Help me to Help You

Call Directions Contact the place of worship

Help me to Help You spiritual/life coach,boost morale.

𝗕𝘂𝗻𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗹𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆  𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘀𝗶𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗮'𝘁 𝗻𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗻𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗸...
28/11/2023

𝗕𝘂𝗻𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗹𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘀𝗶𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗮'𝘁 𝗻𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗻𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻. Katulad ng kasuotan 👗👙👕

🔥🅜🅐🅣🅔🅞 ❺:❷❼-❹❽🔥
📖“Narinig ninyong sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.
📖' Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.

𝐒𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬;

📖“Hindi ba ninyo pinagaganda ang inyong mga sarili kayong mga dalaga kagaya ng isang bulaklak upang ipagmalaki ang inyong laman?🌼 Ano ang pakinabang ng mga lalaki sa inyo? Tunay ba nila kayong maililigtas mula sa dagat ng kapighatian?
📖👤At kayong mga palikerong nangagbibihis upang papagmukhain ang inyong mga sarili na parang may pagkamaginoo at kagalang-galang—hindi ba ito upang ipagyabang yaong bahagya ninyong “makisig” na mga hitsura? At para kanino ninyo ito ginagawa? Ano ang pakinabang ng mga babae sa inyo? Hindi ba sila ang pinagmumulan ng inyong kasalanan?

𝐒𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬;
📖Palagay ba ninyo naparito ako para mangalap ng mga modelo? Wala kayong hiya! Nasaan ang inyong buhay? Hindi ba ang hinahangad ninyo ay ang sarili lamang ninyong maluhong pagnanasa?
Akala mo napakaganda mo, nguni’t kahit maaaring napakagara ng damit mo, hindi ba sa katotohanan ay isa ka lamang malikot na uod, na isinilang sa isang tumpok ng dumi?

😱🥺Talagang lantaran na nakikita natin iyan ngayon.. sa social media, TikTok, yutube at iba pa na ngayon ang kabataan ay talagang nilamon na sa sestima, hindi na nakakaramdam ng hiya at takot na ipakita nila ng lantaran ang knilang maseselan na bahagi ng katawan, mas nakakaramdam sila ng saya sa bawat reactions (👍❤️😂😲😟😡) at comments na nakukuha nila sa mga tao. Sa likod nito ang mga demonyo na nandoon na nananahan sa tao ang tunay talaga na nagpupuri at naglilike at nagpuso sayo 💖 ., kaya kapag "chat ka at sinabihan ka ng I Love You, i like you.,(at ito'y mula sa madayang puso-madayang pag-ibig mula sa binhi ni satanas na spell na pinakawalang salita) Dito ka papasok na naman sa maling relasyon hindi mula sa Diyos., kaya paulit - ulit ang routine ng pusong laging sugatan, wasak na pamilya, panloloko sa asawa.

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗞𝗛𝗔 𝗢 𝗠𝗢𝗗𝗘𝗟𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗬𝗢𝗦 𝗞𝗨𝗡𝗗𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗢.

📖🌾📖❶ 🅒🅞🅡🅘🅝🅣🅞 ❹:❶❹
Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak.

🌾📖🅡🅞🅜🅐 ❶❷:❷
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

🌾📖❶ 🅣🅘🅜🅞🅣🅔🅞 ❷:❾-❶⓿
"Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa."

✅Ang respeto ay simulan nyu sa inyong mga sarili para makuha nyu din sa ibang tao.. Sapagkat hindi nyu alam sa bawat paglalantad nyu sa inyong mga sarili at hubog ng inyong mga katawan bagamat nakakuha kayo ng maraming viewers at mga papuring komento nasa likod nito ang pagnanasa ng ibang tao na magdudulot ng pagkakasala sa iba.

Ito naba Ang tanda na iniwan na Ng Diyos Ang bansang Israel? Isang uwak Ang tumangkang ibagsak Ang bandila Ng Israel.At ...
18/10/2023

Ito naba Ang tanda na iniwan na Ng Diyos Ang bansang Israel? Isang uwak Ang tumangkang ibagsak Ang bandila Ng Israel.

