07/02/2026
Minamahal na mga alumno, benefactors at mga kaibigan ng seminaryo ng Mahal na Birhen ng Monte Carmelo,
Sa loob ng mahabang taon, marami sa atin ang naging bahagi ng seminaryo. Dahil sa seminaryo, maraming mga alaala at karanasan ang hindi natin malilimutan. Marami sa karanasang iyon ang nagpapatibay at malaking naiaambag sa buhay natin ngayon.
Nagpapatuloy ang apostoladong ito ng seminaryo magpa hanggang ngayon. Subalit hindi maikakaila na sa paglipas ng panahon marami sa mga pasilidad ng seminaryo ay naluluma o di kaya ay nasisira na, kabilang dito ang bubong at pasilidad ng gusali kung saan nag aaral ang mga seminarista. Ito ang dahilan kung kaya kaming mga tagapaghubog ay humihingi ng tulong pinansyal para maipaayos ang mga nasabing pagawain. Malaking tulong ang inyong maiaambag sa seminaryo, upang tulad ninyo, ang mga seminaristang nag aaral dito ay umunlad, matuto at maging lingkod din ng simbahan sa hinaharap.
Sa ngalan po ng Seminaryo ng Mahal na Birhen ng Monte Karmelo, ang aming taos pusong pasasalamat!
Reb. P. Gian Carlo M. Alvarez
Rektor
Security Bank Accnt # 0237656424001
Gcash # 09663866167