19/09/2026
NASA LARAWAN | Parish Renewal Experience (PREX) no. 165, isinagawa noong September 12 to 13 sa lumang simbahan ng ating parokya, Chair of St. Peter Parish.
--------------------------------------------
Napuno ng galak at biyaya ang nagdaang PREX Seminar kasama ang ating 15 na mga bagong ate at kuya. Kasama ng mga bagong ate at kuya ay malugod nating binabati si Kuya Fr. Ricky Velasco, Diocesan PREX Spiritual Director, sa kanyang aktibong pagdalo sa nagdaang paklase. Sa lahat ng mga bagong ate at kuya, welcome to the PREX family!
Malugod nating pinasasalamatan ang ating Parish Priest, Rev. Fr. Jerry Gaela, sa patuloy na pagsuporta at walang-sawang gabay sa gawain ng PREX. Pinasasalamatan din si Rev. Fr. Tony Velasco sa pagbibigay ng oras dito at sa lahat pa ng nagdaang PREX Seminar.
Maraming salamat sa Lead Couple na sina Kuya Neil at Ate Lenh Laza, sa Sponsoring Class sa pangunguna ng kanilang President, Ate Pam Morgado, at sa buong PREX Staff. Pinasasalamatan din ang PREX Mamatid (Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer) sa pagbibigay ng suporta, at PREX Bigaa (St. Joseph the Worker Parish) sa kanilang presensya at panalangin sa nagdaang paklase.
Sa lahat ng nagbahagi ng kanilang sarili para sa ikatatagumpay ng nagdaang paklase, maraming maraming salamat po!
Magkita-kita po tayong muli sa darating na PREX no. 166!
Papuri at pasasalamat sa ating Panginoon!