Sr. Maricel, FLP

Sr. Maricel, FLP Missionary Sister

Msk Mercedes
23/03/2026

Msk Mercedes


09/03/2026

UNANG PAGBASA
Daniel 3, 25. 34-43
March 10,2026 -Unang pagbasa
Panahon ng Kwaresma

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Noong mga araw na iyon, tumindig si Azarias at dumalangin: “Alang-alang sa iyong karangalan, huwag mo kaming itakwil habang panahon; huwag mong putulin ang iyong tipan sa amin. Muli mo kaming kahabagan, alang-alang kay Abraham na iyong minamahal, kay Isaac na iyong lingkod, at kay Israel na iyong pinabanal. Ipinangako mong pararamihin ang kanilang lahi gaya ng mga bituin sa langit at ng buhanginan sa tabing-dagat. Subalit ngayon, Panginoon, kami ay naging pinakamaliit na bansa. Dahil sa aming mga kasalanan, kami ang pinaka-aba ngayon sa sanlibutan. Wala kaming hari, mga propeta, o mga tagapanguna ngayon. Walang templong mapag-alayan ng mga handog na susunugin, mga hain at kamanyang; wala man lamang lugar na mapaghandugan upang kami ay humingi ng awa mo. Ngunit lumalapit kami sa iyo ngayon na bagbag ang puso at nagpapakumbaba. Tanggapin mo na kami na parang may dalang mga baka, mga guya at libu-libong matatabang tupa na susunugin bilang handog sa iyong harapan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog, upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso. Walang nagtiwala sa iyo na nabigo. Simula ngayon, buong puso kaming susunod sa iyo, sasamba at magpupuri sa iyo. Huwag mo kaming biguin. Yamang ikaw ay maamo at mapagkalinga, kahabagan mo kami at saklolohan. Muli mong iparanas sa amin ang iyong kahanga-hangang pagliligtas, at sa gayo’y muling dakilain ang iyong pangalan, Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

04/03/2026

MABUTING BALITA
Lucas 16, 19-31
March 5,2026
Panahon ng Kwaresma

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng a*o at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling ni Lazaro. At sumigaw siya, ‘Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro’y nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayo’y inaaliw siya rito, samantalang ikaw nama’y nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.’ At sinabi ng mayaman, ‘Kung gayun po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagkat ako’y may limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang balaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon.’ ‘Hindi po sapat ang mga iyon,’ tugon niya, ‘ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.’ Sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

02/03/2026

MABUTING BALITA
Mateo 23, 1-12
March 2,2026 -Kwaresma

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila’y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila’y pagpugayan sila sa mga liwasang bayan, at tawaging g**o. Ngunit kayo — huwag kayong patawag na g**o, sapagkat iisa ang inyong G**o, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

28/02/2026

MABUTING BALITA
Mateo 17, 1-9
March 1,2026
Ika-2 Linggo sa panahon ng Kwaresma

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isinama ni Hesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro kay Hesus, “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula rito’y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” Ang mga alagad ay natakot nang gayun na lamang nang marinig nila ang tinig, at sila’y napasuba*ob. Nguni’t nilapitan sila ni Hesus at hinipo. “Tumindig kayo,” sabi niya, “huwag kayong matakot.” At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Hesus.

At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Hesus sa kanila, “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hangga’t hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

15/02/2026

Pre-Cana Seminar for CAREavan 2026, pampagising muna at antok na ang kakasalin

15/02/2026

Sixth Sunday in Ordinary Time (Green)
Feb 15,2026

UNANG PAGBASA
Sirak 15, 16-21

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Kung gusto mo, masusunod mo ang utos ng Panginoon,
Ikaw ang magpapasiya kung magiging tapat ka sa kanya o hindi.
Naglagay siya sa harapan mo ng tubig at ng apoy,
kunin mo ang iyong maibigan.
Makapipili ka ng alinman sa dalawa: buhay o kamatayan,
ang iyong mapili ang siya mong tutunguhan.
Dakila ang Karunungan at kapangyarihan ng Panginoon
nakikita niya ang lahat ng bagay.
Nalalaman niya ang lahat ng ginagawa ng bawat tao,
at kinakalinga niya ang mga may takot sa kanya.
Kailanma’y wala siya inutusang magpakasama,
O pinahintulutang magkasala.

Ang Salita ng Diyos.

04/02/2026

UNANG PAGBASA
2 Samuel 24, 2. 9-17
Feb 4,2016

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, inutusan ni David si Joab at lahat ng namumuno sa hukbo niya, “Gawin ninyo ang talaan ng bawat lipi ng Israel mula sa Dan hanggang Beer-seba, at dalhin ninyo agad sa akin.”

Iniulat ni Joab sa hari ang kabuuan ng lahat ng mga lalaking maaaring maglingkod sa hukbo. Sa Israel ay walundaanlibo at sa Juda naman ay limandaanlibo.

Matapos niyang ipatala ang mga tao, inusig siya ng kanyang budhi. Sinabi niya sa Panginoon, “Nagkasala ako nang malaki sa ginawa kong ito, patawarin po ninyo ako sa aking kahangalan.” Kinaumagahan, pagkagising ni david, sa utos ng Panginoon ay pumunta sa kanya si Propeta Gad.

