16/01/2026
Last Sabbath (01-10-2026), nagdalaw tayo sa ating mga kapatid upang sila’y kamustahin at ipanalangin.
Sa bawat tahanang aming napuntahan, may ngiting sumalubong at pusong handang magbahagi. Sa simpleng usapan at taimtim na panalangin, naramdam natin ang tunay na pag-ibig ng Diyos na patuloy na nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya sa. pananampalataya.
Ang ganitong mga sandali ay paalala na hindi tayo nag-iisa sa ating mga pinagdaraanan. Sa presensya ng Diyos at sa pagmamahalan ng bawat isa, tayo ay nagkakaroon ng lakas, pag-asa, at kapanatagang nagmumula sa Kanya. 🤍
Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.
—1 Mga Taga-Tesalonica 5:11