28/06/2026
𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 | 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐄𝐜𝐜𝐥𝐞𝐬𝐢𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 (𝐁𝐄𝐂𝐬)
🌱 Mensahe ng Binhi Ngayong Linggo
"Ang tunay na pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng buong puso, buong tiwala, at kahandaang magsakripisyo.”
Ngayong linggo, inaanyayahan tayo ng Panginoon na piliin Siya higit sa lahat. Ang pagiging alagad ni Kristo ay hindi laging madali, ngunit sa bawat sakripisyo at pagtugon sa Kanyang tawag ay may kapayapaan, pag-asa, at biyayang naghihintay.
Nawa'y maging paalala sa atin na ang bawat maliit na gawa ng pagmamahal, paglilingkod, at kabutihan ay may malaking halaga sa mata ng Diyos.
💚 Hamon ngayong linggo: Piliin si Hesus sa bawat desisyon, yakapin ang iyong krus nang may pananampalataya, at maging instrumento ng Kanyang pag-ibig sa iba.
ᴛʜᴀɴᴋ ʏᴏᴜ ᴘᴏ🤍 sa taos pusong pagtanggap sa imahe ng Mahal na Birheng Del Carmen✨