11/11/2021
PROBLEMA NA NAMAN!
Mga kapatid sa pananampalataya, natanong mo na ba bakit lagi na lang tayo nagkakaroon ng problema?
Marami kang maisasagot noh?
Pero natanong mo na ba bakit sa dami ng problema mo, nandito ka pa rin?
Hep hep. Bago mo sabihing dahil ginawan mo ng paraan, uunahan na kita.
Kapatid, dahil yan sa pangako ni Lord na di ka pababayaan. Gusto lang ni Lord mag grow ka pa at magimprove and at the same time, gusto rin Niya na mapalapit ka sa Kanya at makilala Siya.
During these problems mo nakikita at naaamaze sa mga miracles ni Lord. Especially sa mga panahong halos imposible na masolusyunan.
Di rin porket may problema ay pinaparusahan ka. Sometimes, it's a preparation on what's yet to come. Ganyan si Lord sa mga mahal Niya. Di ka lalaking spoiled brat but independent instead. (Pero maging dependent ka pa rin kay Lord ah..) All things work together for good to those who love Him, remember?