21/03/2020
Our 1st disrupted Worship service on March 22, 2020 because of Covid 19 - Enhanced Community Quarantine...
Para sa mga Regular and Irregular attenders of the Church ng HIJCC BULIHAN.
Mapagpalang araw sa ating lahat.
Sa kadahilanang unti-unti ang paglaganap ng Covid-19 ay isinailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine, sang-ayon sa alituntunin na ibinababa ng ating Pagulo kaugnay dito. Ang mga Covenant Members - REPRESENTATIVE ay nagkaroon ng pagpupulong upang bigyang linaw ang ilang alituntunin na nakapaloob sa direktiba na ibinigay ng gobyerno.
Ngayon, sa pamamagitan ng masusing pag-uusap at pagbibigayan ng mga opinyon at huwestiyon ay napagkasunduan ang mga sumusunod na bagay.
1. Ang lahat ng gawain na ginagawa sa loob ng isang linggo ay hindi muna ipagpapatuloy kabilang dito ang PRAYER MEETING, SUNDAY SCHOOL ng mga bata at matatanda, MEMBERSHIP COVENANT AT PATI ANG LUNCH FELLOWSHIP.
2. Ang ating pagtitipon ay magpapatuloy, ngunit ito ay may dalawang uri upang maabot ang bawat isa.
a. Sunday Service
b. Live Streaming
2.a. Sa ilalim ng Sunday service, ang mga taong hindi kabilang sa ilalim ng sirkumtasya ay maaring magtungo sa bahay-sambahan.
2. b. Sa ilalim ng Live Streaming, ang mga kabilang sa sumusunod na kategorya ay maaring hindi dumalo sa pagtitipon sa ilalim ng ilang sirkumstansya.
a. Mga batang nasa edad 12 pababa
b. Senior Citizen
c. Pregnant Women
d. Living outside Bulihan
e. May sakit kagaya ng asthma, highblood, diabetes, kidney problem at iba pa.
f. Ang bawat isa na hindi kabilang sa ilalim ng sirkumtansya ay may malayang kalooban na dumalo o hindi dumalo.
3. Alinsunod dito, ang simula ng ating gawain ay 10 ng umaga at upang maiwasan ang direktang paglalabas ng mga magtutungo sa iglesya ang ating Pastor gamit ang kanyang sasakyan ay manunundo o magsusundo simula 9 ng umaga.
4. Kasabay nito, bilang precautionary measures tayo din ay magpapatupad ng striktong implementasyon nito.
a. Ang lahat ng mananampalataya ay minamarapat na mag suot ng mask bago pumunta sa iglesya.
b. Ang iglesya ay magkakaroon ng pagpapahugas ng kamay bago umakyat sa taas.
c. Ang bawat mananampalatay ay hinihikayat na magdala ng stinelas na panloob na gagamitin sa pag-akyat sa simbahan o di kayay magdala ng footsocks.
d. Kung walang stinelas na panlob o footsocks na madadala alinsunod sa letter C ay okay lang. Ang iglesya ay maglalagay ng tubig na may zonrox upang gamitin sa paghuhugas sa ilalim ng sapatos.
Maaari din namang mag stinelas muna bago magtungo sa iglesya at kapag nasa simbahan na saka suotin na lamang ang iyong sapatos.
e. Ipapatupad din ang social distancing na 1 METER away
f. Kasabay nito ang pagpapaliban ng pagkakamayan
5. Ang ating pagpupulong sa iglesya ay hindi lalagpas sa isang oras or isat kalahating oras. Sa ilalim nito ang mga sumusunod na daloy ng programa.
a. Openning Prayer
b. Reading of the Word
c. Hymnal Song
d. Preaching of the Word
e. Offering
f. Closing Prayer and Benediction
Paglilinaw: Ang mga susumunod na paalala ay nakadepende pa sa paglala o pagbuti ng sitwasyon. Ito ay TEMPORARY lamang. Ngunit kung ang COVID-19 ay lalala ang lahat ng nabanggit ay automatic na ititigil gaya ng pananambahan.
Keep Safe guys.
May the Lord God guide us and bless us.