26/05/2026
Daily Bread π β€οΈ
π Genesis 3:6-19 β€οΈ
π‘ Insights| Takeaways:
Sa simula pa lamang ng paglikha, love na love na ng Diyos ang mga tao.
God gave them a paradise more than we can imagine. Nandoon na ang lahat, kasama pa nila ang Diyos.
Subalit kahit saan talaga, nandoon ang tukso na nagiging sanhi ng pagkakasala. Nang sinuway ng tao ang Diyos at nakinig sa ahas na kumain ng bunga na nagbibigay kaalaman tungkol sa mabuti at masama, nabuksan ang kanilang kamalayan at nakita nila ang kanilang kahubaran. Nahiya sila sa kanilang mga sarili.
Ngunit kahit nagkasala ang tao, love na love pa rin sila ni Lord. Ginawan pa nga sila ng kasuotan, subalit pinaalis na sila ng Panginoon sa Garden of Eden o Paraiso. Nawalay sila sa paraisong inihanda ng Panginoong Diyos para sa kanila.
At ganoon din tayo bilang mga tao sa kasalukuyang panahon. Nagkakasala tayo sa ibaβt ibang kaparaanan, at ito ang nagiging sanhi upang mapalayo tayo sa presensya ng Panginoong Diyos.
At tandaan din po natin na huwag nawa tayong maging sanhi ng pagkakasala ng bawat isa, sapagkat mabuti man o masama ang ating ginagawa, pananagutan natin ito sa Panginoong Diyos. Amen po.
At lagi po nating isipin at isapuso na anuman ang mangyari, love na love po tayo ng Panginoong Diyos. Lagi Siyang handang makinig, tumulong, at abutin tayo upang magkaroon ng pagbabago ang ating buhay. Amen po.
Letβs pray π
Hallelujah Jesus.
Amang Banal at Banal na Espiritu,
Marami pong salamat sa walang hanggang pag-ibig Mo.
Patawad po sa lahat ng aming mga kasalanan at pagkukulang.
Itinatakwil po namin ang lahat ng gawa ng kaaway sa aming mga buhay, O Diyos, in Jesusβ name.
Maging karapat-dapat po nawa kami sa Iyong banal na harapan, O Lord.
Baguhin Mo po kami ayon sa Iyong wangis at disenyo para sa aming mga buhay, O Lord God.
Magpahayag Ka po sa aming mga buhay, lalo na sa aming mga pamilya, O Lord.
Inaangkin at idinedeklara na po namin ang katagumpayan ng aming mga panalangin sapagkat Kayo po ang aming kasama.
Sa Inyo po ang pinakamataas na papuri, pagsamba, at pasasalamat, sa ngalan ng aming Panginoong Hesus. Amen and Amen.
Sa Diyos po ang kapurihan. Amen πβ€οΈ