25/08/2026
Halina't Magpugay! Malugod po namin kayong inaanyayahan sa Ika-12 Taon ng Traslacion ng Mahal na Señor Santo Cristo de Burgos sa darating na Setyembre 5, 2026 sa ganap na ika-3 ng hapon sa Tumbaga Church Ruins, Barangay Tumbaga 1, Sariaya, Quezon.
Hinihiling po namin sa lahat ng makikiisa na magsuot ng kulay pulang damit.
Sama-sama nating ipakita ang ating malalim na debosyon sa Mahal na Señor na patuloy na nagpapadaloy ng Kanyang awa, himala, pag-asa at pagpapala.
¡Viva Mahal na Señor!