At ito din ba Ang dahilan kung bakit may digmaan sa pagitan Ng grupong Hamas at bansang Israel? Ngaun ay pati ang Grupong hezbola ng Lebanon ay nakikidigma nadin pati ang mga muslim sa Egypt ay gusto nadin sumalakay.😳

Basahin natin Ang sinabi Ng Panginoong Jesus tungkol sa pagbagsak Ng bansang Israel.

Lucas 19:41-44
Umiyak si Jesus para sa mga Taga Jerusalem, Nang malapit na si Jesus sa Jerusalem at Nakita Niya Ang lungsod, umiyak Siya para sa mga Taga roon. Sinabi Niya sana nalaman ninyo sa Araw na ito kung ano Ang Makapagbibigay sa inyo Ng kapayapaan, ngunit natakpan Ang inyong pang-unawa. Darating Ang Araw na papaligiran kayo Ng Kuta Ng inyong mga kaaway. Palilibutan nila kayo at kabi kabilang lulusubin. Lilipunin nila Ang lungsod niyo, Wala silang iiwang bato na mag kapatong mangyayari Ang lahat Ng ito sa inyo dahil binaliwala ninyo Ang Araw Ng pagliligtas sa inyo Ng Diyos.

Tungkol sa Pagkawasak Ng Jerusalem

"Kapag Nakita ninyong napapaligiran Ng mga sundalo Ang Jerusalem, malalaman ninyong malapit na itong mawasak."
Lucas 21:20

❌🥺👇Mga kapatid ko kay kristo.hindi sa pambabash at inggit  ito'y paalala dahil isa din ako sa biktima..kung napapansin n...
16/10/2023

❌🥺👇Mga kapatid ko kay kristo.hindi sa pambabash at inggit ito'y paalala dahil isa din ako sa biktima..kung napapansin natin na my nag te-trending na music, video mga salita, or apps tbp. bawat buwan or taon. dahil gusto lang ni satanas na hindi mo Siya makalimutan sa iyong buhay..ngayon trending naman ang isang apps na ito na photolab. kung naalala natin nakaraan nag trending din ang isang app na kaya kang ibalik sa pagiging bata noon.ngayon muling paalala sa mga kapatid kay God. mag ingat sa mga tricks ni satan na akala mo lang ay hindi ka na linlang pero hindi mo namalayan nakisabay ka kay satan. si Satanas ay napakatalino at napakatuso kapag nakita niya na nakakalimutan mo na siya gagawa siya ng isang bagay na mag bibigay sa iyo ng pansin. ang pag sunod sa mga trending ay pagbibigay pansin kay Satanas. kung saan ka naging masaya doon ka niya dadalhin hanggang nakalimutan mo na sinusundan mo na siya. ngayon my isang technology ang ipinalabas na ngayon ay controlado ang buong web at social media.ano ito? ito ay ang Tinatawag nilang AI kung napapansin natin sa lahat na ginagamit natin ay merong nakalagay na AI dahil ito na ang mag Co- control sa lahat ng ginagamit mo na may kinalaman sa lahat ng web or online platform. sabi sa news na kaya nito controlin ang isang tao at mas higit na matalino sa tao.ito din ay kagagawan ni satanas. nabalang araw kontrolado ka na rin ni satanas.Ang sarap talaga sumabay sa uso no??. mga kapatid ko kay God kung ikaw ay hindi nalinlang ni satanas congratulations ikaw ay tapat sa Diyos.

🌿Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo.
Santiago 4:7

🍃Awit 34:14
Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.

🌱Awit 1:1
Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan.

☘️1 Tesalonica 5:22
Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama.

