Ministry for the Youth - St. Thomas Aquinas Parish

Ministry for the Youth - St. Thomas Aquinas Parish The Official page of Archdiocese of Lipa-St. Thomas Aquinas Parish's Ministry for the Youth.

BARANGAY RECOLLECTION                  𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 ⛵️                       | 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗶𝗮𝗴𝗼 |“ 𝐌𝐚𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐨 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚 ...
16/08/2026

BARANGAY RECOLLECTION
𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 ⛵️
| 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗶𝗮𝗴𝗼 |

“ 𝐌𝐚𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐨 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚, 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦 𝐤𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐨 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐢𝐢𝐰𝐚𝐧. “

Maraming salamat sa lahat ng kabataang buong pusong hinarap ang malakas na alon. 😊

𝓢𝓪 𝓫𝓪𝓷𝓰𝓴𝓪 𝓷𝓲 𝓢𝓪𝓷𝓽𝓲𝓪𝓰𝓸 𝓐𝓹𝓸𝓼𝓽𝓸𝓵, 𝓵𝓪𝓱𝓪𝓽 𝓶𝓪𝔂 𝓹𝓾𝔀𝓪𝓷𝓰, 𝔀𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓲𝓲𝔀𝓪𝓷. 💛


| YOUTH FORMATION, AFTERNOON SESSION |August 16, 2026Sa Mabuting Balita ngayong araw, kapansin-pansin ang hindi pag-tugo...
16/08/2026

| YOUTH FORMATION, AFTERNOON SESSION |
August 16, 2026

Sa Mabuting Balita ngayong araw, kapansin-pansin ang hindi pag-tugon kaagad ni Hesus sa isang Cananea. Ngunit hindi natinag ang babae, bagkus siya ay nagpakita ng matinding pananampalataya.

Sa huli, dininig pa rin ni Hesus ang Cananea — patunay na si Hesus ay mabuti sa lahat.

Hindi man tugunin kaagad ni Hesus ang ating panalangin, hindi ibig sabihin hindi niya tayo naririnig. Ipinakita sa atin ng taga-Cananea na habang tumatagal ang ating paghihintay, mas dakila ang nagiging pagpapala.

- Gabriel Abdon

| YOUTH FORMATION, MORNING SESSION |August 16, 2026Ang Ebanghelyo ngayong araw ay tungkol sa isang Cananea na nagpakita ...
16/08/2026

| YOUTH FORMATION, MORNING SESSION |
August 16, 2026

Ang Ebanghelyo ngayong araw ay tungkol sa isang Cananea na nagpakita ng matibay na pananampalataya sa kabila ng tila hindi agad pagsagot ni Hesus sa kanyang panalangin. Hindi siya sumuko o lumayo; sa halip, lalo siyang nagpakumbaba at kumapit sa awa ng Panginoon.

Ganito rin tayo sa buhay. May mga pagkakataong paulit-ulit tayong nananalangin para sa kagalingan, pamilya, trabaho, o solusyon sa ating mga problema, ngunit tila tahimik ang Diyos. Sa mga panahong ito, huwag tayong mawalan ng pag-asa.

“Panginoon, tulungan Mo ako.”

Ang panalangin ay hindi tungkol sa pagpipilit sa Diyos na ibigay ang ating nais, kundi tungkol sa pagtitiwala sa Kanyang karunungan at kalooban. Tulad ng Cananea, patuloy tayong lumapit, manalangin, at magtiwala kahit hindi natin agad nauunawaan ang Kanyang plano.

Sapagkat minsan, ang pinakamalaking biyaya ay hindi lamang ang sagot sa ating panalangin, kundi ang pananampalatayang nabubuo habang tayo ay naghihintay.

Kapag tila tahimik ang Diyos, patuloy kang manalangin. Kapag tila walang sagot, patuloy kang magtiwala. At sa lahat ng pagkakataon, sabihin natin: “Mangyari nawa ang Iyong kalooban.”

