12/04/2026
The phrase “Lord, maiintindihan Mo naman ako” is something many people say. Minsan ginagamit natin ito kapag alam na natin kung ano ang tama, pero pinipili pa rin natin yung gusto natin.
Halimbawa, alam nating mahalaga ang pagsamba sa Diyos o paglalaan ng oras sa Kanya. Pero minsan mas pinipili natin yung matulog pa, gumala, maglaro, o gumawa ng ibang bagay. Tapos sasabihin natin, “Okay lang, maiintindihan naman ako ni Lord.”
Totoo naman na naiintindihan tayo ng Diyos. Alam Niya kung kailan tayo pagod, nahihirapan, o may pinagdadaanan. Walang bagay sa puso natin ang nakatago sa Kanya.
Pero may isang bagay na kailangan din nating tandaan. Ang pag-intindi ng Diyos ay hindi ibig sabihin na okay lang na balewalain natin ang gusto Niya.
Sabi ni Jesus Christ sa John 14:15,
“If you love Me, keep My commandments.”
Simple lang yung sinabi Niya pero malalim. Ang pagmamahal sa Diyos ay nakikita sa pagsunod sa Kanya.
Minsan kasi nagiging excuse natin yung kabaitan ng Diyos. Alam natin na mapagpatawad Siya, kaya iniisip natin na okay lang kahit hindi tayo sumunod. Pero pinaalala ni Paul sa Romans 6:1–2 na hindi dapat natin gamitin ang grace ng Diyos para ipagpatuloy ang maling ginagawa.
Siguro instead na sabihin natin, “Lord, maiintindihan Mo naman ako,” mas magandang sabihin:
“Lord, alam kong gusto Mong gawin ko ito. Nahihirapan ako minsan, pero tulungan Mo akong sumunod sa Iyo.”
Kasi ang pag-intindi ng Diyos sa atin ay hindi para bigyan tayo ng dahilan na hindi sumunod, kundi para bigyan tayo ng lakas na sumunod sa Kanya. 🙏