🥺mga salita ng Diyos👇🌺
Iniimpluwensyahan ng mga ito ang iyong buhay, ang pananaw mo sa buhay, at ang iyong paghusga sa mga bagay-bagay. Mas lalong iniimpluwensyahan ng mga ito ang iyong paghahangad sa tunay na daan ng buhay: Isang masamang gayuma nga ito. Gaano mo man subukan, hindi mo maiwawaksi ang mga ito; tinataga mo ang mga ito ngunit hindi mo kayang ibuwal ang mga ito; hinahataw mo ang mga ito ngunit hindi mo kayang talunin ang mga ito. Bukod pa rito, pagkatapos sumailalim ang mga tao sa ganitong uri ng gayuma nang hindi nila alam, nagsisimula silang sumamba kay Satanas nang hindi nila alam, na itinataguyod ang imahe ni Satanas sa kanilang puso. Sa madaling salita, itinatatag nila si Satanas bilang kanilang diyus-diyusan, isang bagay na sasambahin at titingalain nila, na humahantong pa sa pagturing dito bilang Diyos. Hindi nila alam na ang mga bagay na ito ay nasa puso ng mga tao, kumokontrol sa kanilang mga salita at gawa. Bukod dito.**

***Wala kang kamalay-malay, tinatanggap mo nang hindi namamalayan ang mga ideyang ito at ang pag-iral ng mga bagay na ito. Tinatanggap mo rin nang hindi namamalayan ang mga diyablo, si Satanas, at mga diyus-diyusan sa sarili mong tahanan at sa sarili mong puso—isang gayuma nga ito.

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI🌹🥳🌿

23/08/2023

Paanu makilala ang tunay sa peke?

Kung mayroong kumakalat na pekeng pera maari po ba tayong huminto sa paghahanap buhay dahil sa balitang kumakalat na may mga pekeng pera?

Sa takot na mapeke? Kailngan po ba tayong magsara ng tindahan upang makaiwas? O huminto sa pagtatrabaho?

Hindi po ba dpat ay alamin natin ang pagkakakilanlan ng tunay at peke?

Parang kahalintulad din ito sa pagdating ng Panginoon, kung hindi natin alam ang tunay sa peke, at hindi natin inalam at nagsarado tayo ng tindahan sa takot na makatangap ng pekeng pera nd po ba tayo ay mga hindi hangal birhen?

Tanong ❓❓Ano ang pagkakaunawa natin sa kahulugan ng salita ng Panginoong Jesus ng sinabi niyang "Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang."Mateo 24:23-24

💗💗Nangangahulugan lamang ito at nagbibigay paalala ang Panginoon sa atin na maging mapanuri, at matatalinong dalaga na nakikinig sa tinig Niya. Hindi natin maaaring sabihin na hindi ko tatanggapin ang lahat ng nagpapangaral at nagpapatotoo sa Pagbabalik ng Panginoon, kung natatakot lang tayo dahil may mga huwad, papaano natin masisiguro na ang tinatanggihan natin ay hindi si Cristo? yamang alam natin na Siya ay babalik sa Katawang-tao. Kaya nga ang susi ay magkaroon ng Pagkilala at makinig sa Salita Niya, gaya ng mga Tupa na naririnig ang tinig Niya. Samakatuwid, kapag may nagpapatotoo at nangangaral na bumalik na ang Diyos dapat natin itong siyasatin at tingnan, kung sila ba ay may kakayahang magpahayag ng Katotohanan, gawin ang gawain ng Diyos at higit sa lahat ay makapagligtas atbp, sa halip na tingnan sa panlabas na anyo o kayang magpakita ng mga ilang milagro.🌱

💎✨Sa katunayan, hinulaan ng Panginoong Jesus ang mga huwad na Cristo ay mahusay sa pag-angat ng kanilang sarili, pagpapakita ng kanilang sarili, at nais na ipaalam sa mga tao ang kanilang mga pamumuhay, bayan, kung nasaan sila, upang mapasamba at igalang sila ng mga tao. Samakatuwid, ipinaalala ng Panginoong Jesus ang mga hinirang sa Kanyang hula: Kung ang sinoman ay magsabi sa iyo, Narito, narito si Cristo, o doon; siya ay nasa disyerto; siya ay nasa mga lihim na silid; huwag kang maniwala. Ito'y upang maipaunawa sa atin na ang mga katangian ng huwad na Kristo ay likas na mayabang at kung saan sila sila dumodoon sinasabi at pinagsisigawan nila ito sa iba upang sambahin sila.