Sinabi nito kay David, “Ito po ang ipinasasabi sa inyo ng Panginoon, ‘Mamili ka kung alin sa tatlong parusang ito ang ibig mong gawin ko sa iyo: Tatlong taong taggutom sa iyong lupain, tatlong buwang pag-uusig sa iyong mga kaaway o tatlong araw na salot!’ Alin ang gusto ninyo para masabi ko sa nagsugo sa akin?”

Sumagot si David, “Hirap na hirap ang aking kalooban sa nangyaring ito. Yamang mahabagin ang Panginoon, ang pipiliin ko’y ang tuwirang parusa niya, kaysa ako’y mahulog pa sa kamay ng mga tao.

Kaya’t ang Panginoon ay nagpadala ng salot sa Israel, anupa’t mula sa Dan hanggang Beer-seba, pitumpunlibong tao ang namatay. Nangyari ito mula nang umagang iyon hanggang sa taning na panahon. Nang iunat ng anghel ang kanyang kamay upang puksain ang mga taga-Jerusalem, sinaway siya ng Panginoon. Nagbago ang pasiya nito at sinabi, “Tama na! Huwag mo nang ituloy!” Ang anghel ng Panginoon ay nakatayo noon sa giikan ni Arauna, isang Jebuseo.

Nang makita ni David ang anghel, sinabi niya sa Panginoon, “Napakalaki ng pagkakasalang nagawa ko sa inyo at ang walang malay na mga tupang ito ang nagdurusa. Ako at ang aking sambahayan ang parusahan ninyo.”

Ang Salita ng Diyos.

30/01/2026

Tunay na napakadakila ang Panginoon na mas higit ang pananampalataya ng tao kaysa sa mga bagyo ng buhay. Ang hamon sa atin ay maging mahinahon at kumapit lang sa kanya nang may pagtitiis at pananalig upang malampasin natin ang lahat ng pinagdaraanan nating mga problema at sakit.

29/01/2026

UNANG PAGBASA
2 Samuel 11, 1-4a. 5-10a. 13-17

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ni Samuel

Nang magtagsibol, panahong angkop sa digmaan, pinalabas ni David ang buong hukbo ng Israel. Sa pangunguna ni Joab at ng iba pang mga pinuno, pinuksa nila ang mga Ammonita at kinubkob ang Rabba. Si David ay nagpaiwan na sa Jerusalem.

Isang hapon, natulog si David. Nang siya’y magising, umakyat siya sa bubungan ng palasyo at naglakad-lakad. Mula roon, may natanaw siyang magandang babaing naliligo. Ipinagtanong niya kung sino iyon. Sinabi sa kanya na iyo’y si Bat-seba, anak ni Eliam at asawa ng Heteong si Urias. Ipinakuha niya si Bat-seba. Sinipingan siya ni David, at pinauwi pagkatapos. Dahil sa nangyaring ito, si Bat-seba ay naglihi, kaya’t ipinasabi niya ito kay David.

Inutusan agad ni David si Joab na dalhin sa kanya si Urias. Nang dumating ito, tinanong siya ni David, “Kumusta si Joab at ang hukbo? Ano ang lagay ng labanan?” Sinabi pa niya kay Urias, “Umuwi ka na at magpahinga pagkat nanggaling ka sa malayong paglalakbay.” Lumakad na si Urias. Ang hari ay nagpadala pa ng alaala sa tahanan nito. Ngunit hindi pala siya nagtuloy sa kanila. Doon na siya natulog sa may tarangkahan ng palasyo, kasama ng mga bantay. Nalaman ito ni David.

Kinabukasan, inanyayahan ni David sa pagkain si Urias at ito’y kanyang nilasing. Hindi rin ito umuwi nang gabing iyon, bagkus natulog na kasama rin ng mga bantay.

Kinabukasan, sumulat si David kay Joab at ipinadala kay Urias. Ganito ang nasasaad: “Isubo mo si Urias sa mga kaaway na mabangis. Pagkatapos, umurong ka at bayaan mo siyang mapatay.” Nagmanman si Joab sa lungsod na kanilang kinukubkob at sa gawing mababangis ang kaaway, doon nga niya itinapat si Urias. Lumabas ang mga kaaway mula sa lungsod, at sinalakay ang mga kawal ni Joab. Napatay ang ilang pinuno ni David, kasama si Urias.

Ang Salita ng Diyos.

24/01/2026

Third Sunday in Ordinary Time (Green)
National Bible Sunday
Sunday of the Word of God

UNANG PAGBASA
Isaias 8, 23b – 9, 3

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sa mga nakaraang araw, inilagay niya sa kahihiyan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Neftali. Ngunit sa panahong darating, dadakilain niya ang lupaing ito, mula sa Dagat Mediteraneo hanggang sa ibayo ng Jordan, ang Galilea ng mga Hentil.

Nakatanaw ng isang malaking liwanag
ang bayang malaon nang nasa kadiliman,
namanaag na ang liwanag
sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan,
tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan.
Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan
tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian.
Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila.

Ang Salita ng Diyos.

Flp Priest's and Sisters
19/01/2026

Flp Priest's and Sisters


Address

San Antonio
Santo Tomas
4234

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sr. Maricel, FLP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share