03/09/2025
Sa diwa ng sama samang pagkilos, ang atin pong parokya ay nagsasagawa ng isang fund raising program sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga raffle tickets, ang DRIVE YOUR FAITH FORWARD, para po matustusan ang mga pangangailangan ng pagsasaayos ng ating parish rectory, parish office at iba pang gawain sa ating simbahan.
Ang prizes po ay ang mga sumusunod:
GRAND PRIZE: Brand New Toyota Grandia
2ND PRIZE: 3-Wheel E-Bike
3RD PRIZE: Iphone 16e
Ang grand draw po ay isasagawa sa JANUARY 28,2026 sa kapistahan ng ating patron, Santo Tomas de Aquino. Ang lahat po ng premyo ay convertible into cash.
Ang inyong tulong sa pamamagitan ng pagbili ng raffle tickets ay isang napakalaking ambag para sa patuloy na pagsasaayos ng ating simbahan.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating Parish Office.
Maraming salamat po at nawa ay patuloy tayong pagpalain ng Panginoon sa ating pagkakaisa at paglilingkod.