💎✨Gayunpaman, sa tuwing pumupunta ang Diyos sa mundo, dumarating lamang siya sa laman upang ipahayag ang katotohanan at magsagawa ng isang bagong panahon at bagong gawain, na hindi ipaalam sa mga tao na maunawaan ang kanyang bayan o ipakita ang kanyang pamumuhay, kaya't ang totoong Diyos ay hindi darating at sabihin sa mga tao na Siya ay narito o doon upang makatanggap ng pagsamba at pagsunod. Ito ay upang masakop at gawing perpekto ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Pinapayagan ng tunay na Cristo ang mga tao na tanggapin ang Kanyang katotohanan at ibigay ang ating buhay na espiritwal, ngunit hindi ang mga materyal na bagay, upang makamit ang layunin ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Samakatuwid hindi dumating ang Diyos upang ipaalam sa atin kung saan Siya nakatira, kung saan Siya pumupunta, kung anong estado ng pamumuhay Niya atbp…dumarating Siya para iligtas ang tao at gawin ang Kanyang Gawain sa Kanila 🥰🤗

Sana po wag tayo magsara ng pinto at palampasin ang pagkakataong tayo ay kinakatok ng Diyos sa ating puso salamat po🙏

𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙧𝙠𝙖𝙙𝙖🙅𝙨𝙖 𝙡𝙤𝙫𝙚𝙡𝙞𝙛𝙚🙅𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙨𝙨𝙞𝙣𝙚𝙨𝙨🙅𝙨𝙖 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙥𝙞🙅𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙖𝙢𝙖𝙣𝙖𝙣🙅𝙨𝙖 𝙩𝙧𝙖𝙗𝙖𝙝𝙤 🙅𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙣 🙅𝙨...
21/08/2023

𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥
𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣
𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙧𝙠𝙖𝙙𝙖🙅
𝙨𝙖 𝙡𝙤𝙫𝙚𝙡𝙞𝙛𝙚🙅
𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙨𝙨𝙞𝙣𝙚𝙨𝙨🙅
𝙨𝙖 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙥𝙞🙅
𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙖𝙢𝙖𝙣𝙖𝙣🙅
𝙨𝙖 𝙩𝙧𝙖𝙗𝙖𝙝𝙤 🙅
𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙣 🙅
𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙪𝙢𝙖𝙣 🙅
𝙨𝙖 𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤 🙅 𝙖𝙩 𝙞𝙗𝙥.

𝙒𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙣𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜𝙜𝙞𝙩
𝙒𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙣𝙪𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜☝️

𝙈𝙖𝙠𝙖𝙢𝙩𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙢𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙢𝙤
𝙈𝙖𝙥𝙖𝙨𝙖𝙮𝙤 𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩,, 𝙥𝙖𝙣𝙞𝙜𝙪𝙧𝙖𝙙𝙤 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙞𝙣 𝙠𝙪𝙣𝙩𝙚𝙣𝙩𝙤, 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙢𝙤, 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖, 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙖𝙣𝙜 𝙤𝙛𝙛𝙚𝙧 𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙣𝙙𝙤 𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙣𝙙𝙖𝙡𝙞𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙗𝙖𝙡𝙞𝙩 𝙨𝙖 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙮 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙢𝙖𝙣

𝙆𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙥𝙖𝙮𝙖𝙥𝙖𝙖𝙣,𝙋𝙖𝙜-𝙄𝙗𝙞𝙜, 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙜𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙢𝙤,, 𝙩𝙞𝙮𝙖𝙠 𝙣𝙖 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙨𝙖𝙮𝙤 𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙢𝙤, 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙬𝙞𝙩𝙝𝙤𝙪𝙩 𝙂𝙤𝙙 𝙖𝙧𝙚 𝙣𝙤𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜🤷🏻‍♀️🤷🏻‍♀️

𝙎𝙖𝙗𝙞 𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨

🎺📖𝙅𝙪𝙖𝙣15:5 📖
📖"𝘼𝙠𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙣𝙤 𝙣𝙜 𝙪𝙗𝙖𝙨, 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙖𝙣𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙩𝙞𝙡𝙞 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣 𝙖𝙩 𝙖𝙠𝙤'𝙮 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙖𝙮 𝙨𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙪𝙗𝙪𝙣𝙜𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞;
𝙎𝙖𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙮𝙤'𝙮 𝙝𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣 𝙖𝙮 𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖."

