Msk St. Martin of Tours

Msk St. Martin of Tours SITIO POOK, LUTUCAN 1 SARIAYA, QUEZON

MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT! 🌟✨Sa pagtatapos ng ating paglalakbay sa Simbang Gabi at sa pagdiriwang ng ating huling ...
24/12/2025

MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT! 🌟✨

Sa pagtatapos ng ating paglalakbay sa Simbang Gabi at sa pagdiriwang ng ating huling misa, baunin natin ang tunay na kahulugan ng BELEN sa ating mga puso:

B – Biyaya ng Diyos na dumating. Tinanggap natin ang pinakadakilang regalo ng Ama.
E – Emanuel (Kasama natin ang Diyos). Huwag kang mawawalan ng pag-asa; hindi ka nag-iisa sa anumang laban.
L – Liwanag sa gitna ng dilim. Tandaan: At the end of the tunnel, there is light. Si Hesus ang ating gabay.
E – Evangelista ng kapayapaan. Hamon sa atin: Tayo ba ay nagiging tagapagdala ng kapayapaan sa ating kapwa?
N – Nagpakumbabang pag-ibig. Ang pagpapakababa ng Panginoon ay ang pinakamatibay na tanda ng Kanyang pagmamahal.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating siyam na araw na pananalangin. Isang malaking pasasalamat din sa ating mga Sponsors na naging bahagi ng tagumpay na ito. Nawa'y maghari ang pag-ibig ni Kristo sa inyong mga tahanan! 🎁❤️

Isang Bagong Simula! 🌟✨Matagumpay nating natapos ang siyam na gabi! Sa ating huling gabi, hinarap natin ang tanong: "Saa...
23/12/2025

Isang Bagong Simula! 🌟✨

Matagumpay nating natapos ang siyam na gabi! Sa ating huling gabi, hinarap natin ang tanong: "Saan galing ang iyong pangalan?" o "Saan nagmula ang iyong pangalan?" Ngayong gabi, nalaman natin na ang bawat tawag ng Diyos ay nagdadala ng bagong simula. Nawa'y lumabas tayo ng simbahan bilang mga bagong pagpapala sa iba—tagapagdala ng pag-asa at awa sa mga nangangailangan. Ang Pasko ay simula ng bagong buhay na puno ng pagpapasalamat.

Isang malaking PASASALAMAT sa ating mga Sponsors at sa napakaraming tao na nakiisa sa ating paglalakbay. Hindi pa dito natatapos ang ating pagdiriwang!

⛪️ KITA-KITS PO TAYO BUKAS PARA SA MISA NG NOCHE BUENA! Sama-sama nating salubungin ang kapanganakan ng ating Tagapagligtas. 🕯️

Ang taong marunong umalala ay marunong magmahal. ❤️✨Maligayang Ika-walong Gabi ng Simbang Gabi! Ngayong gabi, pinaalalah...
22/12/2025

Ang taong marunong umalala ay marunong magmahal. ❤️✨

Maligayang Ika-walong Gabi ng Simbang Gabi! Ngayong gabi, pinaalalahanan tayo na ang pag-alala ay isang paraan ng pagmamahal. Ang taong makakalimutin ay madaling magkamali at kailangan ng tagapag-paalala—at ang ating pagsasama-sama sa simbahan ang nagsisilbing paalala ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Isang malaking PASASALAMAT sa ating mga Sponsors sa gabing ito. Kayo ang nagpaalala sa amin ng diwa ng pagbibigayan ngayong Pasko. Salamat din sa napakaraming tao na nakiisa; nakakataba ng puso na hindi nababawasan ang ating bilang patungo sa huling gabi!

Huwag tayong makalimot na magmahal.

Wag panghinaan ng loob, may plano ang Diyos sa atin. 🙏✨Ika-pitong gabi na ng ating Simbang Gabi! Sa gitna ng mga hamon n...
21/12/2025

Wag panghinaan ng loob, may plano ang Diyos sa atin. 🙏✨

Ika-pitong gabi na ng ating Simbang Gabi! Sa gitna ng mga hamon ng buhay, ipinapaalala sa atin ngayong gabi: Wag mangamba. Magiging maayos din ang lahat sa huli dahil ang Kanyang plano ay laging para sa ating ikabubuti.

Ano nga ba ang gusto ng Diyos sa atin? Ang magtiwala tayo at tugunin ang Kanyang tawag nang may kagalakan. "Panginoon, bigyan Mo po kami ng lakas para mabuhat ang lahat ng hamon sa aming buhay."

Isang malaking PASASALAMAT sa ating mga Sponsors ngayong gabi. Ang inyong kabutihan ay bahagi ng magandang plano ng Diyos para sa ating komunidad. Salamat din sa napakaraming nagsimba at patuloy na nagkakaisa!

