Exodus Harvester Disciple Church

Exodus Harvester Disciple Church This was created to fulfill the task the Lord gave to His followers. To proclaim the good news of salvation that will glorify the Lord.

23/05/2026

May 23,2026
Ibang mag give ng favor si Lord
Evening devotion
2 Samuel 3:9 Parusahan sana ako ng Diyos kung di ko gawin para kay David ang promise sa kanya ni Lord.
Observation:
Kay Lord, lahat pwede nyang gamitin para matupad nya ang kanyang mga pangako. May mga tao na nagtatayo ng bahay, bumibili ng sasakyan pero iba ang nagbebenefits. Ito ay isang way of favor and blessing ni Lord, sa mga anak nya, upang ma-enjoy nila ang promise nya.

22/05/2026

May 23,2026
Self evaluation
Morning devotion
Psalms 119:9 Anong gagawin ng kabataan para laging malinis ang buhay nya? Sundin nya dapat ang iyong Salita.
Observation:
Tinuturuan tayo ng Bible na magkaroon ng self evaluation daily, para makita natin kung ang atin bang ginagawa ay ayon pa sa will and instructions ni Lord.
Now ito ang payo ni Lord, siguraduhin natin na ang ating ginagawa ay naka-aligned sa will and instructions ni Lord.

22/05/2026

May 22,2026
Need nating mamatay
Morning devotion
John 12:24 Tandaan nyo, unless mahulog sa lupa at mamatay ang isang butil ng wheat, mananatili itong nag-iisa. Pag namatay na to, magbubunga to ng marami.
Observation:
Hindi talaga pwedeng magbunga ang isang binhi, kung mananatili syang binhi. Once na ang binhi ay sumibol hindi na sya binhi kundi sya ay isa ng puno, at dito nag sisimula ang maraming bunga.
Kagaya ng isang mananampalataya, hanggat nabubuhay ang sarili nyang pagkatao, hindi sya magkakaroon ng mga bungang espirituwal. Kaya kung gusto nating maging mabunga sa espirituwal, kailangang mamatay muna ang ating dating pagkato, at ang mabuhay sa atin ay ang Panginoong Jesu-Cristo, para magbunga tayo.

21/05/2026

May 21,2026
Lapit ka lang
1 Samuel 30:6 Sobrang nanlumo si David kasi naghihinagpis na ang lahat sa pagkawala ng kani-kanilang mga anak, at pinag-uusapan na ng mga tao na batuhin sya hanggang mamatay. Pero lumapit si David kay Lord na Diyos nya at binigyan sya nito ng lakas ng loob.
Observation:
Sa panahon ng mabigat na dalahin, mga trouble sa buhay at kapag tayo ay nanghihina, isa lang ang dapat nating gawin na itinuturo ng Bible. Lumapit lang tayo kay Lord, at bibigyan nya tayo ng kalakasan, at maging ng mga instructions upang mapagtagumpayan natin ang lahat ng hamon natin sa buhay.

20/05/2026

May 21,2026
Grabe ang impluwensya
Morning devotion
John 12:9 Nabalitaan ng maraming tao na nasa Bethany si Jesus,kaya pumunta sila dun hindi lang para makita sya, pero para makita din si Lazarus na binuhay nya. 10 Kaya nagplano ang mga chief priests na patayin din si Lazarus. 11 Marami kasing mga Jews ang tumalikod sa kanila at naniniwala na kay Jesus dahil sa kanya.
Observation:
Once na nakikita ang kadakilaan ni Lord sa isang mananampalataya, napakalaki ng impact nito sa community, may ilan na kokontra, pero mas marami ang magkakaroon ng pag-asa dahil sa ating testimonya at impluwensya.
Naisin nating makita sa atin ang kadakilaan ni Cristo, at magkaroon tayo malaking impluwensya sa hindi pa nananampalataya.