— Darylle Miguel Narvaez

BARANGAY RECOLLECTION              𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 ⛵️| 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹 | 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻 𝗕𝗮𝗿𝘁𝗼𝗹𝗼𝗺𝗲 |Iba talaga kapag may k...
15/08/2026

BARANGAY RECOLLECTION
𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 ⛵️
| 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹 | 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻 𝗕𝗮𝗿𝘁𝗼𝗹𝗼𝗺𝗲 |

Iba talaga kapag may kaagapay. Dahil ang hindi kayang gawin nang mag-isa, kaya natin kapag magkakasama. ✨

Maraming salamat sa lahat ng mga kabataang naki-sagwan sa amin ngayong araw. 😊

𝓢𝓪 𝓫𝓪𝓷𝓰𝓴𝓪 𝓷𝓲 𝓟𝓪𝓮𝓷𝓰 𝓪𝓽 𝓷𝓲 𝓞𝓶𝓮, 𝔀𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓲𝓲𝔀𝓪𝓷, 𝓵𝓪𝓱𝓪𝓽 𝓪𝔂 𝓴𝓪𝓼𝓪𝓶𝓪. 💛



14/08/2026

Cluster 7 Pre-Recorded Presentation

A NIGHT WITH THE LADY | 𝓚𝓪𝓽𝓸𝓸𝓭 𝓷𝓲 𝓘𝓷𝓪 ✨

Isang pre-recorded presentation ang inihanda ng mga kabataan mula sa Cluster 7 na kinabibilangan ng Bikariya 13 at Bikariya 14.

Sa diwa ng synodality, ipinamalas ng mga kabataan ang kanilang talento sa pag-awit at pag-sayaw para sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Antipolo. 🤍

Ating hingin ang gabay ng Mahal na Birheng Maria para sa ating patuloy na sama-samang paglalakbay para sa kadakilaan ni Kristo. 🙏🏻

10/08/2026
| YOUTH FORMATION |Makikita natin kay Pedro na noong una ay nagtiwala siya kay Hesus, ngunit nang makita niya ang malaka...
09/08/2026

| YOUTH FORMATION |

Makikita natin kay Pedro na noong una ay nagtiwala siya kay Hesus, ngunit nang makita niya ang malakas na hangin, siya ay natakot at nagsimulang lumubog.

Ganito rin tayo sa buhay. Kapag maayos ang lahat, madali tayong magtiwala sa Diyos. Pero kapag dumating ang problema at pagsubok, natatakot tayo at nakakalimutang kasama natin Siya.

“ H’wag kang matakot. “

Hindi kailangang mawala muna ang ating mga problema bago tayo magkaroon ng lakas ng loob. Kailangan nating matutong magtiwala sa Diyos kahit may mga bagay na hindi natin naiintindihan.
Tulad ni Pedro, maaari tayong magkamali at mag-alinlangan, pero maaari rin tayong tumawag palagi sa Panginoon.

Kapag dumating ang mga pagsubok, hindi dapat mawalan kaagad ng pagasa. Sa halip, manalangin, magtiwala, at patuloy na humakbang kasama ang Diyos.

Ngayong araw, anong takot o suliranin ang gusto mong ibigay o itaas sa Panginoon?

- Ashley Ann Mantario

Pagod ka na ba? 🌊Sa maraming gawain at pagsubok sa buhay?Tara! Magpahinga muna tayo.Mag-usap. Kumilala. Manalangin.BANGK...
08/08/2026

Pagod ka na ba? 🌊
Sa maraming gawain at pagsubok sa buhay?

Tara! Magpahinga muna tayo.
Mag-usap. Kumilala. Manalangin.

BANGKA NG BARANGAY
Barangay Youth Recollection 2026

" Kahit may bagyo, hindi lulubog ang bangka kapag kasama natin si Kristo. " Marcos 4:38

Bukas para sa lahat ng kabataan edad labing dalawa (12) pataas.
Magpalista sa inyong Barangay Liturgical Council Coordinator (BLC) o Barangay Youth Council Coordinator (BYC).

Hindi ka nag-iisa. Sakay na sa bangka. ⛵️
Kitakits! 🤗


Address

Poblacion 2
Santo Tomas
4234

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639366884998

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry for the Youth - St. Thomas Aquinas Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ministry for the Youth - St. Thomas Aquinas Parish:

Shortcuts

Share