11/06/2026
ANG PAGSISIYAM KAY SAN ANTONIO DE PADUA
Ikawalong araw: Hunyo 11, 2026
Ang tanda ng Santa Krus, sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoon naming Diyos, sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espritu Santo.
Amen.
Panginoon kong Hesukristo, Diyos at tao namang totoo. Gumawa't sumakop sa akin, Ikaw nga po ang Diyos ko at inibig kong lalo sa lahat; pinagsisihan kong matibay na matibay sa tanang loob ko ang pagkakasala ko sa iyo, umaasa po ako sa dakilang awa mo na ako'y iyo pong patatawarin at papagkamting luwalhati.
Siya nawa.
Ang Sagutan kay San Antonio de Padua
Kung hanap mo'y himala'y madan, nawawaksi kamataya't kamalian, lumalayo and demonyo't kahirapan gumagaling ang sakit leprahin man.
Nahuhupa ang bagsik ng dagat, natutubos ang nabibihag kayamana't lakas na untag matanda't bata'y nagkawas.
Umiilag ang panganib, ang mahihirap ay nakatatawid kayong kinalinga 'y magsiawit sa mga Paduano ay ipagsulit.
Nahuhupa ang bagsik ng dagat, natutubos ang nabibihag kayamana't lakas na untag matanda't bata 'y nagkawas.
Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, at Luwalhati sa Diyos Espiritu Santo.
Nahuhupa ang bagsik ng dagat, natutubos ang nabibihag kayamana't lakas na untag matanda't bata 'y nagkawas.
Idalangin mo po kami kay Kristo, maluwalhating SAN ANTONIO, nang maging dapat na totoo ang pangako Niyaโy matamo.
Siya nawa.
IKAWALONG ARAW
Ang dalangin natin dito' y and tayo' y abuluyan at ating mga kasalatan.
Dito sa araw na ito ang ating gugunam-gunamin ay ang karapatang ipinamuti ng Panginoon Diyos sa ikawalong Coro ng mga Espiritu sa Langit, pangalay Querubines, ang kahuluga'y kataasan ng karunungan sapagkat labis sa kalahatan, Nagsisipamintuho ng pag-kilalang karangalan ng Diyos at kagalingan. Higit at bukod kay San Antonio na nagkamit nitong kataas-taasang karapatan, gayon nga sa akala lamang ng kaniyang mga Misteryos, at mga Sagradong sulat na ang Papa Gregorio IX. Tinawag siyang Arka ng Testamento. Sa kaalaman niyang ito, dumadaloy yaong karangalan na kaniyang isinasamba't ipinagpupuri sa Diyos na para niyang nakikita ng mga matang buhay at mapilit. Siya na makita ng iba ang Diyos na smbahi't purihin at maipahayag na ganito sa mga tao; inibig niya ang kaniyang dila' y mapalaging sariwa mapahanggang ngayon ay walang kabulok-bulok.
Ipinagkaloob naman sa kanya na bagay doon sa katas-taasan ng kaniyang kaalaman sa Diyos magbuhat ng pakilala ng tao sa kaniyang kalagayan at kasalatan na madalas sinaklolohan, tulad ng nagpakita doon sa isang dalagang banal na dumating sa isang kahirapang dakila, dumulog ito sa kaniyang pintakasing San Antonio at napaawa, isang sulat na munti ang inabot nagaling sa kaniyang mahal na larawan at ipinadala sa isang merkader na mayaman at pinabayaran ang timbang noong Sedula; sa ganoong daang piso, kasing halaga noong isang maliit na papel nagtimbang ng tatlong lampara na ipinagkaloob sa mahal na Santo, nanggilalas na totoo itong merkader at nawalan ng diwa ngunit naaliw siya't lalong nagiging maintain na para naman niyaong donsellang mahirap na inabuluyan ng nagkupkop sa kaniya at mahabagi't magpag-ampon. Purihin natin ang katas-taasang Diyos dahil sa mga kahabagang kaniyang pinaraan sa pamamagitan ng maluwalhating Santo, at kalingain ng iyong dangal yaring aming panalangin.
PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW
Diyos at Panginoon ng mga Querubines, pinamutihan Mo ang kaluluwang mapalad ni San Antonio, ang banal at kataas-taasang karunungan, ng ika'y mapanggunam-gunam, at maituro sa iba ang karunugang ito ng mga Santos na malaki ang kasaysayan. Ika'y sinasamba namin ng buong kababaan ng loob at malaking kagalangan; at ikinukumpisal namin sa iyo, na ikaw ang aming Diyos at Panginoon, walang hanggang kabutihan at kapangyarihan. At idinadalangin namin sa lyo alang-alang sa kagalingan niya, liwanagan mo ang aming kaluluwa ng ihalo Mo sa kalangitan, ng ika'y aming makilala't ibigin at makasunod sa iyong kasantusantusang kalooban, at sa mga kapanganiban sa buhay na ito't doon sa katapusan at doon sa kasalata't kabigat-bigatang sandali ng kamatayan, kaniyang salunuan, at ikaw Diyos ko, harapin mo po ako sa yong tulong, alang-alang sa pagsinta mo sa kaniya. At kung siya mong lalong kapurihan, at kaluwalhatian ay ipinagkaloob mo sa amin ang bukod na biyaya na hinihing namin sa Nobenang ito.