💁‍♀️𝙆𝙖𝙮𝙖 𝙝𝙪𝙬𝙖𝙜 𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙤, 𝙨𝙖 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙥𝙞, 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙧𝙞𝙟𝙪𝙖𝙣𝙖, 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙗𝙖𝙚, 𝙨𝙖 𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤, 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙖𝙢𝙖𝙣𝙖𝙣, 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙤 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙣𝙪𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙢𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙠𝙞𝙩.?
👉DAHIL MABIBIGO KALANG AT WALA KANG MAPAPALANG ETERNAL SALVATION SA LAHAT NG IYAN...

20/08/2023

🌻𝑨𝒏𝒕𝒊𝒄𝒓𝒊𝒔𝒕𝒐🌻

🌿𝐒𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬🌿

🍊Magbabayad ng anumang halaga ang mga anticristo alang-alang sa kanilang katayuan at sa katuparan ng kanilang ambisyon, para sa mithiin nilang makontrol ang iglesia at maging Diyos. Madalas silang nagpapakapuyat sa pagtatrabaho at gumigising nang madaling-araw, iniinsayo nang umagang-umaga pa lang ang kanilang mga sermon, para lamang sangkapan ang kanilang sarili ng mga doktrinang kailangan nila para makapagbigay ng matatayog na sermon. Araw-araw, malalim nilang pinag-iisipan kung alin sa mga salita ng Diyos ang gagamitin nila sa pangangaral ng matatayog nilang sermon, kung aling mga salita ang makapagpapahanga sa mga hinirang at aani ng kanilang papuri, at pagkatapos ay kinakabisado nila ang mga salitang iyon. Pagkatapos ay pag-iisipan nila kung paano bigyang kahulugan ang mga salitang iyon sa paraang naipapakita ang kanilang katalinuhan at kabatiran, pinagsisikapan ito nang husto na parang mga estudyanteng nakikipagkumpitensya para sa posisyon sa kolehiyo. Kapag may isang taong nagbibigay ng mabuting sermon, o may isang nagbibigay ng kaunting pagtanglaw, o may isang nagbibigay ng ilang teorya, titipunin at pagsasama-samahin ito ng isang anticristo at gagawin niya itong sarili niyang sermon. Walang anumang pagsisikap ang hindi kayang gawin ng isang anticristo. Ano, kung gayon, ang motibo at intensyon sa likod ng pagsisikap niyang ito? Ito ay ang magawang ipangaral ang mga salita ng Diyos, ang masabi ang mga ito nang malinaw at walang kahirap-hirap, ang magkaroon ng kadalubhasaan sa mga ito, nang sa gayon ay makita ng iba na mas espirituwal ang anticristo kaysa sa kanila, mas mapagpahalaga sa mga salita ng Diyos, at mas mapagmahal sa Diyos. Sa ganitong paraan, maaaring makuha ng isang anticristo ang paghanga at pagsamba ng ilan sa mga taong nasa paligid nila. Pakiramdam ng isang anticristo ay may katuturang gawin ang bagay na ito at sulit ang kahit ano pang pagsisikap, sakripisyo, o paghihirap para rito”
🍊“Ang diwa ng pag-uugali ng mga anticristo ay ang patuloy na gumamit ng iba’t ibang mga diskarte at pamamaraan upang makamit ang kanilang mithiin na magkaroon ng katayuan, makuha ang suporta ng mga tao at pasunurin ang mga ito at ipagpitagan sila. Posibleng sa kaibuturan ng kanilang mga puso ay hindi nila sinasadyang makipag-agawan sa Diyos para sa sangkatauhan, ngunit isang bagay ang tiyak: Kahit na hindi sila nakikipag-agawan sa Diyos para sa mga tao, nais pa rin nilang magkaroon ng katayuan at kapangyarihan sa gitna nila. Kahit na dumating ang araw na mapagtanto nila na nakikipagkumpitensya sila sa Diyos para sa katayuan, at magpigil man sila ng kanilang sarili nang kaunti, gumagamit pa rin sila ng iba’t ibang pamamaraan upang hanapin ang katayuan at reputasyon; malinaw sa kanila sa mga puso nila na magkakamit sila ng lehitimong katayuan, sa pamamagitan ng pagkamit ng pagsang-ayon at paghanga ng iba. Sa madaling sabi, kahit na ang lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay lumilitaw na binubuo ng isang pagganap ng kanilang mga tungkulin, ang bunga nito ay ang linlangin ang mga tao, pasambahin sila at pasunurin sa kanila—kaya nga, ang pagganap sa kanilang tungkulin sa ganitong paraan ay pagtataas at pagpapatotoo sa kanilang sarili. Ang kanilang ambisyon na kontrolin ang mga tao—at makakuha ng katayuan at kapangyarihan sa iglesia—ay hindi kailanman magbabago. Ito ay walang pasubaling isang anticristo”

