Tara, Kuentuhan Tayo!"Hanap mo ba ay ligtas na espasyo para magbahagi, makin...
25/05/2025

KUENTUHAN (KUWENTUHAN)

SESSION 1: FRIENDSHIP

"Tara, Kuentuhan Tayo!"

Hanap mo ba ay ligtas na espasyo para magbahagi, makinig, at lumago sa pananampalataya? Sama ka na tuwing Linggo, 12:00–1:00 PM sa KUENTUHAN—tawanan, at talakayan tungkol sa buhay, pananampalataya, at kung anu-ano pa! Sama-samang magpalalim ng koneksyon at pananampalataya.Bukas ito para sa lahat.

Kita-kits!🙏🏻♥️

BMFBMC Templo Central

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL - BMFBMC 📖🌟 Post-Valentine Fellowship of Kabataan 🌟📜 Giving Appreciation Letters to Fellow...
22/02/2025

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL - BMFBMC 📖

🌟 Post-Valentine Fellowship of Kabataan 🌟
📜 Giving Appreciation Letters to Fellow Youth

🗓 February 16, 2025

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL -BMFBMC📖Masayang nakabihagi ang ating mga naging delegado sa naganap na National Christmas...
02/01/2025

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL -BMFBMC📖

Masayang nakabihagi ang ating mga naging delegado sa naganap na National Christmas Conference 2024.✨🌲

Sa Diyos ang Papuri🙏🏻❤️

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL -BMFBMC📖Nagkaroon ng masayang Christmas Exchange gift ang mga kabataan ngayong Disyembre 2...
24/12/2024

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL -BMFBMC📖

Nagkaroon ng masayang Christmas Exchange gift ang mga kabataan ngayong Disyembre 24. Merry Christmas po mula sa kapisanan ng KUE Templo Central 🙏🏻💗

Insert:
Kptd: Ishiyara Ferris Fernando
Kptd: Mañozca
Kptd: Catheryn Dale Manozca

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL - BMFBMC 📖🎄 Join Us for Our Christmas Conference 2024! 🎄Isang pagkakataon para matuto, mag...
24/12/2024

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL - BMFBMC 📖

🎄 Join Us for Our Christmas Conference 2024! 🎄
Isang pagkakataon para matuto, magpalalim ng pananampalataya, at magkaroon ng bagong kaibigan! Huwag palampasin ang masayang bonding at makabuluhang gawain.

📋 Things to Bring:
• Bible
• Pen
• Notebook
• Clothes
• Jacket/Sweater
• Toiletries
• Pillow/Blanket
• Sunday's Best Attire
• Pocket Money/ ₱100 for the exchange gift

🗓️ Save the Date! Magkita-kita tayo at gawing makulay ang ating Pasko! Spread the word and invite your friends to experience the joy of fellowship this Christmas season! ❤️

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL -BMFBMC📖Magkakaroon ng Christmas Exchange gift ang mga kabataan sa Disyembre 24. 🙏🏻💗Kita k...
20/12/2024

📖 KABATAANG UNIDA EKYUMENIKAL -BMFBMC📖

Magkakaroon ng Christmas Exchange gift ang mga kabataan sa Disyembre 24. 🙏🏻💗

Kita kits Kabataan!!

Address

Pansol, Brgy Toledo,
Silang

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KUE Templo Central posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share