Sariaya Seventh-day Adventist Church

Sariaya Seventh-day Adventist Church Sariaya SDA Church is a newly opened church last February 19, 2022, which is located at Marichi, Sariaya, Quezon Province. In need of prayers? Bible study?

Directions: https://goo.gl/maps/4vWHZh4uEvxoUssS9 Moral and/or spiritual support? Just send a message to this number, 09562088686

Ikalimang gabi ng ating Week of PrayerAng topic ngayong gabi ay “Be Transformed: The Lifestyle of Renewal.”Ang tunay na ...
09/10/2025

Ikalimang gabi ng ating Week of Prayer

Ang topic ngayong gabi ay “Be Transformed: The Lifestyle of Renewal.”

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa loob — sa ating isipan at puso. Kapag hinayaan nating baguhin tayo ng Diyos araw-araw, nagiging malinaw sa atin ang Kanyang kalooban at layunin sa ating buhay. Maging intentional tayo sa pamumuhay na kalugod-lugod sa Kanya.

📖 “Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kalugod-lugod sa Diyos, na siya ninyong katampatang pagsamba. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito, kundi magbagong-anyo kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kalugod-lugod at lubos na kalooban ng Diyos.” — Roma 12:1–2

🎨 | S.A.V.E Media Team

Ikaapat na gabi ng ating Week of PrayerAng topic ngayong gabi ay “Hands that Heal: Service as a Lifestyle.”Tinawag tayo ...
09/10/2025

Ikaapat na gabi ng ating Week of Prayer

Ang topic ngayong gabi ay “Hands that Heal: Service as a Lifestyle.”

Tinawag tayo ng Diyos hindi lang para tumanggap ng pagpapala, kundi para maging pagpapala rin sa iba. Sa pamamagitan ng paglilingkod, naipapakita natin ang pag-ibig ni Cristo at nagiging kasangkapan tayo ng Kanyang kagalingan sa ating komunidad. 💛

📖 “Sapagka’t kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang kalayaang ito sa ikalulugod ng laman, kundi sa pamamagitan ng pag-ibig ay mangaglingkod kayo sa isa’t isa.” — Galacia 5:13

🎨 | S.A.V.E Media Team
🖼️ | Sis. Mia Masim

Ikatlong gabi ng ating Week of PrayerAng topic ngayong gabi ay “Taste and See: The Blessing of Healthy Food.”Tunay na na...
07/10/2025

Ikatlong gabi ng ating Week of Prayer

Ang topic ngayong gabi ay “Taste and See: The Blessing of Healthy Food.”

Tunay na napakabuti ng Diyos sapagkat Kanyang ipinagkaloob sa atin ang masustansyang pagkain upang mapanatiling malakas at malusog ang ating katawan — ang Kanyang templo. Nawa’y piliin natin ang mga pagkain na nagbibigay-buhay at nagpapalapit sa atin sa Kanya.

“Taste and see that the Lord is good; blessed is the one who takes refuge in Him.” — Psalm 34:8

🎨 | S.A.V.E Media Team

Ikalawang gabi ng ating Week of Prayer 🌙✨Ang topic ngayong gabi ay “Peace in the Storm: Trusting God Through Anxiety.”Sa...
06/10/2025

Ikalawang gabi ng ating Week of Prayer 🌙✨

Ang topic ngayong gabi ay “Peace in the Storm: Trusting God Through Anxiety.”

Sa gitna ng mga alon ng takot at pangamba, may Diyos tayong handang magbigay ng kapayapaan. Kapag tila gumuho na ang lahat, Siya ang sandigan nating hindi natitinag. 💭💙

📖 “Huwag kayong mangabagabag tungkol sa anumang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipabatid ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos. At ang kapayapaan ng Diyos, na di masayod ng pag-iisip, ay mag-iingat ng inyong mga puso at mga pagiisip kay Cristo Jesus.” — Filipos 4:6–7

🎨 | S.A.V.E Media Team

Unang gabi ng ating Week of Prayer 🌙Tunay ngang napakaganda ng topic ngayong gabi — “My Body, His Temple.”Nawa’y lagi na...
06/10/2025

Unang gabi ng ating Week of Prayer 🌙

Tunay ngang napakaganda ng topic ngayong gabi — “My Body, His Temple.”

