ACBM Sariaya

Call Directions Website Contact the place of worship

ACBM Sariaya Glory to God

A blessed time of fellowship with our fellow youth✨May every gathering draw us closer to Christ and help us grow in fait...
01/10/2026

A blessed time of fellowship with our fellow youth✨
May every gathering draw us closer to Christ and help us grow in faith😇

Thankyou po sa mga youth ng Gabog Janagdong na nakifellowship samin😊

To God be all the glory!

Youth fellowship Team Building edition !ALL GLORY TO GOD !
13/09/2026

Youth fellowship Team Building edition !

ALL GLORY TO GOD !

13/09/2026

Building teams, growing in faith, and making memories. 🪵🙏✨

ALL GLORY TO GOD😇

On behalf of our entire group, we want to express our deepest gratitude to the Heartbeart of Jesus Mission. Nagpapasalam...
31/08/2026

On behalf of our entire group, we want to express our deepest gratitude to the Heartbeart of Jesus Mission. Nagpapasalamat po kami nang lubos para sa inyong walang-sawang suporta at sa mga materyal na biyaya na inyong ipinagkaloob sa amin.

Higit sa lahat, we recognize that everything comes from the Lord, and it is God who moved your hearts to make a profound spiritual impact in our lives. Ang inyong mga panalangin, gabay, at patuloy na pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos ang naging kasangkapan Niya upang mas lumalim at tumatag ang aming pananampalataya. You didn't just provide for our material needs. God used your mission to truly nourish our souls and guide our spiritual journey. All glory belongs to Him for bringing your ministry into our lives.

We pray that the Lord will continue to bless the Heartbeat of Jesus Mission abundantly. May He multiply your generosity so you can continue to be a vessel of His grace and love to many more lives. 🙏📖❤️

ALL GLORY TO GOD

🕊️ Maraming Salamat sa aming Pastor/ Tatay Ver🤍Sa aming minamahal na Pastor Ver,  maraming salamat sa iyong buhay na nag...
29/08/2026

🕊️ Maraming Salamat sa aming Pastor/ Tatay Ver🤍

Sa aming minamahal na Pastor Ver, maraming salamat sa iyong buhay na naging pagpapala sa aming lahat. Salamat sa iyong mga panalangin, pangangaral, payo, pag-aaruga, at walang sawang paglilingkod sa Panginoon .

Hindi namin malilimutan ang nga salitang itinuro mo at ang halimbawang ipinakita mo ay mananatili sa aming mga puso. Ang iyong buhay at paglilingkod ay hindi namin malilimutan.

Ikaw ang ginawang instrumento ng Lord sa pagpapasimula ng gawain at pagtatayo ng iglesyang ito.

Masakit man ang pamamaalam, nagpapasalamat kami sa Diyos dahil ipinahiram Niya sa amin ang isang lingkod na buong pusong naglingkod at nagmahal sa amin.

Ikaw ay hindi lang naging Pastor sa amin kundi naging tatay din namin sa ACBM 🥺

Rest well, Pastor Ver, Natapos mo ang iyong takbuhin, napanatili mo ang iyong pananampalataya. 🕊️
(2 Timoteo 4:7)

Maraming salamat sa lahat.
Hindi ka namin makakalimutan. Hanggang sa muli, Pastor Ver 🤍🙏

One year agoFrom tent to ChurchHindi lang ito “before and after” ng isang gusali.Ito ay kwento ng pananampalataya, pagti...
12/07/2026

One year ago

From tent to Church

Hindi lang ito “before and after” ng isang gusali.

Ito ay kwento ng pananampalataya, pagtitiis, at pananalangin.

Mula sa prayer meeting sa ilalim ng tent hanggang sa maayos na bahay-sambahan, bawat hakbang ay patunay ng katapatan ng Diyos.

Kung may ipinapanalangin ka ngayon, huwag kang susuko. Ang Diyos ay nakikinig, kumikilos, at tumutugon sa tamang panahon.

Ang Diyos na gumawa ng himala noon ay Siya pa ring Diyos ngayon.