20/05/2026

May 20,2026
Iwas ang the best
Evening devotion
1 Samuel 27:1 Sinabi ni David sa sarili nya, "Darating ang araw na papatayin ako ni Saul. Ang pinakamaganda kong magagawa ay magtago sa lupain ng mga Philistines. Tapos, magsasawa rin si Saul sa paghahanap sa akin sa Israel, at magiging safe na ako.
Observation:
Mas pinili ni David na iwasan si Saul, dahil kung hindi nya ito gagawin kaagad, mas malaking kapahamakan ang pwedeng dumating sa kanya.
So, hindi karuwagan ang pag-iwas sa gulo, kundi ito ay isang matalinong pagpapasya. Dahil kung iiwas ka sa gulo, malaki ang mase-save mo sa time, sa lakas, sa tao, sa gastos at maiiwasan ang malaking pinsalang maidudulot nito. Kaya ang pinakamainam ay ang umiwas na lang sa gulo.

19/05/2026

May 20,2026
Maniwala ka lang at makikita mo
Morning devotion
John 11:40 Sinabi ni Jesus sa kanya, "Di ba, sinabi ko sayo na makikita mo ang kadakilaan ng Diyos kung mananalig ka? "
Observation:
Kaya tinanong ni Jesus si Martha, dahil ang gusto nya ay maalis ang pag-aalinlangan ni Martha sa kanya at sa sinabi nya, at manalig sya ng lubos. Clear ang sinabi ng Panginoong Jesu-Cristo, ang nananalig sa kanyang mga sinabi ang makakakita at makakaranas ng kadakilaan ng Diyos.
So, simple lang ang susi para makita at maranasan natin ang kadakilaan ng Diyos, ang susi lang ay ang ating pananalig o pananampalataya.

19/05/2026

May 19,2026
Totoong paggalang
Evening devotion
1 Samuel 24:5 Pero biglang nakonsensya si David after nyang punitin ang laylayan ng damit ni Saul.
Observation:
Yung pagputol ng maliit na bahagi ng damit ni King Saul ay itinuring ni David na isang napakalaking paglapastangan sa pinili ni Lord na leader.
Clear ang ipinakikita dito ng Bible, na never na never nating gagalawin ang mga pinili ni Lord, kahit pa sila ay nakagawa sa atin ng pagkakamali, bagkus ibigay parin natin sa kanila ang totoong pagrespeto at paggalang.

18/05/2026

May 19,2026
Yung citizen lang
Morning devotion
John 10:25 Sumagot si Jesus, "Di ba sinabi ko na sa inyo? Pero ayaw nyong maniwala. Yung mga bagay na ipinagagawa sa akin ng Tatay ko ang nagsasabi kung sino ako. 26 Pero di kayo naniniwala sa akin kasi hindi ko kayo mga tupa.
Observation:
Talagang ang nakikinig lang at maniniwala sa message ng God's Kingdom ay yung lang mga mamamayan nito. Kaya sila din lang ang makakaranas ng magandang buhay na kalakip nito.

18/05/2026

May 18,2026
Makinig sa man of God
Evening devotion
1 Samuel 22:5 Tapos, sinabi ni Prophet Gad kay David, "Wag kang mag-stay sa pinagtataguan mo, umalis ka at pumunta agad sa lupain ng Judah. " Ginawa nga ito ni David at pumunta sa gubat ng Hereth.
Observation:
Dahil ang mga man of God ay laging nakikipag-ugnayan kay Lord, kaya mas sila ang nakakakita ng mga gustong gawin ni Lord.
Kaya kung gusto nating mas maging maayos ang ating buhay, lagi tayong makinig sa ating mga man of God.

17/05/2026

May 18,2026
Sa heaven no need na ang pananagana.
Morning devotion
John 10:9 Ako ang pinto. Maliligtas ang lahat ng dadaan sa akin. Pwede silang maglabas-pasok para makahanap ng madamong lugar para kumain. 10...Dumating ako para magkaroon ng buhay ang lahat, yung buhay na masagana.
Observation:
Sa heaven hindi na kailangan ang yaman, dahil doon lahat ng needs natin ay kompleto na at 'di na needs ang pera. Kung ang inaasahan mo na sa langit ka mananagana mabibigo ka.
Kaya ang purpose ni Lord kaya sya pumunta dito sa lupa ay upang iligtas ang tao at upang maiparanas sa tao ang ipinangako nyang kaharianang dito sa lupa, sa sinomang gustong makaranas ng buhay na payapa, masagana at buhay na pinagpala.

Address

Silang
4118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Exodus Harvester Disciple Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Exodus Harvester Disciple Church:

Share