22/05/2026
BIBLE STUDY
📍Matthew 25:1-13
[1] “Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa'y may dalang ilawan. [2] Ang lima sa kanila'y hangal at ang lima nama'y matatalino. [3] Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. [4] Ang matatalino nama'y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan. [5] Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya't inantok at nakatulog sila sa paghihintay. [6] “Ngunit nang hatinggabi na'y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’ [7] Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. [8] Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’ [9] “‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa'y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo,’ tugon naman ng matatalino. [10] Kaya't lumakad ang limang dalagang iyon upang bumili ng langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto. [11] “Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!’ pakiusap nila. [12] “Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.’” [13] Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Kaya't magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”