25/08/2026
๐ป๐ผ๐น๐๐๐๐โ ๐๐๐๐โ๐พ ๐๐๐๐ผโ๐๐๐๐ผ๐
Ang Debosyon sa Ina ng Laging Saklolo na ginaganap tuwing Miyerkules ay isang minamahal at malaganap na gawaing panrelihiyon sa Simbahang Katolika, lalo na sa Pilipinas. Nagsimula itong lumaganap nang ipagkatiwala ni Papa Pio IX sa mga Redemptorista ang pagpapalaganap ng debosyon sa banal na larawan noong ika-19 na siglo, na may paanyayang โipakilala Siya.โ
Tuwing Miyerkules, nagtitipon ang mga deboto upang manalangin ng Nobena, makinig sa Salita ng Diyos, at mag-alay ng kanilang mga pasasalamat at kahilingan sa Mahal na Ina. Sa kanyang larawan, makikita si Maria na karga ang Batang Hesus. Ito ay isang malinaw na tanda na sa gitna ng takot, hirap, at pagsubok, may Ina tayong laging handang dumamay at umakay patungo kay Kristo.
Ang debosyong ito ay paalala na hindi tayo nag-iisa sa ating mga pasanin. Sa bawat Miyerkules, muli nating ipinagkakatiwala ang ating buhay sa Ina ng Laging Saklolo, na patuloy na nagtuturo sa atin na magtiwala sa Diyos, sapagkat ang tunay na saklolo ay laging nagmumula sa Kanyang Anak.
๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ก๐ค๐ก๐ค
Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina. Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito ... (sandaling katahimikan).
Noong ikaw ay nasa lupa, minamahal na Ina, ikaw ay buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban. Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay. Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin. Pinakamamahal na Ina bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin sa Kanyang muling pagkabuhay.
Pinakamamahal na Ina habang kamiโy nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila; tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila. Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga maysakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, makapagbigay ng pag-asa sa mga dukha at walang hanapbuhay, magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak, makiisa sa pagkilos ng mga inaapi, at turuan ng katarungan ang mga sa kanilaโy nang-aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa kanya.
Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't isa. Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasa sa Iyong mapagmalasakit na panalangin. Amen.