28/12/2025
Check out this historic moment from the Philippines when the Odiongan Foursquare Gospel Church joined the International Church of the Foursquare Gospel in 1960 🤩
Praise God for his faithfulness that has continued over 60 years! 🙌✝️❤️
Ang mga Ministro ng United Gospel Tabernacle (UGT) ng Romblon at Mindoro ay nagkatipon noong October 28-November 1, 1959 upang pag-usapan ang affiliation sa International Church of the Foursquare Gospel (ICFG) Philippine Field na ngayon ay Church of the Foursquare Gospel in the Philippines (CFGPI) .
Ayon sa tala ni Sis. Aline Ritchey, ang pagsasanib ng UGT sa ICFG ay may mga sumusunod na kadahilalan:
1. Nais ng UGT na magpokus sa Gitna at Timog Amerika. Matatandaan na si Jack Ritchey ay isang misyonero ng UGT sa Colombia bago ipinadala sa Odiongan, Romblon upang tingnan ang mga gawaing napasimulan ni Bro. Silverio Diaz.
2. Naniniwala si Rev. Harry Hodge, ang nagpasimula ng UGT, na ang UGT at mga iglesia nito at ang ICFG ay halos magkatulad ng turo, gawi, at pamamaraan. Ang UGT ay rehistrado sa Pilipinas bilang isang Corporacion Unipersonal. Kung kaya naniniwala siya na maipatuloy ang mga napasimulan ng mga mananampalataya ang mga simulain nito sa loob ng fellowship ng ICFG.
Dahil dito, noong Enero 1960, pormal na naging bahagi ng ICFG ang mga kongregasyon ng UGT sa Romblon at Mindoro. Bahagi nito, kinilala ang Tablas Gospel Cheter, ngayon ay Odiongan Foursquare Gospel Church bilang isa sa mga headquarters ng ICFG. Bilang headquarters, tatlong conventions ng CFGPI ang ginanap sa OFGC.
Naging instrumento ang mga UGT churches upang mabuo ang kasalukuyang CFGPI. Si Rev. Jack Ritchey ay isa sa mga naglagda sa orihinal na Articles of Incorporation and ByLaws ng FoursquarePhilppines Cfgp.
Photo credit: Rev. Porferio Jhun G**o