Siya nawa.
AMA NAMIN...ABA GINOONG MARIA...LUWALHATI
ORASYON KAY SAN ANTONIO SA ARAW ARAW
Aba, maligaya't kaganda - gandahang San Antonio, luwalhati Kang Espaรฑa, ilaw ng Italia, at ng alin mang bansa. Apostol sa pangangaral, at sa pagsinta sa Gloria ng Diyos, Martir ng pagnanasa, Birhen wagas, basong hinirang ng kalinisan, salamin ng tunay na kababa't karunungan,ayon sa lyong kaaya-ayang pagtuturo't marikit na kabanalan; Kaaliwan Ka ng mga Coro ng mga Angeles: Kuta ka sa erehes at ng mga Espiritong malulupit, sa ngalan Mo lamang nangatatakot at nagsisipanginig sa katakataka Mong mga milagro: ikaw nga ang takbuhan, kaaliwan ng nagsisipamintakasi sa lyo, kasi mong una'y ang katamis tamisang si Hesus, kinipkip mo't kinalong sa dibdib mong wagas sa kalinisan, biniyayaan ka ng ningas ng awa nang Diyos, pinita ka sa lalong mataas ng kanyang dangal at kagalingan naman ng mga tao. Ibinabati ko sa lyo, mahal na Santo, ang walang hanggang pagpuri, doon sa piling mga karapatan, na iniwagas nang Diyos sa kaluluwa Mong kalinis-linisan at ikinatutuwa ko ngayon, at ako'y nagluluwalhati sa bayan ng kalangitan, kasama ng siyam sa Coro ng mga Angeles.
Aba mapagmilagrong Antonio sa makapangyarihan niyong Santong Sanggol binigyan Mo ng kabuhayan sa lupa't sa langit ang maraming patay, Nang pagkakita ng mga bulag; nang pagkarinig ng bingi; nang pagkalakad ng mga pilay; nang pagkapangusap ng mga p**i; nang paggaling ng mga may sakit. Ilingon Mo sa amin ang kagandahan ng iyong mukha ng pumanaw sa aming puso ang mga kasamaang nagbibigay kamatayan sa kaluluwa naming at maulinig naming ang saklolo nang Diyos sa aming puso; At kami'y lumakad ng buong ningas nang puso sapag-aalinsunod sa Diyos at sampalatayanan namin ang Santo niyang ngalan. Hingin mo rito sa marangal na Sanggol na siyay'y araw ng katuwiran, pawiin niya sa mundo ang karimlan ng mga erejes, Kamalia't kasalanan na nagpapaulap at nagpapadilim dito; tunghan mo naman at ipatnugot ng kahusayang talos ng Santa Iglesia, na magkaisang loob sa awang dakila, mabuhay tayo't mapanuto ng pagsunod sa utos ng Diyos. At ikaw na luwalhati nang Espaรฑa panunghan Mo nang matang maalindog itong aming Bayan, at igawad sa amin ng katamis tamisang Hesus ang mahabang buhay, kaginhawaan at katuwirang sa purgatoryo, O Kaya ang lalong kaluwalhatian nang Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, Pakamtan sa amin ang hinihingi namin sa kataas-taasan at kung di karampatan, ituro yaring puso na di magnasa ng ibang bagay, Kundi ang lalo Mong maibigan.
Siya nawa.
Panginoon ko, kaawaan Mo ako, at Sambahin nawa't purihin ang Santisimo Sakramento sa Altar, at kalinis-linisang paglilihi ni Ginoong Santa Maria ang bukod na iningatan at pinagpala di nahawahan ng kasalanang orihinal.
MGA DALIT
Ang pagkupkop Mong Mahal nagbigay sa lyong katotohanan.
Maamong Antonio 't banal
Idalangin ang makasalanan
Maluwalhati mong pangungusap pinilit ang isda sa dagat na magsilitaw at makimatyag ng pangangaral sa lyong atas. At yao'y naging kababalaghan pumawing sampung libong kamalian.
Maamong Antonio 't banal
Idalangin ang makasalanan
Ikaw nga po sa mga bagyo kankungan milagroso sa ningas na masilakbo tubig Ka sa kaawaan mo. Daungan Ka ngang matibay ng dagat na kabagsikan.