Nawa’y lagi nating alalahanin na ang ating katawan ay tahanan ng Diyos, kaya’t pangalagaan natin ito nang may paggalang at pasasalamat. 🙏

📖 “Hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Diyos, at kayo’y hindi inyong sarili?” — 1 Corinto 6:19

🎨 | S.A.V.E Media Team

Himig comes to Sariaya SDA Church!Join us as we celebrate the Sabbath together with the very active Adventist youths fro...
25/07/2025

Himig comes to Sariaya SDA Church!

Join us as we celebrate the Sabbath together with the very active Adventist youths from Central Quezon 2 District!

We are truly blessed and excited to welcome Himig this July 26, 2025, as they lead us in a spirit-filled worship through music and fellowship. Their dedication and harmony reflect not just talent, but a deep passion for ministry.

Let’s come together and show our warmest support and appreciation for this inspiring group. Don’t miss this opportunity to be uplifted by their heartfelt songs and powerful message. See you there, and bring a friend!

Vesper Worship | June 20, 2025Tuwing vesper worship, ang mga kabataan ang nagbabahagi ng mga mensaheng napapanahon para ...
20/06/2025

Vesper Worship | June 20, 2025

Tuwing vesper worship, ang mga kabataan ang nagbabahagi ng mga mensaheng napapanahon para sa kanilang edad.

Ngayong gabi, ibinahagi ni Sis. Athena Tumaob ang mahalagang mensahe na mula sa Messages to Young People, Chapter 101 ni Ellen G. White—isang paalala sa atin na mamuhay dapat tayo nang may mataas na pamantayan sa harap ng ating Panginoon at kapwa. Hindi natin kailangang maging perpekto para maging mabuting halimbawa.
Ang mahalaga ay ang pusong handang magpaturo, magbago, at lumago kay Cristo araw-araw.

"Walang sinumang humahamak sa iyong kabataan; sa halip, maging halimbawa ka ng mga mananampalataya sa pananalita, sa asal, sa pag-ibig, sa pananampalataya, at sa kalinisan."
— 1 Timoteo 4:12

Kaya naman patuloy tayong magpalakasan at magpaalalahanan sa paglalakad natin sa pananampalataya—bilang kabataang hinirang at inihalintulad kay Cristo.



🖼️ | S.A.V.E Media Team

📖 IEL: Isang Buhay na PaglilingkodSa patuloy nating paghayo, lumalago ang ating pagkakaisa at kakayahang magbahagi ng pa...
18/06/2025

📖 IEL: Isang Buhay na Paglilingkod

Sa patuloy nating paghayo, lumalago ang ating pagkakaisa at kakayahang magbahagi ng pag-ibig ni Kristo sa iba.

“At ako'y narinig na tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong aking susuguin, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito ako; suguin mo ako.” – Isaias 6:8





🖼️ | S.A.V.E Media Team

✨ Happy Birthday, Sis. Roehlyn "Apple" Tumaob! ✨Maligayang kaarawan sa aming maganda at masipag na Sabbath School Superi...
15/06/2025

✨ Happy Birthday, Sis. Roehlyn "Apple" Tumaob! ✨

Maligayang kaarawan sa aming maganda at masipag na Sabbath School Superintendent! 💛 Bagamat ikaw ay bago pa lamang sa tungkulin, napakalaki na ng iyong naibahagi sa ministeryo. Tunay na pinagpala kami sa iyong dedikasyon at malasakit sa gawain ng Diyos.

“At ang bawat bagay na inyong ginagawa, ay gawin ninyo na may buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao.”
— Colosas 3:23, Ang Biblia

Dalangin namin ang masaganang biyaya, kalakasan, at patuloy na paglalago mo sa pananampalataya. Nawa’y maging inspirasyon ka pa sa marami!

🎉 Have an amazing day filled with love, joy, and heavenly blessings! 🎉
— Sariaya Seventh-day Adventist Church Family



🖼️ | S.A.V.E Media Team

13/06/2025

Sa patuloy na paglilingkod sa gawain ng Panginoon, tunghayan natin kung paano humayo ang ating mga kapatid dala ang mabuting balita, sa pamamagitan ng IEL Care Group.

🗣️ | Bro. Ryle Ilao Remo
🖼️ | S.A.V.E Media Team

Address

Sariaya
4322

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sariaya Seventh-day Adventist Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sariaya Seventh-day Adventist Church:

Share