Kapilya ng La Inmaculada Concepcion - Sitio Kasuyan

Kapilya ng La Inmaculada Concepcion - Sitio Kasuyan Sambayanang pinapatnubayan ng Mahal na Birheng Maria, La Inmaculada Concepción, sa pananampalataya at paglilingkod sa Diyos.

𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐔𝐀𝐍 𝐍𝐀!“𝘚𝘢𝘯 𝘑𝘶𝘢𝘯 𝘉𝘢𝘶𝘵𝘪𝘴𝘵𝘢: 𝘛𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘎𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘮𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨.”Pistang San Juan 2026, ngayong d...
12/06/2026

𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐔𝐀𝐍 𝐍𝐀!

“𝘚𝘢𝘯 𝘑𝘶𝘢𝘯 𝘉𝘢𝘶𝘵𝘪𝘴𝘵𝘢: 𝘛𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘎𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘮𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨.”

Pistang San Juan 2026, ngayong darating na ika-24 ng Hunyo, ipagdiriwang ng ating Parokya ang Kapistahan at kaarawan ng ating Patron, San Juan Bautista, ang nag binyag kay Hesus sa ilog Jordan.

Kaya bilang pag hahanda sa nalalapit na Kapistahan ng ating Parokya, magkakaroon ng siyam (9) na araw na nobena, na lahat ng ito ay magaganap sa ating Parokya. Maari lamang basahin ang impormasyon sa litrato sa ibaba.

San Juan Bautista, aming lakas at Pintakasi, ipanalangin mo kami.




🖥️ ✍🏻 : Ministri ng Panlipunang Komunikasyon - Parokya ng San Juan Bautista

•M•A•S•D•A•N•Ang mga kuhang larawan sa pagtatapos ng FLORES DE MAYO sa ating Kapilya. Sinimulan ito sa pagdarasal ng ban...
31/05/2026

•M•A•S•D•A•N•

Ang mga kuhang larawan sa pagtatapos ng FLORES DE MAYO sa ating Kapilya.

Sinimulan ito sa pagdarasal ng banal na Rosario at Nobena sa Mahal na Birhen, sinundan ng Prusisyon sa buong Nayon at Pag-aalay ng mga bulaklak.

Bilang pagwawakas ay ang Pamamaalam sa Mahal na Birheng Maria.

MARAMING SALAMAT, sa lahat ng pamilya, at mga bata na nakiisa sa pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birheng Maria sa buong buwan ng Mayo.

AVE MARIA PURISIMA, SIN PECADO CONCEBIDA!





•M•A•S•D•A•N•Ang mga kuhang larawan sa ginanap na “Kalinga ni Maria”. Sa ngalan po ng bumubuo ng Kapilya ng Sitio Kasuya...
31/05/2026

•M•A•S•D•A•N•

Ang mga kuhang larawan sa ginanap na “Kalinga ni Maria”.

Sa ngalan po ng bumubuo ng Kapilya ng Sitio Kasuyan, kami po ay lubos na nagpapasalamat kay BM Aidel Paul G. Belamide, gayun din kay BM Ivee Reyes, at sa ABC SUPPORT sa pagiging instrumento para maisakatuparan ang “KALINGA NI MARIA” sa mga munting mag-aaral sa aming pamayanan. Ang inyo pong ipinagkaloob ay malaking bagay para sa pagbabalik eskwela sa aming mga mag-aaral.

Patuloy po naming hangad ang biyaya at pagpapala ng Mahal na Diyos sa inyong buhay at buong pamilya.






•M•A•S•D•A•N•Ang kinatawan ng Sitio Kasuyan sa gaganaping Sta. Cruzan sa Parokya ng San Juan Bautista, sa pagtatapos ng ...
31/05/2026

•M•A•S•D•A•N•

Ang kinatawan ng Sitio Kasuyan sa gaganaping Sta. Cruzan sa Parokya ng San Juan Bautista, sa pagtatapos ng Flores de Mayo 2026.

Taos pusong pasasalamat kay Bb. Jheiy Mhie Thrish Y. Gamboa at G. Jim Kelvin Geran at sa kanilang Pamilya sa pagtugon bilang kinatawan ng ating sambayanan.