20/08/2023

said ✨👑
" Ang Aking gawain ay ang gawain ng pagliligtas sa kaluluwa ng mga tao. Kung mahulog ang iyong kaluluwa sa mga kamay ni Satanas, hindi mabubuhay nang payapa ang iyong katawan. Kung pinangangalagaan Ko ang iyong katawan, tiyak na nasa ilalim din ng Aking pangangalaga ang iyong kaluluwa. Kung talagang kinamumuhian kita, mahuhulog kaagad ang iyong katawan at kaluluwa sa mga kamay ni Satanas. Naiisip mo ba ang sitwasyon mo kapag nagkagayon? Kung, isang araw ay mawala sa inyo ang Aking mga salita, ipapasa Ko kayong lahat kay Satanas, na isasailalim kayo sa napakasakit na pagpapahirap hanggang sa lubos na mapawi ang Aking galit, o kaya’y parurusahan Ko nang personal kayong mga taong hindi na matutubos, sapagkat ang inyong pusong nagtataksil sa Akin ay hindi na magbabago kailanman.

" Huwag ninyo Akong pakitunguhan nang basta-basta. Kailanma’y hindi Ako nakikipaglaro sa mga tao. Kung sinasabi Kong gagawin Ko ang isang bagay ay tiyak na gagawin Ko ito. Umaasa Akong ang bawat isa sa inyo ay magiging isang taong sineseryoso ang mga salita Ko.

19/08/2023

Bible📖
Sabi Ng Diyos
“Ang aking trono ay ang kalangitan, at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan? Sa lahat ng bagay ako ang maylikha, kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito. Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbabá at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.
Isaias 66:1‭-‬2

“Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta,
‘Ang langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon, ‘at ang lupa ang aking tuntungan. Ano pang bahay ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko? Hindi ba't ako ang gumawa ng lahat ng ito?’ “Napakatigas ng ulo ninyo! Ayaw ninyong magbago ng inyong kalooban! Ayaw ninyong dinggin ang katotohanang mula sa Diyos! Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, iyon din ang ginagawa ninyo ngayon; lumalaban kayong lagi sa Espiritu Santo.
Mga Gawa 7:49‭-‬51