Sa Kanya lamang ang lahat ng papuri at kaluwalhatian! ❤️🙌

Kung tatanungin ako kung ano ang pagmamahal,hindi mo maririnig sa akin ang mga katagang"love is blind,""love is full of ...
21/06/2026

Kung tatanungin ako kung ano ang pagmamahal,
hindi mo maririnig sa akin ang mga katagang
"love is blind,"
"love is full of sacrifice,"
o "love is patient."
Dahil kung tatanungin mo ako,
tahimik kong ituturo ang aking tatay.
Dahil para sa akin,
isa siya sa mga pinakakonkretong halimbawa ng pagmamahal.
Hindi sa mga salitang binibitawan,
kundi sa mga gawaing inuulit-ulit araw-araw.
Sa pagbangon nang maaga,
sa pag-uwi nang pagod,
sa pagpili sa pangangailangan ng pamilya bago ang sarili niyang kagustuhan.

Ito ay para sa mga tatay.
Sa tunay na tatay,
sa tumayong tatay,
sa piniling maging tatay.
Sa mga tatay na hindi naghangad ng pagkilala,
pero nakatanggap na nito nang maraming beses mula sa mga pusong inalagaan nila.
Salamat.
Salamat sa pagiging halimbawa ng lakas.
Hindi lamang sa kung paano ninyo nabubuhat ang mabibigat na bagay,
kundi sa kung paano ninyo kami binubuhat
sa tuwing hindi na namin kayang pasanin ang mga hamon ng buhay.
Salamat sa pagsama.
Sa paghahatid at pagsundo,
sa paghihintay,
sa pakikinig kahit pagod na pagod na.
Salamat sa mga sakripisyong hindi namin nakikita.
Sa mga pangarap na ipinagpaliban,
sa mga luha na itinago,
sa mga problemang kayo lamang ang may alam.
Salamat sa mga gabing kayo ang huling natutulog
at sa mga umagang kayo ang unang nagigising.
Madalas, hindi kayo ang pinakamaingay sa loob ng tahanan.
Hindi kayo laging nagsasabing mahal ninyo kami.
Pero sa bawat oras ng trabaho,
sa bawat pawis na pumapatak,
sa bawat desisyong inuuna ang pamilya,
doon namin naririnig ang inyong "mahal kita."
Dahil ang pagmamahal ng isang ama ay madalas hindi nasusulat sa mga liham,
hindi naipo-post sa social media,
at hindi laging nasasabi nang malakas.
Ngunit ito ang uri ng pagmamahal na tahimik na nananatili.
Matatag.
Maaasahan.
At handang magbigay kahit walang kapalit.
Kaya kung tatanungin mo ako kung ano ang pagmamahal,
hindi ko ito hahanapin sa mga depinisyon ng libro,
o sa mga katagang madalas nating marinig.
Ituturo ko ang aking tatay.
At sasabihin,
"Ganito ang pagmamahal."
Tahimik.
Matatag.
At araw-araw na pinipiling manatili.
Para sa lahat ng tatay,
salamat.
Maaaring hindi namin ito nasasabi palagi,
pero marami sa kung sino kami ngayon
ay dahil sa kung sino kayo para sa amin.
At habang buhay naming dadalhin
ang mga aral, sakripisyo, at pagmamahal na ipinakita ninyo.
Maligayang Araw ng mga Ama. ❤️
✍️Mae Ann Macalinao

Happy Fathers Day to our everyday Heroes!

All Glory to God.

✨ Isang gabi ng karangalan, pagmamahal, at pasasalamat para sa lahat ng ilaw ng tahanan! 👑🌙Matagumpay nating naipagdiwan...
10/05/2026

✨ Isang gabi ng karangalan, pagmamahal, at pasasalamat para sa lahat ng ilaw ng tahanan! 👑🌙

Matagumpay nating naipagdiwang ang ating Mother’s Day Celebration - isang espesyal na gabi upang parangalan ang mga inang patuloy na naghahari sa pagmamahal, pananampalataya, at lakas na mula kay Cristo. 💜
Maraming salamat sa lahat ng mga nanay, mga dumalo, mga naglingkod, at mga tumulong upang maging makabuluhan at masaya ang gabing ito. Tunay ngang ang bawat ina ay isang reyna na ginagamit ng Diyos upang maging pagpapala sa tahanan at sa iglesia. 👑✨

"She is clothed with strength and dignity; she can laugh at the days to come."
— Proverbs 31:25

TO GOD BE ALL THE GLORY

Address

Brgy. Castañas
Sariaya
4322

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+639922002985

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ACBM Sariaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to ACBM Sariaya:

Shortcuts

Share