CDCC Comitang Chapter - Nueva Ecija Archdiocese

Directions

CDCC Comitang Chapter - Nueva Ecija Archdiocese We believe in one God eternally existing as one essence and Four district persons. God the Father, God the Mother, God the Son, and God the Holy Spirit ๐Ÿค

Christmas Celebration 2026 ๏ฟผ| Part 3๐Ÿ“ธ: Laizza Ilagan
25/09/2026

Christmas Celebration 2026 ๏ฟผ| Part 3

๐Ÿ“ธ: Laizza Ilagan

Christmas Celebration 2026 ๏ฟผ๏ฟผ| ๏ฟผPart 2๏ฟผ ๏ฟผ๐Ÿ“ธ: Laizza Ilagan
25/09/2026

Christmas Celebration 2026 ๏ฟผ๏ฟผ| ๏ฟผPart 2๏ฟผ ๏ฟผ

๐Ÿ“ธ: Laizza Ilagan

Christmas Celebration 2026 | Part 1๐Ÿ“ธ: Laizza Ilagan
25/09/2026

Christmas Celebration 2026 | Part 1

๐Ÿ“ธ: Laizza Ilagan

25/09/2026

Merry Christmas, Fellow Crusadoโ€™s ๐ŸŽ„โค๏ธ

๐ŸŽฅ: Nica Stefhanie Corpuz

Christmas High Mass and Flower Offering 2026๐Ÿ“ธ: Nica Stefhanie Corpuz
25/09/2026

Christmas High Mass and Flower Offering 2026

๐Ÿ“ธ: Nica Stefhanie Corpuz

NOCHE BUENA MASS 2026๐Ÿ“ธ: Nica Stefhanie
25/09/2026

NOCHE BUENA MASS 2026

๐Ÿ“ธ: Nica Stefhanie

CKF-CHRISTMAS BALL 2026๐Ÿ“ธ: Laizza Ilagan
25/09/2026

CKF-CHRISTMAS BALL 2026

๐Ÿ“ธ: Laizza Ilagan

22/09/2026

๐“๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐š๐ค๐š๐ง
Ni: Rev. Fr. Stephen John Y. Tabuyo
Nueva Ecija Archdiocese

Malamig na naman ang ihip ng hangin,
Galak ng Pasko'y unti-unti nang damhin,
Mga ilaw at palamuti'y makinang ang ningning,
Pagsilang ng Mesiyas ay ating gunitain.

"Setyembre pa lamang, bakit may Pasko na?"
Tanong ng marami na kulang ang pagkaunawa,
Ngunit tayong mga Crusado'y may matibay na batayan,
Setyembre bente-singko ang Kanyang kapanganakan.

Kahit maraming batikos ang ating marinig,
Katotohanan ay hindi natin ipagpapalit,
Buong tapang natin itong ipinahahayag,
Sa Setyembre 25 si Kristo'y isinilang.

Halina't tayo'y sama-samang magsaya,
Pusong mapagmahal ang ating ipadama,
Awitan at papuri ang ating ihandog sa tuwina,
Kay Ama RSM na nagbigay ng pag-asa at biyaya.

Ating ipahayag ang katotohanang dala,
Huwag ikahiya ang pananampalataya,
Pag-ibig at pagkakaisa'y ating isabuhay,
Tunay na Pasko'y sumaatin magpakailanman.

22/09/2026

๐’๐š ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐จ๐  ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐š
Ni: Denver Ero Tabios
Nueva Ecija Archdiocese

May panahong payak ang bawat umaga,
Ngunit sagana sa galak ang bawat gunita.
Sa munting daan ay sabay-sabay ang hakbang,
Na iisa ang layuning patutunguhan.

Sa unang hudyat na gumigising sa sambayanan,
Unti-unting nagtitipon ang bawat mamamayan.
Kasabay ng himig na sa puso'y nananahan,
Habang biyaya ng Ama'y marahang nararamdaman.

Bawat awiting buong galak na iniaalay,
Unti-unting sumisibol ang pag-asang taglay.
Bawat himig ay tila tanglaw at gabay,
Patungo sa buhay na kay Kristoโ€™y siyang tunay.

May init na higit pa sa munting tasang tangan,
Kundi sa pusong pinag-iisa ng banal na ugnayan.
Sa payak na salu-salo'y walang pusong naiiwan,
Sapagkat si Hesukristo ang sentro ng bawat tahanan.

At kapag muling tumunog ang kampana,
Waring nagsisimula na ang banal na misa.
Senyales na sumapit na ang kapistahan,
Na sa puso'y muling naghahari ang kasiyahan.

Kaya't bago pa magsindi ang bawat ilaw sa tahanan,
Unahin nating pagningasin ang pananampalataya't kabutihan.
Sapagkat ang Pasko'y hindi nasusukat sa pagdiriwang,
Kundi sa pusong kay Hesukristo, habambuhay na tangan.

22/09/2026

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ค๐ฎ๐ฆ๐›๐š๐›๐š๐ง๐  ๐‡๐š๐ซ๐ข
Ni. Rev. Fr. Angelito R. Cabaccan Jr.
Nueva Ecija Archdiocese

Walang palasyo, walang kumikinang na ginto,
Kundi sabsaban at dayapmi ang unang sumalubong sa Iyo.
Ang Lumikha ng lahat ay nagpaalipin sa atin,
Upang sa kadiliman, tayoโ€™y maihatid sa liwanag din.

Mga pastol na dukha ang unang nakakita,
Ng pag-asang isinilang sa simpleng pamilya.
Hindi sa kapangyarihan Niya tayo tinawag,
Kundi sa pagpapakumbaba, binuksan Niya ang daan.

Ang Hari ng lahat ay yumuko at nagpakababa,
Upang ang pusong may sugat ay muling sumigla.
Sa Paskong ito, paalala ng tunay na dangal,
Ang pag-ibig ay nahahayag sa mapagkumbabang pagkatha.

Address

Purok 2, Comitang
Santo Domingo
3133

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CDCC Comitang Chapter - Nueva Ecija Archdiocese posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share