Almighty God said 📖
Ang Aking templo ang Aking walang-hanggang tahanan at ang layon ng Aking walang-hanggang pag-ibig, malimit Ko itong hinahaplos gamit ang kamay ng pag-ibig, inaalo ito sa wika ng pag-ibig, inaalagaan ito sa mga mata ng pag-ibig, at niyayakap ito sa sinapupunan ng pag-ibig upang hindi ito mahulog sa mga bitag ng masasama o madaya ni Satanas. Ngayon, sila na nagbibigay ng paglilingkod sa Akin ngunit hindi nailigtas ay Aking gagamitin sa huling pagkakataon. Bakit Ako nagmamadaling alisin ang mga bagay na ito mula sa Aking kaharian? Bakit Ko sila dapat itaboy mula sa Aking paningin? Kinamumuhian Ko sila hanggang sa utak ng Aking mga buto! Bakit hindi Ko sila inililigtas? Bakit gayon na lamang ang Aking pagkasuklam sa kanila? Bakit dapat Ko silang patayin? Bakit kailangan Ko silang wasakin? (Wala ni katiting nila ang makakapanatili sa Aking paningin, kabilang ang kanilang mga abo.) Bakit? Maging ang malaking pulang dragon, ang sinaunang ahas, at matandang Satanas ay naghahangad ng di-nararapat na kabuhayan sa Aking kaharian! Huwag nang magpantasya! Lahat sila ay walang mararating at magiging mga abo!
Wawasakin Ko ang kapanahunang ito, babaguhin ito upang maging Aking kaharian, at mabubuhay at magtatamasa kasama ng mga taong Aking minamahal hanggang sa kawalang-hanggan. Ang maruruming bagay na iyon ay hindi dapat mag-isip na makakapanatili sila sa Aking kaharian. Iniisip ba ninyong makakapangisda kayo sa malabong katubigan? Kalimutan ang mga gayong pagpapantasya! Hindi ninyo alam na ang lahat ay nakikita ng Aking mga mata! Hindi ninyo alam na ang lahat ay iniayos ng Aking mga kamay! Huwag ninyong isipin na masyado kayong tinitingnan nang napakataas! Bawat isa sa inyo ay dapat lumagay sa dapat ninyong pagkalagyan. Huwag magkunwaring mapagkumbaba (tinutukoy Ko silang mga pinagpala) o manginig at matakot (tinutukoy Ko sila na nagdurusa ng kasawiampalad). Ngayon, dapat malaman ng mga tao mismo ang lahat sa loob ng kanilang mga puso. Kahit na hindi Ko binabanggit ang inyong pangalan dapat pa rin kayong makadama ng katiyakan, dahil itinuon Ko na ang Aking mga salita sa bawat indibiduwal. Kung kayo man ay Aking napili o hindi, ang Aking mga salita ay nakatuon sa lahat ng inyong kasalukuyang mga katayuan. Ibig sabihin niyan, kung kayo ay kasama sa Aking mga pinili, kung gayon nagsasalita Ako tungkol sa kalagayan ng Aking mga pinili batay sa kung papaano ninyo inilahad ang inyong mga sarili; para naman sa kanilang hindi kabilang sa Aking mga pinili, nagsasalita rin Ako ayon sa kanilang mga kalagayan. Samakatuwid, ang Aking mga salita ay sinabi hanggang sa isang punto; bawat isa sa inyo ay dapat magkaroon ng mabuting pang-unawa tungkol diyan. Huwag dayain ang inyong mga sarili! Huwag matakot! Dahil limitado lamang sa iilan ang bilang ng mga tao, walang bisa ang pandaraya! Sinumang sinasabi Ko na pinili ay pinili at gaano ka man kagaling magkunwari, kung wala ang Aking katangian ikaw ay mabibigo. Dahil tinutupad Ko ang Aking salita, hindi Ko basta na lamang sinisira ang Aking sariling mga plano; ginagawa Ko kung anuman ang gusto Kong gawin, dahil lahat ng ginagawa Ko ay tama. Ako ang pinakamataas, at Ako ay natatangi. Maliwanag ba ito sa inyo? Nauunawaan ba ninyo?
Ngayon, pagkatapos basahin ang Aking mga salita, sila na gumagawa ng masama at mga liko at mandaraya ay nagpapagal din para maghanap ng pag-unlad at gawin ang kanilang pansariling mga pagsisikap. Nais nilang magbayad ng maliit lamang na halaga upang unti-unting makagapang papasok sa Aking kaharian. Dapat nilang isantabi ang gayong mga pag-iisip! (Ang mga taong ito ay walang pag-asa dahil hindi Ko sila binigyan ng pagkakataong magsisi.) Binabantayan Ko ang pintuan ng Aking kaharian. Naniniwala ka ba na makakapasok ang mga tao sa Aking kaharian ayon sa kanilang kagustuhan? Naniniwala ka ba na basta na lamang tatanggapin ng Aking kaharian ang anumang uri ng patapong-bagay? Na kukunin ng Aking kaharian ang anumang uri ng basurang walang halaga? Nagkakamali ka! Ngayon, sila na nasa kaharian ay sila na kasama Kong humahawak ng makaharing kapangyarihan; maingat Ko silang pinagyaman. Ito ay isang bagay na hindi makakamit kung gugustuhin lamang; dapat mong makuha ang aking pagsang-ayon. Higit pa rito, hindi ito isang bagay na tinatalakay sa kahit sino; ito ay isang bagay na Ako Mismo ang nagsaayos. Anumang sabihin Ko ay siyang nangyayari. Ang Aking mga hiwaga ay ibinubunyag sa Aking mga minamahal. Sila na gumagawa ng masama—sila na hindi Ko pinili ay walang karapatang tumanggap ng mga iyon. Kahit pa marinig nila ang mga hiwagang iyon, hindi nila mauunawaan dahil tinakpan na ni Satanas ang kanilang mga mata at hinawakan ang kanilang mga puso upang sirain ang kanilang buong pagkatao. Bakit sinasabi na kamangha-mangha at marunong ang Aking mga pagkilos, at na pinakikilos Ko ang lahat ng bagay para maglingkod sa Akin? Ipapasa Ko kay Satanas ang mga hindi Ko itinalaga at pinili para parusahan at gawin silang tiwali; at hindi Ako ang magpaparusa sa kanila; ganito Ako karunong! Mayroon na bang nakaisip nito? Nang walang kahirap-hirap, ang Aking dakilang gawain ay natupad na, hindi ba?