Maamong Antonio 't banal
Idalangin ang makasalanan
Pinagaling mo ang mangko't pilay peralitiko't leprahin man mababagsik na manggagawa'y pinawi mo ang karamdaman, ginamot ng kasakitan, pati nawalang kaarian;
Maamong Antonio 't banal
Idalangin ang makasalanan
Bukbuking sala' y lumakas, bulag, pinkaw, at may sugat, at pinagaling anumang hirap, inali mo ang namamanglaw at pinagpala't sinasaklolohan.
Maamong Antonio't banal
Idalangin ang makasalanan
Nalunod na tatlong araw, sampung sanggol iyong binuhay, dalawang armeniyo sa kagandahan, iniligtas sa kapanganibang, pagka t ang liyag na magulang nagsisitangis sa kasakitan.
Maamong Antonio't banal
Idalangin ang makasalanan
Ang isang walang sampalataya kung pinatawad ang kanyang sala inako mo't ikaw ang nagdala ng kaparusahang dapat sa kanya. At ng kunin mo'y araw rin yaon hinulugan ng Diyos biyayang suson-suson.
Maamong Antonio't banal
Idalangin ang makasalanan
Nagtanggol ka sa alin mang preso sa tanikala at grillo, ang dumaing sa iyo'y nililikmo sa kasalanang marumi't mabaho; at ikaw nga po Orfeong marangal ni Hesus bulaklak sampagang tunay.
Maamong Antonio 't banal
Idalangin ang makasalanan
Sa habag, kapangyarihan at sa panalangin tunay, sa bendisyong bungang alay hingi namin' y kaaliwan. Sa iyo ikapapasa langit at sa mga confesores na dilag.
Maamong Antonio 't banal
Idalangin ang makasalanan
Kay hesus ng poong liyag, pinili niyang pagkarilag, gawa yaon pagka't kasing hayag kaniyang Profetang maingat, at sa confesores na dilag, nagbibigay sa lyo ng katotohanan. Ang pagkupkop mong parangal nagbibigay sa iyo ng katotohanan.
Maamong Antonio 't banal
Idalangin ang makasalanan
V. Ipanalangin Mo kami mapalad na San Antonio
R. At nang kami'y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristo.
OREMUS
Ang Santa Iglesia Mo, Panginoon naming Diyos, nagsasaya, alang-alang sa pananagumpay ng mapalad na Konfessor San Antonio, at umaasa na Siya'y pagtibayin ding palagi ng saklolo ng kalangitan at maging dapat magkamit ng katuwaang walang hanggan, alang-alang kay Hesukristong Panginoong namin, iyon sa sangkalangitan, at pagkakaisa ng tatlong Personas sa lahat ng panahon ng mga panahon.
Siya nawa.
LAUS DEO PANALANGIN KAY SAN ANTONIO DE PADUA SA ISANG PANGANGAILANGAN
Oh mapalad na San Antonio de Padua! Palibasa isa ako sa mga deboto Mo, ay dumudulog ako sa lyo sa araw na ito. - Sa iyo'y itinataas ang aking mahinang mga panalangin - Ang saklolo mo'y sinasamo ko at sa ilalim niyan ay inaasahan Kong makamtan sa kataas-taasan ang ako'y matulungan sa aking mga kailangan.
(Isipin ang pangangailangan kung ano)
Magalang na nakita mo, santo ko, sa puspos nang pag-ibig, nang paggalang at pananalig, nagsisidaing sa iyo ang lahat nang nasa mga pangangailangan o panganib.
Sa yo'y dumadaing: ang may sakit, buhat sa hihigan ng hirap, ang nabibilango mula sa kanyang madilim na bilangguan, ang bihag buhat sa kanyang bilangguan sa ilalim ng lupa, ang mabait na pastor mula sa kanyang abang dampa, ang mandirigma sa gitna ng dagundong ng mga pakikibaka ang nangingibang bayan, sa likod ng kanyang mahahaba't mahihirap na paglalakbay, ang nag lalayag sa gitna ng mga mabubulang alon ng karagatan. Isa't isa'y umaasang madaig sa tulong mo ang mga sagabal na sumasalungat sa kanilang kapalaran sa landas ng buhay. Isa't isang umaasang makitang ganap ang kanilang mga nasa: ang lahat sa wakas ay nananalig sa pamamagitan mo na makitang sila'y nasa mga kagipitan. Gayong awa ang nangyari ngayon. Oh mapaghimalang Santo! Makamtan ko nawa sa pamamagitan Mo ang makapangyarihang tulong sa langit, na siyang makakakuha sa amin sa lahat nang sakuna at magtagumpay naman sa aming kapighatian.
