10/08/2026
August 7, 2026
Sponsor: Grade 12 Seminarians of Our Lady of Mt Carmel Seminary
Isang Taos-Pusong Pasasalamat at Malugod na Pagtanggap sa mga Seminarista ng Mahal na Birhen ng Monte Carmelo, Sariaya
Lubos ang aming kagalakan at pasasalamat sa siyam (9) na seminarista na Grade 11 noon at ngayon ay Grade 12 na, na muling nagbalik upang magbigay ng kanilang feeding apostolate para sa ating mga minamahal na God's Beloved bilang pagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa Panginoon at pagbabahagi ng Kanyang pagmamahal sa ating mga kapatid na nangangailangan.
Ito ay isang magandang patunay na ang mga munting kabutihang ating naibabahagi ay nag-iiwan ng magandang alaala at inspirasyon sa puso ng ating mga kabataan. Ang kanilang paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng pagkain, kundi higit sa lahat, tungkol sa pagbibigay ng oras, malasakit, presensya, at pagmamahal sa ating mga God's Beloved.
Kasabay nito, buong puso rin naming tinatanggap ang labing-isang (11) bagong seminarista na Grade 10, na siyang papalit at magpapatuloy sa magandang gawaing ito. Sila ay maglalaan ng kanilang oras at paglilingkod sa pamamagitan ng apostolate tuwing unang Biyernes ng bawat buwan para sa ating mga God's Beloved.
Welcome, dear seminarians! Nawa'y maging makabuluhan at puno ng biyaya ang inyong paglilingkod. Nawa'y sa bawat pagbisita ninyo, mas lalo ninyong maranasan ang tunay na kahulugan ng paglilingkod, pagbabahagi, at pagiging instrumento ng pagmamahal ng Diyos.
Our heartfelt gratitude also goes to the priests, formators, teachers, students, benefactors, volunteers and everyone who makes this apostolate possible, for your continued trust, generosity, and support of our mission of evangelization and service.
May this partnership continue to inspire our young people to live out their faith—not only through prayer and words, but also through service, compassion, and love for the least of our brothers and sisters.
To God be all the glory!
Soli Deo Gloria! 🙏❤️