•P•A•N•A•P•O•S•Sa pagtatapos ng Flores de Mayo, hindi lamang mga bulaklak ang ating iniaalay kay Maria, kundi pati ang a...
27/05/2026

•P•A•N•A•P•O•S•

Sa pagtatapos ng Flores de Mayo, hindi lamang mga bulaklak ang ating iniaalay kay Maria, kundi pati ang ating mga puso, panalangin, at paglilingkod.

Nawa’y sa pamamagitan ng “Kalinga ni Maria,” maging daan tayo ng pag-asa at pagmamahal para sa mga batang magbabalik-eskwela. Sama-sama nating ipagdiwang ang pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit sa ilalim ng mapag-arugang kamay ng ating Mahal na Ina. 💙🙏








L•I•N•G•G•O• •N•G•  •P•E•N•T•E•K•O•S•T•E•S• Kapistahan ng Pagsilang ng Simbahang Iisa, Banal, Katolika, at ApostolikaSa ...
23/05/2026

L•I•N•G•G•O• •N•G• •P•E•N•T•E•K•O•S•T•E•S•

Kapistahan ng Pagsilang ng Simbahang Iisa, Banal, Katolika, at Apostolika

Sa pagdating ng Espiritu Santo, napawi ang takot at napalitan ng tapang ang puso ng mga Apostol kasama ng Mahal na Birheng Maria. Mula sa apoy ng pananampalataya ay isinilang ang Simbahan—isang sambayanang tinipon ng pag-ibig, pinag-isa ng pananampalataya, at isinugo upang maging liwanag ng sanlibutan.

Nawa’y muling pagningasin ng Espiritu Santo ang ating mga puso upang sa bawat salita at gawa ay maipahayag natin ang pag-ibig, awa, at katotohanan ng Diyos.

“Halina, Espiritu Santo, punuin Mo ang puso ng Iyong mga lingkod at pagningasin Mo sa amin ang apoy ng Iyong pag-ibig.”





•M•A•S•D•A•N•Mga kuhang larawan sa ika-17 na araw ng Flores De Mayo sa ating munting kapilya ng Sitio Kasuyan. Salamat M...
17/05/2026

•M•A•S•D•A•N•

Mga kuhang larawan sa ika-17 na araw ng Flores De Mayo sa ating munting kapilya ng Sitio Kasuyan.

Salamat Mahal na Ina!




•P•A•G•G•U•N•I•T•A•  •K•A•Y•S A N   I S I D R O  L A B R A D O R Patron ng mga MagsasakaSa masayang pagdiriwang ng Kapis...
14/05/2026

•P•A•G•G•U•N•I•T•A• •K•A•Y•
S A N I S I D R O L A B R A D O R
Patron ng mga Magsasaka

Sa masayang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Isidro Labrador, Patron ng mga Magsasaka, taus-puso nating iniaalay ang ating pagpupugay at pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng halimbawa ng kanyang banal na buhay na namayani sa kasipagan, kababaang-loob, at matibay na pananampalataya.

Nawa’y sa kanyang pamamagitan ay patuloy na pagpalain ng Panginoon ang ating mga bukirin, ang mga magsasaka, at ang bawat pamilyang umaasa sa biyaya ng masaganang ani.

“San Isidro, ’yong ihibik, kaming ampon mo at tangkilik.”

San Isidro Labrador, Patron ng mga Magsasaka, ipanalangin mo kami.

Pagbati ng isang Maligayang Kapistahan sa komunidad ng San Isidro Labrador Chapel - Sitio Ilang-Ilang




•M•A•S•D•A•N•Mga kuhang larawan sa ika-14 na araw ng Flores De Mayo sa ating munting kapilya ng Sitio Kasuyan. Salamat M...
14/05/2026

•M•A•S•D•A•N•

Mga kuhang larawan sa ika-14 na araw ng Flores De Mayo sa ating munting kapilya ng Sitio Kasuyan.

Salamat Mahal na Ina!




Address

Sitio Kasuyan, Brgy. Batas
Silang
4118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya ng La Inmaculada Concepcion - Sitio Kasuyan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share