Siya nawa
PANALANGIN PAGHAHANDA
Buksan mo Panginoon ang mga labi namin upang purihin ang iyong mga mahal na pangalan ng Iyong kabanal-banalang Ina, ang Birhen Maria, sa pagdarasal ng labing tatlong Ama namin, Aba Ginoong Maria at Gloria Patri sa kapurihan ng inyong aliping si San Antonio at upang sa tulong ng iyong mahal na biyaya ay matularan ko dito sa lupa ang kaniyang mga kabanalan at pagkatapos ay lasapin ko ang inyong kaluwalhatian sa Langit. Siya nawa at upang sa tulong ng iyong mahal na biyaya ay matularan ko dito sa lupa ang kaniyang mga kabanalan at pagkatapos ay lasapin ko ang inyong kaluwalhatian sa Langit.
Siya nawa.
VI. Buksan mo Panginoon ko ang aking mga labi.
R. At ang aking bibig ay magpapahayag ng inyong kapurihan.
VI. Diyos ko, dinggin Mo ang aking mga pandaing.
R. At magmadali, Panginoon ko ng pagtulong sa akin.
MGA PANAWAGAN
Una. San Antonio de Padua, apostol ng pananampalataya, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria at Gloria)
Ikalawa. San Antonio de Padua, patriarka sa pananalig ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ikatlo. San Antonio de Padua, serafin sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa tao, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ikaapat. San Antonio de Padua,na nagsanay sa kaamuan at kababan ng loob ni Hesus, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ikalima. San Antonio de Padua, anghel sa kalinisan, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ika-anim. San Antonio de Padua,kababalaghan sa pagpapasakit sa sarili, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ika-pito. San Antonio de Padua,salamin sa pagkamasunurin, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ika-walo. San Antonio de Padua, martir sa pagtitiis, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ika-siyam. San Antonio de Padua,kerubin sa panalangin, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ika-sampu: San Antonio de Padua, uliran sa pagp**igil, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ika-labing-isa. San Antonio de Padua, mutya sa kasalatan, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ika-labing-dalawa. San Antonio de Padua, uliran sa katiyagaan, ipanalangin mo kami.
(Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
Ika-labing-tatlo. San Antonio de Padua, lirio sa kapurihan, ipanalangin mo kami
(Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Gloria)
ANG TATLONG ABA GINOONG MARIA
Una. Kalinis-linisang Birhen ng di pa nanganganak, ipanalangin Mo kami.
(Aba Ginoong Maria)
Ikalawa. Kalinis-linisang Birhen ng sa panganganak, ipanalangin mo kami.
(Aba Ginoong Maria)
Ikatlo. Kalinis-linisang Birhen ng sa makapanganak na, ipanalangin mo kami.
(Aba Ginoong Maria)
SAGUTAN KAY SAN ANTONIO
Kung hanap mo ay himala, iyong masdan, Kamataya'y kamalia'y napaparam.
Demonyo't kahirapa'y lumilisan.
May lepra't karamdama'y nalulunasan
Ang dagat ay humuhupa,
Ang bilanggo'y lumalaya,
Alin mang bagay ang nawala,
Nakikita bata at matanda.
Lumalayo ang panganib
Ang mahirap nagsasaklolohang tunay at lahat ng kapansana'y nalulunasan
Tanang nakamalas ng kaniyang paglingap, Saksi ng taga Paduang May loob na tapat.
Ang dagat ay humuhupa,
Ang bilanggo'y lumalaya,
Alin mang bagay ang nawala,
Nakikita bata at matanda.
Luwalhati sa Ama, luwalhati sa Anak, at luwalhati sa Espiritu Santo
Ang dagat ay humuhupa,
Ang bilanggo 'y lumalaya,
Alin mang bagay ang nawala,
Nakikita bata at matanda.
Ipanalangin Mo kami maluwalhating San Antonio.
Nang kami'y maging dapat magtamo ng mga pangako ni Hesukristo. Siya nawa.
PANALANGIN
Gawin Mo, O Panginoon, na ang pamamagitan ng inyong confessor na si San Antonio ay punuin ng kaligayahan ang inyong Iglesia upang laging maligtas sa pamamagitan ng Inyong mga tulong,
At maging dapat magtamo ng walang hanggang kaligayahan, alang -alang kay Kristong Panginoon namin.
Siya nawa.
Lubos na makapangyarihan at maawaing Diyos na pumili kay San Antonio na maging saksi ng Ebanghelyo at tagapagbalita ng kapayapaan sa pamamagitan niya ay dinggin mo ang aming panalangin:
Pagpalain mo ang bawat pamilya tulungan mo kaming higit na umunlad sa aming pananampalataya at patatagin ang buklod ng pagkakaisa, kapayapaan at katiwasayan pagpalain mo ang mga bata at pangalagaan mo ang kabataan at patnubayan kami sa aming pang-araw-araw na gawain ng iyong walang hanggang pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.
+Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.