Kumakatok ang Diyos. 🕯️✨ Ika-anim na gabi na ng ating Simbang Gabi! Ang ating tema ngayong gabi ay isang paalala: Ang Pa...
20/12/2025

Kumakatok ang Diyos. 🕯️✨

Ika-anim na gabi na ng ating Simbang Gabi! Ang ating tema ngayong gabi ay isang paalala: Ang Panginoon ay patuloy na kumakatok sa pintuan ng ating mga puso. Handa ba tayong pagbuksan Siya at patuluyin sa ating buhay?

Isang malaking PASASALAMAT sa ating mga Sponsors sa gabing ito. Ang inyong kabutihang-loob ay nagsisilbing daan upang mas maramdaman ng ating komunidad ang pagmamahal ng Diyos.

Salamat din sa napakaraming nagsimba at nakiisa sa ating pananalangin. Nakakataba ng puso ang ating patuloy na pagkakaisa! Ilang gabi na lang, Pasko na! 🎄

Dininig ng Diyos ang iyong panalangin. 🙏✨Maligayang Ikalimang Gabi ng Simbang Gabi! Nasa kalahati na tayo ng ating siyam...
19/12/2025

Dininig ng Diyos ang iyong panalangin. 🙏✨

Maligayang Ikalimang Gabi ng Simbang Gabi! Nasa kalahati na tayo ng ating siyam na araw ng paghahanda. Ang gabing ito ay paalala sa atin na ang bawat bulong ng ating puso at bawat sakripisyo ay hindi nakakaligtaan ng Panginoon—dinirinig Niya tayo.

Isang malaking PASASALAMAT sa ating mga Sponsors ngayong gabi. Dahil sa inyong busilak na puso, mas naging makabuluhan ang ating pagdiriwang. Salamat din sa napakaraming nagsimba at nakiisa sa ating pananalangin.

Patuloy tayong maniwala: ang iyong hiling ay dinirinig at itinakda sa tamang panahon. Kita-kits po tayo muli bukas!

Ika-apat na Gabi: Biyaya at Pasasalamat! 🕯️🕯️🕯️🕯️Isang napakagandang simula ng umaga dahil sa dami nating nagtipon-tipon...
18/12/2025

Ika-apat na Gabi: Biyaya at Pasasalamat! 🕯️🕯️🕯️🕯️

Isang napakagandang simula ng umaga dahil sa dami nating nagtipon-tipon para sa ika-apat na araw ng Simbang Gabi. Higit sa lahat, nais naming magbigay ng isang malaking PASASALAMAT sa ating mga Sponsors ngayong gabi.

Dahil sa inyong busilak na puso at suporta, mas naging makabuluhan at masigla ang ating pagdiriwang. Nawa’y ibalik sa inyo ng Panginoon ang sandaang ulit na pagpapala.

Salamat sa lahat ng nagsimba! Kita-kits po tayo bukas para sa ikalimang gabi.

Grabe ang sigla! Ikatlong Gabi: Done! 🌟Nakaka-inspire makita na kahit pangatlong araw na, lalo pang dumarami ang ating m...
17/12/2025

Grabe ang sigla! Ikatlong Gabi: Done! 🌟

Nakaka-inspire makita na kahit pangatlong araw na, lalo pang dumarami ang ating mga kasama sa pagsalubong sa bukang-liwayway. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay-buhay sa ating pagtitipon ngayong gabi!

Ang inyong presensya ang nagpapatunay na excited na ang lahat para sa Pasko. Tuloy-tuloy lang ang ating pananalangin!

Simbahan ay Puno! Ikalawang Gabi ng tagumpay! ✨Nakakatuwang makita ang patuloy na pagdami ng mga nagsisimba. Salamat po ...
16/12/2025

Simbahan ay Puno! Ikalawang Gabi ng tagumpay! ✨

Nakakatuwang makita ang patuloy na pagdami ng mga nagsisimba. Salamat po sa lahat ng nakadalo! Ang pagtitipon natin ang pinakamagandang tanda ng pagdating ng Pasko.

Magkita-kita tayong muli bukas para sa ikatlong gabi!

Pusong Pasko, Pusong Pinoy! ❤️Unang araw ng simbang gabi!Isang taos-pusong MARAMING SALAMAT sa lahat ng nag-alay ng oras...
16/12/2025

Pusong Pasko, Pusong Pinoy! ❤️
Unang araw ng simbang gabi!

Isang taos-pusong MARAMING SALAMAT sa lahat ng nag-alay ng oras at nagsimba ngayong gabi. Nakakatuwang makita na napakadami nating nagtipon-tipon para sa unang gabi ng Simbang Gabi!

Ang inyong presensya ay patunay sa buhay na buhay nating tradisyon at pananampalataya. Simulan natin ang siyam na araw ng paghahanda nang may saya at pag-asa!

Address

Sitio Pook
Sariaya

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Msk St. Martin of Tours posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category