27/05/2026
SANTACRUZAN | PART 4
✨ SANTACRUZAN 2026 ✨
AVE MARIA PURISIMA!!🌸👑
Narito po ang mga kuhang larawan sa ating Santacruzan na ginanap ngayong Mayo 26, 2026
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga Reyna na buong pusong tumanggap sa aming paanyaya upang maging bahagi ng Santacruzan 2026. Ang inyong oras, suporta, at pakikiisa ay naging malaking bahagi ng tagumpay at kasiglahan ng pagdiriwang na ito. 🤍
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat kay Reyna Elena 2026 sa matagumpay at marangal na pagganap sa kanyang tungkulin bilang Reyna Elena ngayong taon. Gayundin sa kanyang pamilya, maraming salamat po sa walang sawang suporta, pagtulong, at pakikiisa upang maging maayos at makahulugan ang ating pagdiriwang. 💐
At sa aming bagong Reyna Elena 2027, maraming salamat sa pagtanggap ng responsibilidad at karangalang ipagpatuloy ang mahalagang tradisyon na ito sa susunod na taon. Nawa’y maging gabay ninyo ang pananampalataya at pagmamahal sa paglilingkod. ✨
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa aming mahal na Kapitan at sa kanyang mga nasasakupan sa kanilang suporta, tulong, at pakikiisa upang maging matagumpay, maayos, at ligtas ang pagdiriwang ng Santacruzan 2026. Ang inyong dedikasyon at serbisyo sa komunidad ay tunay na aming pinahahalagahan. 🤝
Muli, maraming salamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta upang maging matagumpay ang Santacruzan 2026.
Viva Santa Elena! 🤍