14/01/2019
Magandang Gabi mga kapatid, ang pagpapala ng ating Panginoong Diyos na buhay ay sumainyong lahat! Narito po ang isang payak na halimbawa ng ating daily devotion. Sana po ay makatulong sa inyong paglagong espiritual sapagkat napakahalaga na mapalakas natin ang ating kaugnayan sa ating Panginoon. Sinabi ng ating Panginoong Hesus sa Juan 15:16 "Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo". ang tools na ito ay hiniram din lang po natin sa mga lingkod ng Diyos na nag-aral at naging pagpapala sa kanilang mga kaanib sa Iglesia, sa pagtibay at paglago ng lahat ng nagmamahal sa Diyos.
MGA AWIT 36:5
Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan,
at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan.
SCRIPTURE READING: MGA AWIT CHAPTER 36
Key Verse: verse 5
SIN to confess? -Hindi pananalig sa pag-ibig ng Diyos.
PROMISE to claim? -Pag-ibig ni Yahweh ay wagas; katapatan niya
ay hindi matatapos.
ATTITUDE to change? -kawalan ng tiwala sa pag-ibig at
katapatan ng Diyos.
COMMAND to obey?
-
EXAMPLE to follow? -kung ang Diyos ay pag-ibig, nararapat lang tayong
magmahal sa iba.
PRAYER to pray? -turuan mo kami, oh, Diyos na magtiwala sa iyong pag-
ibig at katapatan; maunawaan nawa ng lahat
mong nilalang ang iyong pag-ibig at katapatan.
ERROR to avoid? -huwag tayong magdududa sa pag-ibig ng Diyos sa atin.
TRUTH to believe? -God loves us; He will remain faithful.
SOMETHING for which to praise God? -salamat sa Diyos at hindi siya katulad ng tao na ang pag-ibig at katapatan ay nagbabago. Mula noon hanggang ngayon at magpakailanman siya’y mananatili.
NOTE: Kung may nakikita kayong mga bagay na nagpapakita ng katapatan ng Salita ng Diyos at hindi nakasama sa acronym na SPACE PETS ay malaya po kayong magtala o magdagdag.
Kung wala naman po kayong nakikitang mga bagay na nasa acronym ay huwag ninyong pipilitin na maglagay. tulad ng ginawa natin sa command to obey, iniwan ko po na bakante para sa katapatan natin sa pagbabasa ng salita ng Diyos. MARAMING SALAMAT PO AT NAWA'Y LALONG LUMALIM ANG ATING RELASYON AT PAG-IBIG SA ATING BUHAY NA DIYOS. PURIHIN ANG PANGINOONG HESUS!
MGA AWIT 36:5