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao,,

15/08/2023

✨Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
📕*"Punasan mo ang iyong mga luha, huwag kang masaktan o magdalamhati, ang lahat ay hawak Ko sa Aking mga kamay at ang Aking layunin ay gawin kayong ang mga mananagumpay sa lalong madaling panahon at dalhin kayo sa kaluwalhatian sa Aking piling. Magiging mapagpasalamat ka at magpupuri para sa lahat ng nangyayari sa iyo, at iyan ay magbibigay-kasiyahan sa Aking puso.
Ang nananaig na buhay ni Cristo ay nagpakita na, wala kang dapat katakutan. Si Satanas ay nasa ilalim ng ating mga paa at ang kanilang panahon ay limitado. Gumising! Iwaksi ang mundo ng kalaswaan, palayain ang iyong sarili mula sa bangin ng kamatayan! Maging tapat sa Akin higit sa lahat ng anupaman, sumulong nang may katapangan; Ako ang iyong matibay na bato, manalig sa Akin!"

📕"Nadama mo man dati ito o hindi pa, inaalagaan ng Diyos ang bawat tao sa bawat posibleng paraan, gamit ang Kanyang tapat na puso, karunungan, at iba't ibang kaparaanan upang mapainig ang puso ng bawat tao, at magising ang espiritu ng bawat tao. Ito ay isang di-matututulang katunayan."

📕𝑆𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑔 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬,"𝐻𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑟𝑎𝑛𝑡𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑛𝑎ℎ𝑎ℎ𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑃𝑟𝑜𝑏𝑙𝑒𝑚𝑎; 𝑀𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑙𝑚𝑎𝑑𝑜 𝑎𝑡 𝑃𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑜𝑜𝑏 .𝐷𝑖𝑏𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑘𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜? 𝑚𝑎𝑑𝑎𝑙𝑎𝑠 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛,𝑎𝑡 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑎𝑤 𝑛𝑎 𝑖𝑝𝑎𝑘𝑖𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑟𝑖𝑛."

Address

Santo Tomas
4234

Telephone

+639915462199

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Help me to Help You posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Help me to Help You:

Shortcuts

Share