Liwanag ng Candelaria

Liwanag ng Candelaria Sa kasalukuyan ito po ay ating bubuhayin sa paglalayong mailathala natin ang mga kaganapan at mga plano ng pamunuan ng simbahan para sa sambayanan ng Silang.

Paanyaya Mula sa Pamunuan ng Liwanag ng Candelaria

Ang pamunuan ng Simbahan ng Silang ay nagtatag ng Liwanag ng Candelaria o LNC noong taong 1982, na itinuring na opisyal na pahayagan ng Parokya ng Birheng Candelaria. Bilang kasapi ng ating komunidad kayo po ay malugod naming inaanyayahang makiisa sa aming pangarap na makapagbigay liwanag sa pamamagitan ng pagsulat. Ang mga kabataan, magaaral at

buong mamamayan na may interes sa pagsulat ng mga balita, artikulo, tula o may talento sa pagguhit at paggamit ng mga programa sa makabagong paraan ng pagle-layout ay hinahalina naming sumali bilang paglilingkod sa ating Panginoon. Maaari po ninyo kaming puntahan sa kumbento o kaya’y makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email address na ito: [email protected] o kaya ay mag-iwan ng inyong mensahe sa aming page account na Liwanag ng Candelaria. Gayun pa man bilang mga tagapangasiwa, sina Gng. Josefina Liwanag at Bb. Ma. Crisca Manuel ay mamari po ninyong lapitan para sa mga artikulong gusto ninyong ibahagi. Paalala lamang po na kapag ito ay inyong ipinasa, ito po ay magiging pagaari na ng LNC at nangangahulugan ng aming malayang pag-eedit dito. Para po sa inyong kaalaman, hindi lahat ng artikulo ay mailalathala dahil ito po ay kailangang dumaan sa masusing pagkritiko ng aming pamunuan. Ngunit makakaasa po kayo na ang inyo pong pangalan ay maisusulat sa oras na ang inyong mga kontribusyon ay maaprubahan. Halina’t sama-sama tayong maglingkod sa Panginoon at ating papurihan ang ating mahal na Patron ng Birheng Candelaria sa pamamagitan ng mapayapang paraan ng pakikipag-ugnayan at pagbibigay liwanag sa buhay ng ating mamamayan, ang pagsusulat sa ating pahayagan, ang Liwanag ng Candelaria. Maraming Salamat po! Paanyaya ni:

Ma. Crisca Manuel
Editor-in-Chief, LNC

Address

Silang Parish Chruch
Silang

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liwanag ng Candelaria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Liwanag ng Candelaria:

Share