09/06/2026
✨Pagpapalago sa Paglakad sa Liwanag ng Salita ng Diyos ✨
Sa pagdiriwang ng ika-31 Taong Pagkakatatag at ika-121 Taon ng Pananampalatayang Ebangheliko, sama-sama nating ipagdiwang ang katapatan at kabutihan ng Diyos sa bawat hakbang ng ating pananampalataya.
Ating ipinapakilala ang ating Tagapamahayag
💙OBISPO RAOUL V. VICTORINO
Obispo at Pangulo, Iglesia Unida Ekyumenikal
🍃Pagsambang Pasasalamat
Hunyo 21, 2026 | 9:00 AM
📜Siya ay isang ecumenical person at ecumenical icon kung saan naging aktibong bahagi ng National Council of Churches in the Philippines at naging Chairperson nito sa dalawang termino, noong 1991-1992 at 2016- 2019. Dahil dito, ginawaran siya ng “Lifetime Service Award” ng NCCP noong ika-50 taong anibersaryo nito bilang pagkilala sa kaniyang buong pagsisikap na maglingkod sa ministeryo ng ekyumenikasmo. Kinilala rin siya sa kaniyang mahalagang gampanin at serbisyo para sa pagtataguyod ng pakikipag-ugnayang ekyumenikal sa pamamagitan ng pagpaparangal sa kaniya ng Union Theological Seminary ng Doctor of Divinity Honoris Causa noong Nobyembre 12, 2020.
📜Noong ika-30 ng Hulyo, 2022, siya ay ikinonsagra bilang Kauna-unahang Obispo ng Iglesia Unida Ekyumenikal. Ang ating Pangulo ng iglesya mula pa nang ito’y itatag at kauna-unahang Obispo nito, Obispo Raoul Villaflor Victorino.
Tayo’y magkaisa sa pananampalataya, pag-ibig, at paglilingkod para sa kaluwalhatian ng Diyos!