17/06/2021
ALERTO KATOLIKO | June 16, 2021
OBISPO, NAGPASALAMAT SA 50-PERCENT SEATING CAPACITY SA MGA RELIGIOUS GATHERING
Ikinagalak ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico ang desisyon ng pamahalaan na payagan ang 50-percent seating capacity sa mga simbahan sa NCR+ Bubble, na nasa ilalim ng GCQ.
Aniya, ito’y magandang balita para sa lahat ng mananampalataya upang mabigyan ng balanse ang kanilang pagnananais na makadalo sa mga pagtitipon sa simbahan at maipahayag nang buong-puso ang kanilang pananampalataya sa kabila ng pandemya.
“Ito’y dapat nating ikatuwa dahil sa gawain ng pagsamba lalo na sa simbahan, kailangan na bigyan ng balanse ang pagnanais ng mga tao na makapunta ng simbahan at kasama ng mga kapwa mananampalataya ay magpupuri at magpapasalamat bilang bayan ng Diyos,” pahayag ni Bishop Famadico sa panayam ng Radio Veritas.
FULL STORY: https://www.veritas846.ph/obispo-nagpapasalamat-sa-50-percent-na-seating-capacity-sa-eucharistic-celebrations/?amp
. . . .
Curious ka ba kung ano ang Katoli-KONEK? Hangad po ng inyong kaagapay sa pananampalataya na higit pang mapalalim ang pananampalataya ng bawat Katoliko sa pagbabahagi ng mga mahalagang impormasyon tungkol sa hiwaga at ganda ng pananampalatayang Katoliko, at sa paghikayat sa bawat isa na mahalin ang Panginoong Diyos.
Maki-konek na para sa inyong daily dose of faith-related content! Sundan kami sa aming social media platforms:
📲 Facebook [https://www.facebook.com/katolikonek]
📌Twitter [https://twitter.com/katolikonek]
📸 Instagram [https://www.instagram.com/katolikonek]
📧 Gmail [[email protected]]